My Amnesia Boy 4

433 8 11
                                    

 Ano daw?! Totoo ba narinig ko?! hindi kilala ni Glenn ang sarili nya?! No! nagloloko lang ang kumag na ‘to! Bigla kong tiningnan si ninong na namumutla lang na nakatingin kay Glenn. Tumingin naman ako sa doctor pero para casual lang ang reaction ng doctor ni Glenn. Tiningnan ko ulit si Glenn. Still no recognition on his face. Suddenly, bigla kong hindi nakilala ang lalaking nasa harap ko ngayon. Ibang iba kase si Glenn. He suddenly looked so helpless. Yung dating maereng aura, napalitan ng inosente at parang naliligaw na aura. Bigla tuloy akong naguilty. Kung hindi lang sana ako nagpababa sa 7/11. Ah ah naman! “D-doc, anong nangyayari sa anak ko?” tsaka lang parang nagkalakas ng loob si ninong na magtanong sa doctor. “well, dahil sa lakas ng impact ng pagkakauntog ng pasyente, nagkaroon sya ng tinatawag nating temporary amnesia. It is a head injury na nararanasan ng isang taong nakaranas ng head trauma or any crash. It could take few days or weeks before bumalik ang alaala nya.” “all we have to do is to guide him.” “ sa pinagdaanan kase ngayon ng pasyente, masyado syang vulnerable sa lahat ng bagay.” “makakatulong din sa pagbalik ng alaala nya kung magpapakita tayo ng mga bagaya, lugar o taong konektado sa mga alaala nya.” Sabi ng doctor kay ninong. “bibigyan ko na lang ng pain killers ang pasyente just in case sumakit ang sugat nya.” “relax Mr. Buenavista, you’re worrying too much.” Sabi ng doctor sabay tapik sa balikat ni ninong tsaka lumabas ng kwarto. Tiningnan ko si Glenn. Parang hindi nya alam kung ano ang dapat nyang maging reaction. Nilapitan ko si Glenn. “wala ka ba talagang maalala?” tanong ko Glenn. Tiningnan lang ako ni Glenn. Tapos biglang sumama ang tingin ng kumag. “anong tingin mo saken sinungaling?” he hissed. Aba! At ang sungit pa rin ng gago! May amnesia ba talaga ‘to?! Bat parang wala naman! Ang sungit pa rin! “a-anak?” kinakabahang tanong ni ninong ng makalapit kay Glenn. Walang akong mabasang emosyon sa mukha ni Glenn. Sobrang blanko. “you’re my father?” tanong ni Glenn kay ninong. Tsaka lang ako may nabasang emosyon sa mukha ni Glenn. He’s confused. So confused. “oo a-anak.”  "I Alfonso Buenavista Sr.” “I am your father.” Sabi ni ninong. Tiningnan lang sya ni Glenn. Confuse parin ang mababasa mo sa mukha ni Glenn. So innocent. Malungkot na bumuntong hininga si ninong sabay yuko. “ill or not, he still doesn’t know me.” “or should I say, his whole being refuses to remember anything about me.” Malungkot na bulong ni ninong. Awang awa ako kay ninong. Malungkot na hinawakan ni ninong ang balikat ko. “ikaw na muna ang bahala sakanya iha.” “I was in the middle of an important meeting when you called.” “ingatan mo si Glenn.” Malungkot na sabi ni ninong tsaka sya lumabas ng kwarto. Bigla ko nanamang naalala ang abogadong tumawag kanina sa cellphone ni Glenn. Dapat kobang sabihin kay ninong ang about dun?

O dapat si Glenn muna ang kausapin ko? Hindi! Pag kay ninong ko sinabi, for sure wala syang magagawa. Syempre, vulnerable sya sa lahat ng request ni Glenn. Ang laki na nga ng atraso nya, may sakit pa ang tuod na ‘to. Pag naman kay tuod ko sinabi, giyera to the max nanaman kami nito. Tsaka wala nga palang naalala ang unggoy. Tiningnan ko si Glenn. Only to see na nakakatitig pala saken ang kumag! Baka may naalala na sya! “b-b-bakit?” grrrrrrr! Why do I have to stammer for christ’s sake! “What’s your name?” Glenn innocently asked. Wew! Akala ko naalala na nya ko. “Princess.” nakangiti kong sagot kay Glenn. Biglang nawala ang innocent aura ni Glenn at bumalik ang dating expression. Cold and distant. “come closer.” He commanded. Ako naman si gaga lumapit nga. “what happened to me?” tanong ni Glenn. So cold pa rin as expected. I sighed. Lord, bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya utang na loob, bago po ako makasakal ng unggoy na may amnesia. “you met an accident.” I simply answered. Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Glenn. It’s like as if a dragon has finally awaken. “what kind of accident?!” “how it did happen?!” “who is responsible for it?!” “and most of all what the hell is my name?!” sunod sunod na tanong ni Glenn. In irritated tone. Hindi kagad ako nakapagsalita. I was stunned. Hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin. Irritated pa rin si Glenn. “ano ba! Bingi ka ba?!” galit na tanong ni Glenn. Aba’t! napakaarogante talaga ng unggoy na ‘to! “hoy!” inis na sabi ko sabay pindot sa matangos na ilong ng tuod. “wala kang karapatang gamitan ako ng ganyang tono!” “dahil kung meron mang nakakaalam ng mga bagay bagay tungkol sayo eh ako yun!” “kung makapagsalita ‘to!” “ang yabang yabang mo!” “kapag ako nainis sayo, ililigaw talaga kitang parang pusa.” “hmp! >.<” inis na sabi ko kay Glenn sabay irap. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha ng tuod. He suddenly looked like a lost kid in the forest. Parang hindi nya alam ang gagawin nya. Haay! My heart melted. It’s like as if a soft hand touched my heart. Hinawakan ko ang mukha ni Glenn. “sorry, hindi na kita ililigaw.” “wag mo kase akong sinisigawan.” “I’m sorry too.” Parang batang sabi ni Glenn sabay yuko. “nakipagaway ka kase.” “nauntog ka.” “and, Glenn ang pangalan mo.” Sabi ko na lang kay Glenn. “bakit ako napaaway?” tanong ni Glenn. “eh kase tinulungan mo yung lalaking dinukutan ng wallet sa may 7/11.” Sagot ko kay Glenn. “eh anong ginagawa ko sa 7/11?” tanong ulit ni Glenn. “a-ah e-eh, may binili kase ako dun.” Sagot ko kay Glenn while blushing. “sabi ko na nga ba!” “kaya pala malakas ang kutob ko na ikaw ang may kasalanan sa nangyari saken.” “simula ngayon, you must stay beside me.” “tutulungan mo kong maalala lahat lahat saken.” Glenn said with emphasis habang nakahawak sa kamay ko. hindi ko alam pero an electrifying force flowed when Glenn held my hand. Weird! >.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Amnesia  BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon