♔Chapter One♔ ANYAREE??

86 5 1
                                    

CHAPTER 1

Alas-siyete pa lang, pero marami nang tao sa mall. Siyempre, umaga ngayon. Sa mall, may ilang namimili at may ilan din namang nagwi-window shopping lang.

"Eriel!" pa-excite na tawag ng isang bakla sa kaibigan niya.

"Makatawag ka naman, wagas. Bakit ba?" sagot naman nito habang lumalapit sa kaibigan.

"Tingnan mo 'tong dress na'to! Ang ganda, kaya lang di pwede sakin. You know naman si General."

"Mr. Jayson Patawaran,huwag mo nang pangaraping makapgasuot ng ganyan dahil di talaga pwede. You know naman na very conservative si Gen. Patawaran. Walang patawad sa kahit na sino,"paalala ni Eriel kay Jayson.

"Alam ko naman po yun, Ms. Maria Rhielyn Sagun. Hindi mo na ako kailangang paalalahanan."

"Okay,fine!" nag-hands-up pa siya. "Mabuti pang gawin, eh, ako na lang ang biili niyan," sabay-punta sa cashier.

Ngayon sila nagsha-shopping para sa pasukan, bago ang susuotin nila. Nag-level up na si Eriel since nung nag-graduate sila sa Shadyside High. Isa na siyang model ngayon.

*  *  *

RII-IIII-IINNGG!!!

"Si Sir Richard, nagtext,"sabi ni Eriel sa kaibigan na ang tinutukoy ay ang nagbibigay ng breaks sa kanya.

"Baka about business. Ano'ng sabi?" excited namang tanong ni Jayson.

"Sabi niya,'Eriel, pumunta ka sa studio mamaya. May bagong product kang imo-model,'" binasa ni Eriel ang text na ginaya pa ang way ng pananalita ng boss. "'Yun lang ang sinabi."

"O,bakit malungkot yang fesmuk mo? Ayaw mo na bang magtrabaho para sa pag-aaral mo?" napansin ni Jayson ang makulimlim na facial expression ng kaibigan matapos mabasa ang text.

"Gusto. . . Kaya lang kasi. . ." pag-aalangan ni Eriel.

"Hayaan mo na. Alang-alang na lang sa future mo, pagtiyagaan mo na muna,"payo ni Jayson.

"Naman kasi! Dahil lang Tourism ang gusto kong cours, ayaw na akong tustusan ni Papa sa college! Eh, hindi naman kasi ako matalino sa Math, noh? Major in Math yata sa Accountancy, eh! Haist! Sooo. . . unfair!!" nagdabog pa na parang bata si Eriel habang palabas sila ng mall.

"Sorry, ha? Hindi ka rin naman namin matutulungan dahil sinabihan ng Papa mo ang mga Fudras namin."

"Okay lang. I understand naman,eh. Tara. Let's go na. Puntahan na natin si Sir Richard."

"Mabuti pa nga. Baka mainip na yun."

*SA STUDIO. . .

"Ha?!?" gulat na gulat si Eriel nang malaman ang kanyang bagong imo-modelo.

"Bakit? Ayaw mo ba? Sayang din 'yun,ah?" pangongonsensya ni Richard.

"Pero. . . sir. Nakakahiya naman kasi yun. What I mean is, sikat ako, tapos makikita lang nila ako'ng nagmomo-model ng ganun? Haiist!!"

Ang hindi alam ni Eriel, pikon na pikon na si Richard sa kanya at sa mga kaartehan niya. Nagtitimpi lang ito.

"Eriel!" nagulat pa ang dalaga nang tawagin siya ng boss niya. "Alam mo bang pikon na pikon na ako sa'yo? Kung hindi pa, pwes, ngayon alam mo na!"

At yun nga, nalaman na ni Eriel dahil hindi na nakapagtimpi pa si Richard.

"Pagpasensyahan niyo na po si Eriel. Mainit lang ang ulo nun." depensa ni Jayson.

"Bakit ikaw ang humihingi ng pasensya para sa kanya? Wala ba siyang sariling bibig at dila? Naurong ba ang dila niya? Siya na nga 'tong tinutulungang magkatrabaho." sarkastiko ang pagkakasabi ni Richard kaya tumakbong palabas si Eriel. Naiwang nakatayo si Jayson sa Studio kasama si Richard.

"Ah... eh... Sir, hahabulin ko lang po si Eriel. Kakausapin ko na rin."

Paalis na sana si Jayson nang bigla siyang pigilan.

"Pakisabi sa kanya, hihintayin namin siya dito para sa shooting ng advertisement. Hindi na 'ko tatawag o magtetext sa kanya."

"Okay po, Sir." 

Nagmamadaling tumakbo palabas si Jayson upang sundan si Eriel, pero unfortunately, wala na ito. Nakauwi na siguro, naisip niya. Umuwi na rin siya mag-isa.

* * *

~Mae on the phone!~

Biglang tumunog ang phone ng isa sa mga customers ng isang tahimik na Resto.

"Yes?" sopistikadong sagot ng may-ari ng phone.

[Welcome back! Hindi ka nagpasabing umuwi ka na ng Pilipinas. Kung hindi ka pa napabalita sa T.V., hindi ko pa malalaman]

"I'm not a kid anymore. Donde 'esta PIXIES? [Nasaan ang PIXIES]

[Nagpaalam silang aalis, pero di ko na tinanong kung saan ang destinasyon nila. Alam mo naman 'yung mga kaibigan mo, mainitin ang ulo]

"You're the PIXIES secretary, Mae. Your job is to know where the single of us are."

[Okay, fine. Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung nasa'n ka? Teka, nasa'n ka nga ba?]

"Call them for me. Ask them where they are. Ako na lang ang pupunta sa kanila." utos sa sekretarya nito.

[Okay. Teka lang. . . marunong ka na magtagalog!] nabigla si Mae dahil first time niyang narinig na nagtagalog ito.

"Of course! I'm a fast-learner, remember?" pagmamalaki nito.

[Oh yeah, right]

Binabaan na siya agad ng phone ng kausap kahit di pa nagpapaalam.

CODENAME : Nirvena[ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon