Akala ko, makakatulog ako pag nasa byahe na kami pero mali pala ko. Pano ba naman kase ako makakatulog eh ang lakas lakas ng kabog na dibdib ko. At hindi ko alam kung bakit. Bakit kelangan bumilis ang tibok ng puso ko just because nakasandal saken ang ulo ni Glenn. Weird! Oo I admit, naattract ako kay tuod nung first time ko syang makita. Kahit naman ata sinong girl, maattract talaga sakanya pero, sa ugali ng unggoy na ‘to? Naku! Desperado na lang ang pedeng makatagal. Mawawala din ‘to. Muka naman ang laki ng problema ng kumag eh. care ko naman sakanya noh! Bigla kong naramdaman ang paggalaw ni Glenn. I suddenly froze for a while. Pero hindi naman nawala ang bigat sa balikat ko. Meaning, hindi nagising si Glenn. Umayos lang siguro. Ewan ko ba! Para kaseng there is something inside me na ayaw kong umalis sya sa pagkakasandal saken. Lumingon ako kay Glenn. Only to find out na gising pala ang unggoy! Looking at me intently. Our eyes met. Ewan ko ba pero parang may hidden force na humihila samin. One more inch and….. “we’re home!” masiglang sigaw bigla ni ninong Alfonso sabay lingon samin. Taranta kaming sabay na nagbawi ng tingin ni Glenn sa isa’t isa. Humarap ako sa bintana. My face suddenly turned red. That was close! Muntik na yun! Isang inch nalang at..hmp! teka nga..bat ba parang nagsisisi pa ako at hindi natuloy ang kiss naming ng unggoy na yun!? “problem?” inosenteng tanong ni ninong Alfonso. “a-ah e-eh wala ninong!” nauutal na sabi ko kay ninong Alfonso. “diba Glenn?” sabi ko naman kay Glenn. Eto nanaman ang emotionless na mukha ni Glenn. Pano kaya nya napagaralan yun? As in blank face. Wala kang mababasa. Ang lamig lamig ng titig. “yeah.” Cold na sagot ni Glenn sabay bukas ng pinto ng kotse. Grrr! Tuod na! rude pa!
What the hell was that?! Muntik ko ng halikan ang babaeng yun?? Ahh! Hindi ko alam kung pano nangyari. Basta nalang akong nagising na nakasandal na pala ako sakanya. I couldn’t resist the urge na tingnan sya habang nakaside view. Those frantic eye lashes, those taunting kissable lips. Ang ganda talaga nya. Pero biglang lumingon si Princess. She caught me looking at her intently. Our eyes met. Then I had that strong urge move closer. Closer to her trembling lips. Ahh! Ano ba ‘to! I shouldn’t be acting like this. Napatingin ako sa buong hacienda Buenavista. My place before. Biglang nagflash back ng childhood memories ko. Yung times na tumatakbo akong magisa sa hacienda while flying my kite na gawa namin ni mang elmo. Napapikit ako. Yung times na humihiga ako sa damuhan habang nakatingin sa langit at nagbibilang ng clouds. Yung times na naghahabulan kami ni mama kase ayoko magpalagay ng towel sa likod. Yung times na naliligo ako sa ulan ng walang shorts. Nakakamiss lahat yun. Ramdam ko ng nagiinit ang mga mata ko. Yung time na sinabi saken ni mama na “mahal na mahal ka ng mama Glenn, always remember that.” Malambing na sabi saken ni mama sabay yakap. Mama..
San kaya nagpunta si tuod? Ayun! Nakatalikod si Glenn. Ayoko sana pero parang may humihila sa paa ko para lapitan si Glenn. Tahimik akong lumapit kay Glenn. Tumigil ako sa tabi nya. Nakapikit si Glenn. Nageemote ang kumag. Aalis na sana ako pero narinig kong suminghot si Glenn. Napatingin tuloy ako bigla sa mukha nya. A teardrop came from Glenn’s closed eyes. I can hear his silent sob. Bakit umiiyak si Glenn? Biglang parang nagkaron ako ng urge na yakapin sya ng mahigpit para icomfort sya. “Glenn.. mahinang bulong ko sabay hawak sa balikat nya. Nagdilat ng mata si Glenn. Malamig na tiningnan ang kamay ko na nakahawak sa balikat nya. Tinabig nya ang kamay ko sabay pahid sa luha nya. “I don’t need your sympathy.” Malamig na sabi ni Glenn. His eyes were blazing with fury. “hindi ako ang tipo ng tao na tumatanggap ng awa.” Sabi ni Glenn sabay alis. Tumingin lang ako sa palayong si Glenn. I need to find out why!
Magkakaharap kaming tatlo nina ninong at Glenn sa lamesa habang naglulunch. Hindi masyadong kumakain si Glenn. Habang ako, hmmm! The best kare-kare in town! Ang sarap talaga! “oh anak, hindi mo ba gusto ang ulam? Kare-kare is your favorite, right?” sabi ni ninong kay Glenn. Malamig na tumingin si Glenn kay ninong Alfonso. “kelan ka pa nagkainteres sa mga bagay tungkol saken?” Glenn asked in a sarcastic way. Tiningnan ko si ninong. Guilt was killing him. “a-a-anak.. mahinang sabi ni ninong. “anak?! Yeah right! As if you really knew the word huh?!” galit na sabi ni Glenn. Binagsak ang spoon and fork sabay tayo. “see you Papa?” Glenn sarcasticly smirked. Tumingin saken si ninong. He smiled weakly. “I deserve that.” Mahinang sabi ni ninong. “ninong.. naawang sabi ko na lang. “pagkatapos mo iha sa pagkain, sumunod ka saken sa study room.” “I need to tell and ask you something.” Sabi ni ninong sabay tayo. Hindi na nya tinapos ang pagkain nya just like what Glenn did. Susmeng mag ama ito! Kadami daming batang nagugutom tapos mga hindi marunong magubos ng pagkain! Sumubo ako ng malaki. Ano naman kaya ang paguusapan naming ni ninong Alfonso? Dumating si manang Rosa dala ang umuusok na adobo. “oh nasan na ang mag amang yun?” nagtatakang tanong ni manang Rosa. “tinopak manang. Diet daw sila.” Nakangiting sabi ko kay manang sabay subo ulit. “ano ba gang diet?” exaggerated na sabi ni manang. “ay naku manang, tataas lang ang B.P nyo kung iisipin nyo.” “buti pa, sabay na tayo.” “ang sarap ng kare-kare nyo.” Sabi ko kay manang sabay hila sakanya paupo. “batang ire, oo.” Sabi na lang ni manang.