[Ace's POV]
"Sino yan?" Tanong ko nang mapagtanto ko na may kamay na nakaharang sa aking mga mata.
"Mi amor." Hinarap ko si Hee.
"Mi amor." Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang aking iniirog lang pala.
"Bulaklak para sa'yo mahal ko." Abot niya sa akin ng rosas at mirasol.
"Ang ganda mahal ko." Ngumiti ako nang tanggapin ang aking mga paboritong bulaklak.
"Mas maganda ka." Hinagkan niya ako sa noo. Sabay naming tiningnan ang paglubog ng araw. Sana nakulong na lang kami pareho sa oras na iyon.
Habang lulan kami ng kabayo pauwi, may biglang pumana kay Hee. Nasapul siya sa dibdib.
"Hee! Mahal!" Humagulgol ako. Kanina ang saya saya pa namin. Bakit nangyari ito? Ano bang kasalanan ko sa mundo para kunin sa akin ang mahal ko?
"Estupida!" Sinampal ako ng ama ni Hee na si Constantino Almonte.
"Dahil sa'yo nawalan ako ng tagapagmana. Dahil sa pagiging inutil mo, namatay ang anak ko!" Sigaw niya habang ako umiiyak.
Nang malaman ko ang tungkol sa esmeraldang kuwintas, ginawa ko ang lahat para makuha ito. Kahit pa kaagaw ko rito ang dati kong kaibigan na si Jay Esquivel.
At ngayon nasa akin na. Pagkasalo ko ng kuwintas, agad ako pumunta sa isang kahon kung saan nakahimlay si Hee.
"Hee argh!" Napahawak ako sa likod ko. Basa ito. Nanlumo ako nang makita na kulay lila na ang dugo ko. Mierda! Tumalab ang lason ni Kimberly.
Natumba ako at kasabay nito ang pagkabasag ng kuwintas.
"Hindi!" Sigaw ko sa maliit na boses. Natanaw ko na pumasok na sila sa lagusan.
"Isinusumpa ko kayo. Mararanasan niyo din ang sakit at pait na pasan ko sa dibdib ko. Hee, kung hindi kita magawang buhayin para makasama mo ako, ako na lang ang lalapit kay Kamatayan para muling magkasama tayo." Lumandas ang luha sa aking pisngi.
"Hintayin mo ako sa kabilang buhay, mi amor." At ipinikit ko ang aking mga mata.
-----------------------------------------------------------
Thank you ulit sa pagbabasa. Hanggang dito na lang. My first story na completed and published in Wattpad. Luvlots all🦊🌸
Till the next voyage.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗘𝗩𝗘𝗥 || JayWon AU
Short StoryWon Galvez was a simple museum curator when he encountered an unexplained phenomenon: Jay Esquivel, the writer in 1800s, suddenly came life from a painting. Jay was in search for the emerald necklace that will help him live longer in his era. They f...