Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak.
May pag asa pa ba'y mata mo'y mamulat?
Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak.
Ano kaya ang iyong mga napapanaginapan? May pag-asa bang ito'y mapakinggan?
Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak.
Komportable ba ang iyong pagkakahiga?
Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak.
Kailan mo kaya balak magising upang ako'y makapiling?Ilan lang 'yan sa mga aking katanungan na alam kong hindi mo masasagutan. Ilan lang 'yan sa mga paulit-ulit na salita na tumatakbo sa aking isipan.
Akala natin hindi natin ito mararanasan, pero sabi nga nila kung ano pa ang iyong hindi inaasahan ay yun pa ang madalas na kaganapan.
Iba, iba ang ating pininta sa mga bituin.
Iba, iba ang ating pinagplanuhan saksi ang buwan.
Iba, iba ang ating inaasahan na gawin ng tadhana.Pero sa mga pininta, pinagplanuhan, inasahan, niisa wala man lang natupad.
Ngayon ika'y natutulog, walang hininga, walang tibok ang puso, hindi gumagalaw, at sa dinami-daming pwedeng tulugan. Bakit d'yan sa kahong iyan?
Andaya mo naman eh, wala sa uspan natin ang susuko 'diba? Anong ginagawa mo d'yan? Ba't nandyan kana? Pano na mga ating napag-usapan? Sino na ang aking kasama tuparin iyon?
Sabi mo hindi ka aalis. Sabi mo hindi mo'ko iiwan. Pero bakit ako'y ngayon ay nag-iisa? Nasaan ka?
Gabi-gabi ang luha ko'y tuloy-tuloy sa pagbuhos, gabi-gabi ang puso ko tuwing naalala ka ay kumikirot.
Ngunit anong magagawa ko, yun ang plano at itinakda ng tadhana para sa ating dalawa.
Balang araw, matatanggap ko ang iyong pagkawala, at maghihilom rin ang aking mga sugat na iyong naiwan.
Maikli man ngunit masaya at maganda ang aking karanasan na aking naramdaman dahil sa iyong pagmamahal.
Hindi man ikaw ang aking katapusan pero ikaw ang aking paboritong minahal. Hanggang sa muli nating pagkikita aking mahal.