Poem #1

2 0 0
                                    

Sa pamimitak ng araw,
Iniisip ko'y laging ikaw.
Bawat pagmulat ng mata,
Ikaw pa rin aking sinta.

Lumipas man ang panahon,
Hindi na makakaahon.
Sakit ay hindi mawala,
Wala na rin ang tiwala.

Ako'y nagtatangis pa rin,
Sakit ang ibinigay sa akin.
Sana'y maatim ko na rin
Na ika'y hindi para sa akin.

- 🌼

poems, thoughts, & lettersWhere stories live. Discover now