Amnesia. Ano nga ba ang ibig sabihin ng amnesia? Well..amnesia is a severe head trauma that causes a person to lose all his memory temporarily or sometimes for good. Take note, head trauma, hindi heart trauma. Eh bakit yung iba jan, mukang pati sa puso nagkakaamnesia na. yung bang tipong matapos ang lahat ng pinagdaanan nyo eh, mukang nabarog pati ang puso at biglang..”oh, sino ka?”
Pero lagi nyong tandaan na ang pusong nagmamahal ng tapat, never na never makakalimot sa taong mahal talaga nya ng TOTOO. Yung TOTOO lang ah. Kase alangan naman matandaan ng puso mo yung mga EXTRA at WALANG KWENTA lang diba?
Ako si Princess. maganda, matalino, mabait, almost perfect na nga daw sabi ng mga friends ko. Pero.. my perfect ba na may kulang? Sabagay almost lang naman ang sabi nila eh. kulang kase ako ng isang bagay. Tao to be exact. J tama! Wala akong boyfriend. NBSB ba. as in never pa talaga. Pero syempre nagkakacrush ako. Normal na tao rin naman ako noh. Marami rin nanliligaw pero hindi ko naman feel. Kung hindi mahangin, napasobra sa bait, yung tipong mas astig pa ako.wala naman kase akong standard sa pagpili ng mamahalin at magiging boyfriend eh. Basta sakto lang ang ugali. Ayoko sa masyadong mabait. Baka sa sobrang bait, baka pati ako ibigay sa iba eh. at ang pinakaayaw ko sa lahat eh yung..MAYABANG! AROGANTE! FEELINGKUNG SINONG GWAPO! MASUNGIT! Kaya nga siguro sabi ng mga friends ko hindi na talaga ako magkakaboyfriend, ang arte ko daw kase sa pagpili ng mga lalaki. Aba! Hindi kami magkakasundo kung sya ang PINAKAMAYABANG NA TAO sa buong mundo!
Ako si Glenn. gwapo, matalino, at…mabait? Ah eh. Gwapo ako! hehehe, admitted naman ako na hindi ako mabait eh. Pero ano pa bang aasahan nyo saken? Isang simpleng gwapong tao lang naman ako. sabi ng iba, mayabang daw. Pero di ko na pinapansin yun, gwapo naman ako eh. Mayaman din kami. Kaya nga siguro malakas ang loob kung magpakaplayboy. Ang dali dali kaseng magplease ng mga babae ngayon, isang stuff toy at balloon lang, o kaya roses, naku mga tsong, pustahan, in less than 1 minute may girlfriend ka na. expert yata ‘to! Dati. J nawala anghappy-go-lucky na Glenn. Yung dating Glenn na masayahin naging bugnutin at masungit. Lalo pa nga daw yumabang sabi ng iba. Pero..you cannot just blame me guys, I have my reasons. Anyway, pagdating naman sa lovelife, di tayo mauubusan nyan. There are many fish in the sea anyway. Pero ayokong makahuli ng MATARAY! Yung bang akala mo kung sinong maganda! Siguro nga, kung totoo ang opposite poles attract, meron din sigurong same poles repel. Totoo naman yun diba?
<span> </span>“bye mommy, daddy! Ingat po! I love you!” pahabol kung sigaw sa mommy at daddy ko habang papasok na sila para magcheck in. I’m free as a bird again! Yahoo! naglalakad na ako pabalik sa kotse ni Tolits nang..teka! asan Tolits?! Arggh! Walanghiyang Angelito! Iniwan ata ako! Nasan na ba yung.. “ay!” “sorry po-..“N-n-ninong?!” gulat kong sabi ng bigla kong makilala si ninong Alfonso. “Princess!? Ikaw ba yan?” gulat ding tanong ni ninong ng makita ako. “opo.” J nakangiti kong sabi kay ninong “kumusta ka na?” “ang laki laki mo na ah.” Natutuwang sabi ni ninong saken. “ mabuti naman po.” “kayo po?” nakangiti kong tanong kay ninong. Hmmm..ano kayang ginagawa ni ninong dito sa airport? “naku, eto mabuti naman.” “teka asan pala ang mommy at daddy mo?” tanong ni ninong Alfonso. “eh kakahatid ko nga lang po sakanila eh.” Sabi ko kay ninong. “ay naku sayang naman.” “hindi ko manlang naabutan.” May panghihinayang na sabi ni ninong. “sayang nga po.” “eh kayo po? Ano pong ginagawa nyo dito?” tanong ko kay ninong. “susunduin ko si Glenn.” Nakangiting sabi ni ninong. Glenn? Sinong Glenn? Nahulaan ata ni ninong na iniisip ko kung sinong Glenn ang sinasabi nya. “si Glenn ang bunso kong anak Princess.” Sabi ni ninong. Bunso?! Huh? May anak pa si ninong bukod kay kuya Simon? “eh bakit po hindi ko po sya parang nakikita dati.” “akala ko po talaga si kuya Simon lang ang anak nyo.” “nagkakataon siguro na wala si Glenn sa bahay pag napunta kayo dun ng mga magulang mo.” Sabi lang ni ninong saken.” “eh para parang wala naman po sya nung--… hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si ninong. “pumunta na sya ng America nun.” Malungkot na sabi ni ninong Alfonso. America?! Ni hindi manlang sya.. “Glenn?!” biglang malakas na sabi ni ninong. Napatingin din ako bigla sa lugar kung san nandun lahat ng mga arrivals galling international flights. Ano kayang itsura ng Glenn na yun? “Glenn!” sigaw ulit ni ninong. Biglang may isang matangkad na lalaking nakashades ang lumingon sa direction namin ni ninong. Nagtanggal ng shades ang lalaki at…WOW! OMG! Ang gwapo! Parang nawala ang mga naririnig kong ingay sa paligid bigla. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. God! Ano ba ‘tong nangyayari saken? Ngayon lang ba ako nakakita ng gwapo? Hindi! Pero..ang kasing gwapo ng lalaking nakashades..NGAYON LANG! “Glenn! Anak!” sigaw ni ninong. Tsaka lang parang narecognize ng lalaki si ninong. Pero instead na ngiti ang magregister sa gwapong mukha ng lalaki, bakit..galit? kunot noong tinulak ng lalaki ang cart baggage. “anak! Glenn!” sabi ni ninong sabay yakap sa..kay Glenn? Habang tuwang tuwa si ninong sa pagkikita nila ni “Glenn” eh kabaligtaran naman ang makikita kay “Glenn”. Si Glenn ba talaga ‘to? Hindi manlang gumanti ng yakap kay ninong. Napakapormal ng mukha. Yung pormal na parang..galit? at bakit?! “a-a-anak.” Parang naramdaman ata ni ninong na walang response si Glenn sa yakap nya kaya bumitaw si ninong. “ang laki laki mo na anak.” Masayang sabi ni ninong habang hawak si Glenn sa balikat. “obviously, it has been 5 years.” Cold na sabi ni Glenn pero may emphasis sa bawat bitaw ng salita. Para bang gusto nyang ipagdiinan kung gano sya katagal nawala. Speechless si ninong. “a-ah, oo nga naman.” Pinilit ni ninong na ngumiti at pasiglahin ang boses. “a-ah, nagugutom kaba a-anak?” nauutal na tanong ni ninong. Bakit kaya sobrang eager si ninong na iplease si Glenn? “hindi, gusto ko ng umuwi.” Malamig na sabi ni Glenn tsaka dirediretsong lumakad palayo. Iniwan ang mga gamit?!! Abat! Lumipad palayo ang crush ko sa unggoy na mayabang na naglalakad habang nakapamulsa! In fairness, kahit likod, ulam na! arrggh!! Pero sobrang yabang! Akala mo kung sino. Napatingin ako bigla kay ninong. “he must be really tired.” Malungkot pero nakangiting sabi nalang ni ninong. Isa isang kinuha ni ninong ang mga bagahe na nasa cart ni Glenn. “mabuti pa, tawagin ko si Elmo para matulungan ako dito.” “naku ninong, ako nalang po ang tutulong sainyo.” “mahihirapan pa po kayo paglakad para tawagin si mang Elmo.” Sabi ko nalang kay ninong para hindi na nya tawagin ang driver na si mang Elmo. Binuhat ko ang isang bag ni Glenn..”aray!” sabi ko ng mabitawan ko ang bag. Ano bang laman nito!? Aparador!?! Dinala ata ng tuod na yun ang buong America eh! “akala mo kung sinong gwapo!” mahinang bulong ko habang pinilit kong buhatin ang bag. “huh? Anong sabi mo iha?” tanong ni ninong na halatang nabibigatan din sa mga dalang bag. “a-ah e-eh wala ninong.” “sabi ko po mukhang iniwan na talaga ako nung kaibigan ko na sinakyan naming nina mommy papunta dito.” Sabi ko nalang kay ninong. Naalala ko nanaman si Tolits! Ang unggoy na yun! Nakuu!! “naku iha, sa akin ka nalang sumabay at sa bahay ka na rin magtanghalian.” “nagpahanda ako ng kaunti para sa pagdating ni Glenn.” Sabi ni ninong saken. “e-eh, kase ninong--.. “naku iha, I won’t take no for an answer.” Determined na sabi ni ninong. “hmmm, sige na nga ninong, tutal, masamang tumanggi sa grasya.” Nakangiting sabi k okay ninong. “ikaw talagang bata ka!” napahalakhak na sabi ni ninong. “ang gwapo ng anak ko, hindi ba Princess?” nagmamalaking sabi ni ninong saken habang naglalakad kami papunta sa kotse nila. “a-ah e-eh opo.” Labag sa loob na sabi ko. Gwapo nga mayabang at arogante naman! I doubt kung magkakasundo kami! Hmp! >.<