Tricia pov.
'Hindi alam ni Tricia kung ano ang naging pagkukulang niya?kung bakit nagawa pa siyang lokohin ng kanyang Boyfriend na si Marvin,
'Nakilala niya ang binata nung nag aaral pa siya sa Harvard, dito kase siya pinagaral ng kaniyang Ama simula nung mamatay ang kaniyang ina pero naiwan sa pilipinas ang kaniyang ama para asikasuhin ang kanilang.Negosyo kaya siya lang magisang naninirahan sa America.nakilala niya si Marvin sa isang sikat na Bar dito sa America at nalaman niya na.Pure filipino ito at nalaman din niyang sa iisang paaralan ang pinapasukan nila.at naging kaibigan niya ang binata hanggang sa maging manliligaw niya si Marvin.'
'Sa Limang buwang panliligaw sa kanya ni Marvin ay nahulog na rin ang loob niya kay. Marvin,kaya binigay niya dito ang matamis na "oo" tumagal ang ang kanilang relasyon hanggang sa makapagtapos siya nang pagaaral at maging isang Professional na Model dito sa America.'
'Pero ang hindi niya lubusanh aakalain ay magagawa pa siya nitong lokohin ng binata,'
Naabutan niya itong may kahalikang ibang babae kahapon sa Condo Unit ng kanyang Boyfriend.Nang makita niya iyon parang isang milyong kutsilyo ang tumarak sa kanyang dibdib sa sobrang sakit ng kanyang nakita!kaya agad din siyang nakipaghiwalay kay Marvin,pero kahit anong paliwanag na gawin ni Marvin hinding hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya kaya napagdisisyunan niya na umuwe ng pilipinas para makakalimutan si Marvin
Kaya ngayon eto siya tulala habang pinagmamasdan ang mga gusali nadaraanan ng kaniyang sinakyang taxi,halos 3:00 Am na nang umaga nang makalapag ang kaniyang sinasakyan Eroplano. Kaya medyo masakit ang kanyang ulo sa sobrang puyat,Nang malapit na siya sa kanilang bahay ay biglang nag bago ang kaniyang isip.
"Manong Driver,pwede po bang sa Batangas tayo dumeretso"
"Ah Ma'am sobrang layo po nun dito sa Maynila"si Manong
"I know,Manong pero magbabayad naman po ako sa inyo kahit magkano basta ihatid nyo po ako sa Batangas pier"
"Sige po Ma'am"si Manong
'Napagisipan niya na sa Mindoro siya tumuloy kung saan nakatira.ang kaniyang lola at kung saan siya pinanganak ng kanyang ina.Dito niya napiling dumeretso dahil sariwa ang hangin at imposible siyang masundan dito ni Marvin at dito ay magagawa niyang kalimutan ang dating nobyo.
"Manong daan naman po tayo sa seven eleven, may kailangan lang po akong bilhin."sabe niya sa taxi driver
"Opo Ma'am"agad na sagot nung driver
'Nang tumigil ang kaniyang sinasakyan sa isang Seven Eleven agad siyang nagsuot ng facemask at nagsuot din siya ng sunglass mahirap na baka pagkaguluhan siya sa loob ng matapos siya sa ginagawa niya ay agad siya bumaba para bumili ng kailangan niya.
"Manong driver paki hintay nalang po muna ako saglit dito may bibilhin lang po ako sa loob sabi niya sa driver
"Sige po Ma'am"
"Manong baka gusto nyo pong miryenda?Sama na po kayo saken sa loob tanong niya sa driver ng taxi
" Nakoo po Ma'am kayo nalang,may kamahalan po ang mga pagkain jan."nahiyayang anas ni Manong
"Nako po Manong wag kayong magalala sa pambayad,dahil libre ko po ito kaya halika na po kayo"
"Eh Ma'am kayo nalang po"
"Sige Manong kapag hindi kayo sumama saken sa loob.Maghahanap po ako ng ibang taxi na pwede kong masakayan at hindi ko po kayo babayaran"banta niya nang may halong biro.
"Sige na nga po"anas ni Manong
'Nang lumabas na si Manong sa kanyang taxi na minamaneho ay agad silang pumasok sa tindhaan.
"Manong bilhin na po ninyo ang gusto ninyo bilhin may hahanapin lang ako bandarun,magkita nalang po tayo sa may cashier"ako
'tinanguan na lamang siya ng taxi Driver pag ka tango nito ay umalis na siyo para bumili ng makakain na sitchirya.Habang namimili siya ng bibilhin ng biglang may nag text sa kanyang cellphone.
Text from lola♥️
—apo magiingat ka diyan sa.America dahil ayun sa balita may kumakalat daw na virus na galing sa china,lagi kang magsout ng facemask jan para Hindi ka mahawahan ng virus.
Habang binabasa niya iyon ay tinangal niya ang suot niyang facemask at ganun din ang kaniyang suot na salamin buti nalang at walang tao sa kaniyang pinuntahan. bigla siyang napangiti dahil Hindi nga pala niya nasabi sa lola niya na uuwe siya ngayon sa mindoro.kaya naisip niyang surpresahin ang kaniyang lola.
Nagrereplayan na sana niya ang kaniya lala ay bigla siyang natumba sa sahig
"Aray ahh!, kuya bakit hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan mo sigaw ko
"Aba Miss ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo ehh!medyo pagalit na sabe ni kuya.
Pero nang pagmasdan niya ang muka ng lalaki shit!ang gwapo ni kuya ang ganda ng pagkahabas ng muka niya at meron din ito matangos na ilong at meron din itong medyo kasingkitang mga mata at napansin din niya ang simpleng suot nitong polo shirts at black pants na bumagay lalo sa ka gwapuhan ng lalaki.at dumagdag pa ang sobra nitong bangong amoy.kaya hindi niya maiwasang hindi humanga sa binata,pero hindi niya pinahalata ang pag hanga niya sa binata
"Okey fine I'm sorry"walang ganang sabe ko.
"Okay lang basta sa susunod tumitingin ka sa dinadaanan mo"
"Whatever"at bigla niyang tinalikuran ang binata.pag katalikod niya sa binata agad niyang sinuoot muli ang kaniyang face mask at salamin
'Ang tanga tanga mo Tricia!bakit ba kase Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo nakakahiya ka—bulong ng isip nya habang palayo siya sa binata
Sana magkita pa tayo ulit kuya —wait what.
Pumunta na si Tricia sa cashier kung saan sila magkikita ni Manong.Nang makita niya agad ito ay agad siyang lumapit dito"Ano po Manong nabili na ninyo ang gusto ninyong bilhin?tanong niya kay Manong
"Opo Ma'am, salamat po si libre nyo may pasalubong na ako sa anak ko maraming salamat mo ulit.si manong
"Walang anuman Manong"
"Ma'am kayo po asan yung binili ninyo? tanong ni manong
Holy shit oo nga pala!nawala sa isip nya kung ano ang pakay niya dito nang dahil sa lalaking na bunggo niya.ang tanga mo talaga Tricia Urghhhh.
"Ah kase po wala dito yung gusto kong bilhin"pagpapalusot niya
Hindi na niya hinintay makasagot si Manong dahil niyaya na niya itong bayaraan ang mga pinamili ni Manong sa cashier.pagkatapos bayaraan ay bumalik na sila sa kotse at bumyahe na ulit sila papuntang Batangas peir
Please just follow on my social media accounts.
Instagram: allen_tala
Twitter:aallen_dog
Facebook: Allen Tala
BINABASA MO ANG
My Lockdown Romance
RomanceHindi alam ni Tricia kung Hanggang saan niya itatanggi sa sarili ang nararamdaman niya para kay Lourence.dahil natatakot siyang maulit muli ang kaniyang nakaraan.