Chapter 11

114 3 1
                                    

Dedicated po kay Beautioussss. Beautioussss daw ohh XD!!

'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'--'-'-'-'-'-'-'-'-'-'--'-'-'-'-'-'-'-'--'-'-'-'-'--''--''-'-'-'-'-'--'-'-'-'-'-'-

Rose's POV

Hay kaboring -_-. Kaya eto Gumala kami nila Ryuuji. Kasama namin si Quinee. Hindi ko parin pinapansin si Josh. Pero sa tingin ko kakausapin ko na siya pero di pa ngayon. Balik tayo sa reality. Naglalakad kami papuntang sa court ng school ng kuya ni Quinee. Sabi niya kasi may laban daw kuya niya ngayon. Dahil nakakaboring sa bahay, sumama na lang ako.

"Oi Quinee anong oras ba yun magsisimula?" tanong ko.

"Uhmmm mga 4:00 pm pa naman."

"Ehh bakit ang aga natin?? 3:00 pa lang ahh?"

"Ganun talaga yun. Kailangan maaga para nasa unahan tayo. Malay mo may poging player.. Kyaaaa!!"

"Hay naku. Ang landi mo -_-"

"Ehem. Bili muna ako ng chibog hah!" sabi ni Ryuuji. Tumango lang kami at umalis na siya.

Bigla akong dinalaw ng kalikasan ka magpapaalam muna ako kay Quinee.

"Quinee, diyan ka muna ahh. Bigla akong dinalaw ng kalikasan ehh."

"Edi mag pumunta ka sa CR iwanan niyo ko dito -_-. Hala magsilayas kayo -_-"

"Hahaha! Sige uwi na ako."

"Hinde eto naman jowk lang yun. Sige pumunta ka na ng CR. XD" Hay nako. Talaga tong si Quinee oh.

Umalis na ako papuntang CR. Dahil ihing-ihi na ako tumakbo na ako.

*BOOOGGSSHH

"Aray! >.<"

Dinilat ko ang mata ko at nakabangga pala ako ng lalaki, Gwapo siya tapos nakasuot siya ng Jersey. 

"Sorry >.<"

"Ahh ok lang yun." tumayo siya tapos inabot yung kamay saakin. Tapos inabot ko rin yung kamay ko para tumayo.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong saakin ni lalaki.

"A-ahh kasi hinahanap Ko yung Comfort room ehh"

"Ahh ganun ba. Turo ko na lang sayo. Deretso ka lang diyan tapos kumaliwa ka. Andun na yung CR :)"

"Ay ganun ba sige mauuna na ako."

"Sige :)"

Kumaripas na ako ng takbo papuntang CR dahil ihing-ihi na ako. Swerte dahil walang katao-tao sa CR. Maaga pa kasi ehh.

*~*~*~*~*~*~*~*

Pagkatapos kong umihi bumalik na kaagad ako sa upuan namin. O.O. WOAH!!! Biglang dumami yung tao.

"Oh Bakit ang tagal mo??"tanong ni Quinee. Tinignan ko yung relo ko. 30 minutes pala tinagal ko >.<

"Ehh kasi naligaw pa ako kakahanap ng CR. Tapos may nakabunggo pa akong lalaki." sagot ko kay Quinee.

"Talaga!! Gwapo??" tanong niya.

"Uhhmm oo. Maglalaro ata siya. Nakasuot ng Jersey ehh."

"Ahh. Syempre maglalaro naka Jersey ehh. Alangan namang janitor siya dito ng nakasuot ng jersey -_-" Umaariba na naman ang pagkapelosopo neto.

"Oo nga naman." sabi ni Ryuuji.

Naghintay na lang kami hanggang magsimula ang Basketball.

Nang matapos ang 25 minutes, tinawag na yung maglalaban. Ang team na maglalaban ay ang team Tritons at Spartans. ( [A.N] Hiningi ko lang yang pangalan ng dalawang team na yan sa kaibigan ko. Wala ako maisip ehh XD. )

"Team Spartans tayo ahh!!!! Andun si kuya ehh" sabi ni Quinee.

"Ok" Sabay naming sabini Ryuuji.

Nagsimula na yung laban.. Nakita ko yung nakabunggo ko kanina. Kateam pala siya ng kuya ni Quinee.

"Quinee, Yun yung nakabunggo ko kanina ohh." sabi ko, sabay turo dun sa lalaki.

"Ay siya!! Ang pogi naman!!! Kateam siya ni kuya pero di ko masyadong nakikita."

"Ganun. Di ko naman tinatanong kung kilala ko ehh"

"Ehh sa gusto kong sabihin ehh :P"

Nagsimula na yung laban tapos nagtititili kami pag nakakashoot ang Spartans.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Tapos na ang laban. Nanalo ang Spartans. Magaling din pala yung kapatid ni Quinee.

"Ang galing pala ng kuya mo" sabi ni Ryuuji.

'Syempre si kuya pa" sabi naman ni Quinee.

dumating na yung kuya ni Quinee. Siya lang naman ang hinihintay namin ehh.

"Dahil panalo kami, Manlilibre ako!!!" sabi ni kuya Ryan, kapatid ni Quinee.

"YEHEY!!!" sabay sabay naming sabi.

"Libre ko kayo lollipop. Tig-iisa kayo XD"  sabi ni kuya Ryan.

"Ay Putek wag na lang uwi na lang tayo" Sabi ni kuya Jin, kasama sa team Spartans.

"Sige na!! Sige na ako na lang manlilibre!"  sabi nung lalaking nakabunggo ko kanina.

"Pakilala ka muna!!!" sabi ni Ryuuji.

"Haha. Sige. Tutal bago palang aq sa grupong to." sabi niya. "Ehem *ubo epek. Ako si Kevin Jaye Medina. Kevin na lang tawag niyo saakin^^" sabi niya.

"Ahh."  sabay sabay naming sabi nila Quinee.

"Kapalit siya ni Jun. Kasi pumunta na siyang ibang bansa."  sabi ni kuya Jin.

"Ahh."  sabay sabay naming sabi ulit nila Quinee.

"Tara na nga. Saan niyo gustong kumain??" tanong ni Kevin.

"Diyan na lang sa tabi tabi." sabi ni Philip. Team Spartans din.

"Sige sige" sabi naming lahat.

Tapos ayun, bumili kami ng  fishball, kwek kwek, isaw, chu chu, blah blah. at kung anu anu pang pagkain sa daan. Habang kumakain kami sa daan, Lumapit saakin si Kevin.

"Hi" sabi niya.

"Hello" sabi ko.

"Ikaw yung bumunggo saakin kanina diba?"

"Uhhm oo. Sorry ulit ahh"

"Ok nga lang yun. Kilala mo pala si Ryan"

"Oo. Kapatid siya ng bestfriend ko."

"Ahh"

Nang matapos na kaming kumain. Umuwi na kami.

"Hatid na namin kayo?" alok ni Kevin.

"Wag na." sabi ko.

"Hatid ko nalang siya" sabi ni Ryuuji.

"Ahh ok." sabi ni Kevin.

Tapos umuwi na kami. 

'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'

Sana po nagustuhan niyo ang Chapter 11. Hihi. Yung mga gusto po magpadedicate. Sabihin niyo na lang po sa comment^^

May The Best Man Wins! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon