It has already been TWO days since that shameful night happened. Only God knows how much I wished to disappear after that night.Rago really made his way to embarrass me. Ngunit hindi rin naman niya kasalanan na nasobrahan ako sa beer at biglang nawala ang hiya ko noong gabing 'yon.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? It all happened already anyway. Itong mga buwiset na lalaki lang naman ang hindi naka move-on.
"Pre, do you mind if I barrow your phone?" Tanong ni Nico kay Joey, imitating me. Lalong nagusot ang mukha ko dahil doon.
"No pre eh," Joey tried to hide his laugh. "But maybe Marisol would—" bago pa man nito matapos ang sasabihin ay malakas na itong natawa na sinundan naman agad ni Nico.
Unfortunately, sinapian sila nang pagiging chismoso that night and they decided to follow me when I went out and they heard everything. Oo! EVERYTHING talaga especially ang kahihiyan ko.
"Saan mo ba kasi napulot ang ka-kornihang 'yon, El?" Nangingiting tanong ni Jana sa akin. She was holding a cup of tokneneng on her hand, habang may nakaipit na file case sa braso niya.
"Tinanong mo pa. For sure nakuha niya 'yan sa kakapanood niya ng mga k-drama." Sagot ni Cal na kakadating lang at mukang narinig ang pinag-uusapan namin. "Sayang talaga wala ka 'non. Mas LT sana." Natatawa pa nitong dagdag.
"Wow, Cal. Thank you, ha? Isa kang fake friend!" Inirapan ko siya.
Inis na inis ako buong breaktime namin. After ko tuloy maubos 'yung palamig ko ay nauna na akong pumasok sa loob ng LSPU. Kahit malayo ang library sa gate 2 ay doon pa rin ako dumiretso.
Nag log muna ako sa computer bago naupo sa natanaw kong bakanteng upuan malapit lang din sa entrance. May 20 minutes pa naman bago ang susunod naming exam kaya mag rereview nalang muna ako.
I set an alarm for 10 minutes and put it on vibrate para lang malaman ko kung anong oras dapat ako matapos sa pag rereview. Nang maayos ay mabilis ko nang kinuha ang reviewer ko para sa susunod naming i-eexam at nag basa.
But it wasn't even 3 minutes when someone suddenly spoke behind me.
"Is this seat available?" He asked. Tumango nalang ako, hindi na nag-abalang tignan kung sino man 'yon.
I only have 8 minutes left.
"I see you already found your phone." The guy said.
Mabilis namang nangunot ang noo ko. My phone?
"What d—" Agad na natutop ang bibig ko nang makita kung sino ang lalaking katabi ko ngayon.
What the actual hell. Seryoso ba 'to?
"R-Rago?"
His brows raised upon hearing the name I called him. Shit!
"Rago?" Tanong niya.
I wanted to explain that it was my nickname for him ngunit agad ko rin naitikom ang bibig. Nahiya ako bigla!
"Sinong Rago? I'm Randal." Aniya.
Dahan-dahan akong tumango. "O-Oo nga.." it's just my little nickname for you. I wanted to add. Pero syempre ay hindi ko 'yun sinabi 'no? Ayoko nang madagdagan ang kahihiyan ko sa kaniya!
He looked away while shaking his head. I don't know why but he seemed.. disappointed?
"I'll let you be here." Aniya bago tumayo at umalis.
Sunod naman ang tingin ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng library. I was left here still in awe. What the hell just happened?
Sunod-sunod na mura na naman ang pinakawalan ko. Napapadalas na talaga ang pag mumura ko dahil sa lalaking 'yon! Napapadalas na kasi 'yung interaksyon namin kaya madalas na rin akong.. kinikilig.