Chapter 8

89 3 1
                                    

Josh's POV

"Mabuti pa magbreak muna tayo" yan ang nasabi o sakanya dahil hindi naman niya ako natutulungan ehh.

"H-hindi pwede!!" umiiyak na siya.

"Magbreak na tayo. Una dahil hindi mo naman ako natutulungan, pangalawa mas lalong siyang lumalayo saakin at ang pangatlo mas lalo kitang nasasaktan dahil...... dahil wala naman akong nararamdaman sayo."

"H-hindi *sob Hindi pwede!! Gento na lang *sob magiging tayo, tapos *sob saakin mo lang ibabaling ang atention mo tapos *sob wag mo siyang papansin para makalimutan mo siya.. Tutal may Ryu na siya." 

"Hindi, naniniwala ako na may pag-asa ako. Please.. wag mo akong pigilan at wag mo na rin pahirapan ang sarili mo.. Mahal ko siya ehh" at tumakbo ako papalayo at pumunta na sa classroom namin.

***

Rose's POV

Pumunta muna akonng CR para mag-ayos. Tapos nakita ko si Quinee na umiiyak. Kahit naman na naging sila ng taong gusto ko ehhh.. Bestfriend ko pa rin siya. At ayun lumapit ako sa kanya.

"Bakit Quinee, anong nangyari?"

"R-Rose.. *sob pwede ba iwanan mo muna ako mag-isa"

"Ha?? bakit naman bestfriend mo ako kaya pwede mo akong pagsabihan."

"Sige na nga! sasabihin ko na.... Break na kami ni Josh"sabay hagulgol niya. 

"Bakit?"

"Ewan ko sa kanya *sob

"Tahan na..... Papasok ka pa ba??"

"Hindi na siguro"

"Bakit?"

"Kasi baka pag nakita ko siya, maiyak na naman ako. UUwi na muna ako."

"Ahh ganon ba. Sige. Pupuntahan na lang kita mamaya sa bahay niyo"

"Sige"

Lumabas na ako sa CR.

"Oh ano ayos ka na?"tanong ni Ryuuji

"Oo ayos na ako. Tara na sa classroom."

"Sige"

Pumunta na kami sa classroom at sakto andoon na rin si Ma'am.

***

Hay salamat tapos na rin ang klase!! Papalabas na ako ng classroom ng may humila saakin.

"Josh??"

"Pwede ka bang makausap?"tanong saakin ni Josh.

"B-bakit??"tanong ko.

"Basta. Sa garden na lang tayo magusap"sabi niya tapos bigla niya akong hinila papuntang garden.

"Bakit ba Josh? anong paguusapan natin??" tanong ko. 

"Bakit ba hindi mo ako kinakausap?" tanong niya saakin.

"H-ha?? Kinakausap naman kita ahh"

"Hindi yun!! Bakit ba di ka na masyadong nalapit saakin??"

"Ehh sa..... Baka nakakagulo ako sa inyo ni Quinee ehh. Tsaka masayang masaya kaya ako ng maging kayo."sabi ko sabay ngiti. Hay sana di halata yung fake smile.

"Hah? alam kong pilit lang yang ngiti mo. Ano bang nangyayari sayo?" sabi niya. "Pwede ba sagut-"

"Ann-!!" O.O <- Reaction ni Ryuuji.

"Anong ginagawa mo kay Anna??"sabi ni Ryuuji.

"Kinakausap ko siya!! Bakit may problema ka??!!"sabi ni Josh.

"Oo meron. Halika na Anna"sabi ni Ryuuji.

"SANDALI LANG!!!" Sigaw ni Josh. Malayo na kami ni Ryuuji.

"Anna ayos ka lang??" tanong ni Ryuuji.

"Oo ayos lang ako.... Ryuuji *Sigh break na sila ni Quinee"sabi ko. 

O.O <- Reaction niya.

"I-ibigsabihin... babalik ka na sa kanya??"

"Syempre papansin ko na sila pero siyempre Ikaw pa rin palagi kong makakasama. Tsaka isa pa Bestfriend ko naman silang dalawa ehh. Pati na rin ikaw Bestfriend na rin kita."

"Ahh. kala ko iiwan mo na ako ehh"

"Hindi ahh!!"

"Tara uwi na tayo." sabi niya.

"Wag mo na ako ihatid, pupuntahan ko muna si Quinee"

"Ahh ganun ba. Sige mauuna na ako" 

"Sige... Babye!!!!"

"Babye!!!" paalam ko sa kanya.

***

Andito na ako sa bahay nila Quinee.

*Dingdong...

Nagdoorbell na ako. May lumabas na katulong at tinignan kung sino ang nasa may gate.

"Ahh kayo pala ma'am Rose" sabi nung katulong. 

"Andyan ba si Quinee?" tanong ko.

"Ahh opo nasa Kuwarto niya." sabi ni Manang.

Umakyat na ako sa kwarto niya.

*tok tok

"Sino yan?"

"Si Rose to!!"

"Ahh ikaw pala.. Pasok ka."

Pumasok ako. Umiiyak pa rin siya.

"Ano ba kasing nangyari??"

"Kasi.. Kasii Hndi niya daw ako gusto." sabi niya.

__________________________________________________________________

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanggang dito na lang po ang Chapter 8. Sensya na po ngayon lang nag Update. Kakatapos lang po kasi ng exam ehh. Pavote na lang po.

May The Best Man Wins! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon