Memory Game

33 0 0
                                    


She was standing near the pool with a  wine glass in her hand. Pinagmasdan niya ang paligid, humigpit ang kanyang hawak sa baso nabasag ito at nasugat siya ni hindi man lang niya ininda ang hapdi ng sugat na natamo binitawan na niya ito at tuluyang nabasag ang baso kasabay ng pag pasok ng mga alaala sa kanyang isipan, mga alaalang sumira sa kanyang buong pagkatao, mga alaalang pilit niyang kinalimutan ngunit pilit rin siyang binabangungot. Kasabay ng pagpatak ng dugo sa kanyang mga kamay ay ang pagtulo ng mga luhang kanyang pinipilit pinigilan, luhang sanhi ng galit. Bumagsak siya malapit sa pool at kumalat ang dugong nanggaling sa mga sugat at pulsong nadali ng bubog.

[Ang mga susunod ay alaala/flashback]

"Shane Heather Dominic, you have no choice but to live the life you're given." Nababalot ng galit ang mukha ni Grandma pero hindi ako nagpadala sa takot minsan lang ako sasagot sa nakakatanda sakin, susulitin ko na.

"Yeah, live the life of a fraud." Nararamdaman ko ang mga luha sa aking pisngi at hapdi ng sampal ni Grandma.

"Fraud?! I-I cannot believe this. Henry talk to your daughter!" She poured champagne into a glass habang umiiling at masama ang titig sa akin.

"Nabuhay akong walang apelyido Dominguez si Dad, Salazar si Mommy ako w-wala?. Tumira ako sa pamamahay na ito ng 18 years, ni hindi niyo ako pinayagan lumabas. Para akong nakakulong at sa araw na makakalaya ako pipigilan niyo ako muli? Ano pa bang hindi ko alam sa pagkatao ko? Sa mga taong nakapaligid sakin? Ampon ba ako? Ha ha ha. Sana nga ampon na lang ako, sana hindi niyo na lang ako naging anak! Ang malas-" This time si Mommy na ang sumampal sakin. She was crying at niyakap siya ni Dad.

"Dominic!" Grandma shouted so loud causing her voice to echo sa living room namin. Nakayuko siya at nang nag-angat siya ng tingin parang nakakita ako ng monster nakakatakot ang kanyang mata walang expression, but mababakas sa mukha niya ang galit maging sa kamay niyang naginginig. Nagulat ako ng nabasag ang hawak na baso niya. Tumakbo ako palabas sa garden. Nakakatakot ang itsura ni Grandma. Ayoko na dito. Lakad-takbo ako sa gilid ng pool nang may naramdaman akong tumusok sa batok ko pagkahawak ko'y may nakapa akong tranquilizer, naramdaman ko na lang ang tubig sa katawan ko.

[End of flashback]

I opened my eyes at pinagmasdan ang aking paligid at napagtanto kong nasa kwarto ko na ako. Nakita ko ang dextrose na nakakabit sakin at sila Mom na naguusap ng private doctor namin.

"Mom." Tumingin si Mommy at agad niya akong nilapitan.

"Anong pumasok sa isip mo? Bakit naisipan mong mag-swimming sa sarili mong dugo?" She hugged me so tight I had to catch my breath the moment she released me.

"Sorry, I got you worried." Nag-iwas na lang ako ng tingin. Pinikit ko ang aking mga mata, at pinagsisihan ko yun dahil pumasok nanaman ang mga alaala saking isipan. They aren't great memories that should be remembered dapat ay binabaon ito sa limot.

Pero ang mga alaalang ito ang bumuo sa aking katauhan ngayon. Ang mga sakit na dulot ng nakaraan ang nagpatibay sakin.

The Two Sides of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon