CHAPTER 4- Siopao Stealer

104 4 2
                                    

AN: Sorry readers may nakalimutan po ilagay si author. Pakiread na lang ulit po. No problem yun pa rin po may idinagdag lang. Sorry sa typos. Thanks.. Keep on reading guys!!

EIXER's POV

Damn that girl!! Dinumihan pa ang damit ko buti na lang P.E namin ngayon may pampalit ako.

AT LOCKER ROOM..

Haisst.. Sarap talaga magshower. Kahit papaano nafreshen up ang pagkainit ng ulo ko sa babaeng baliw na yun. Malapit na pala magtime sa next class ko. Ok better get ready for gym class.

While opening my bag..

WAIT??!! ANO 'TO??

SIOPAO???

WTF!! Paano nagkaroon ng siopao sa loob ng bag ko. Urrrggh!! Sumabog pa ang sauce. Alam ko kung kanino ito. Naku malilintikan talaga sa akin yung babaeng baliw na yun!!

Patay ka sa akin!! Babaeng baliw..

"Good afternoon Mr. Valermo, mukhang nakabusangot ka na naman. Sige ka papanget ka nyan" sabi ni kuya Zac

Isa siya sa mga janitor dito sa Grande University and also my kuya-kuyahan. Simula bata pa kasi ako dito na ako nag-aral and that time biktima ako ng pambubully. I remember lagi akong naiyak sa loob ng banyo or kung minsan nagkukulong pa sa loob dahil sa takot na makita nila ako and kuya Zac came and comfort me just like a real brother. Once in my life naranasan kong maging malaya dahil sa kanya. Kahit ang dad at mom ko ay always busy, he is there for me.

"Hahaha. Kuya Zac ako papanget? Parang napaka-imposible yun? Hintayin mo muna pumuti ang uwak."

"Oo nga no. Parang napaka-imposible nga parang ako, imposibleng magkagirlfriend. Hahaha 'di katulad mo maraming reserba."

" 'Wag ka naman ganyan, just trust yourself and you'll find the right woman. Ako nga e marami nga akong reserba pero wala ni-isa akong nagugustuhan and you know kuya Zac first day pa lang ng school nakaencounter agad ako ng GG."

"GG? Gandang Ganda?"

"No! Gelut Girl! Kuya Zac!"

"Ahh.. Yun ba yung itlog na may sisiw? Hehe. BELUT!" -napafacepalm na lang ako sa sinabi nya.

Hindi rin nagtagal nagpaalam na ako sa kanya.. All I need to do is to wait until tomorrow. (evil smile)

The next day..

Second day of our class ngayon. Maaga akong pumasok para abangan ang lintik na babaeng may kasalanan sa akin kung bakit nadumihan ang damit ko kasama na rin ang bag ko.

Takte!! Ang tagal naman ng babaeng siopao na yun. Lanya, HUMANDA SIYA SA AKIN! Papalamon ko sa kanya ito ng buong-buo..

After a couple of minutes may tumigil na red na kotse sa tapat ng gate nitong Grande University at doon bumaba ang babaeng siopao na yun.

Haha.. Witwew. Nandito na siya.
(evil smile)

AENER's POV
Kararating lang namin ni Ahria sa Grande University ng mahagip ng mata ko si Mr. Pogi sana kaso ubod ng yabang, ngumiti siya ng masama. Mukha siyang unggoy sa ginagawa nya. HAHAHAH- Ay! Takte bakit ngayon ko lang naisip na..

Patay!! Takboooo..

"Aener!!" Tawag sa akin ni Ahria

"Sorry Ahria , nagmamadali kasi ako!" Sigaw ko sa kanya. Ewan ko kung narinig niya pa ako. Basta mag aapologize na lang ako sa kanya.

Dahil kailangan ko na makatakas sa unggoy na yun. Baka maabutan niya pa ako.

Habang tumatakbo na hindi ko na alam kung saan ko magtatago ay napaisip ako kagabi na kaya nawala yung siopao ko ay siguro nalaglag sa loob ng bag niya. Alam nyo ba nagskip pa ko ng class ko sa first subject para mahanap lang yun.

Nagpagulong-gulong ako sa damuhan para mahagilap ang siopao na yun. Kasi sayang naman ang mahal pa nun.

Hinihingal na ako kakatakbo pero tuloy pa rin ako. Hindi ko alam kung nasundan niya ako. Kailangan ko maghanap ng matataguan.

Ayun!! Hay salamat Lord sabi ko sa isip ko ng biglang.....

...

...

To be continued....

Compatible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon