Pagkadating Ng bahay ay naabutan ko si mama sa kusina nagluluto Ng pagkain. Kakagaling lang itong trabaho dahil nakita ko pa Ang bag niya sa sala. Dumiretso ako Ng kusina para ibalita Kay mama Ang nangyari. Wala kasing kaalam alam si mama na naka pirma na ako dahil ako mismo Ang ina-update Ng attorney ni Papa.
"Hi ma!" Bati ko sa kanya habang hinihila Ang upuan at umopo ako dun.
"Oh, anong oras na Shaja!" Galit pero kalmadong tanong ni Mama. Lagpas 6 pm na Kasi nakalimutan Kong mag text na malate akong nakaka uwi.
"Ma," sabay patong ko nga folder sa lamesa.
"Ano Yan nak?" Curious na Tanong ni mama at binuksan ito.
Binasa niya ito at Hindi ko alam Kung ano Ang reaksyon ni mama.
"Ha?? Shaja? Ito na ba ang pinamana Ng Papa mo? Bakit Ang laki Ng pera, 100 million? Tapos may condo at kotse pa?" Nagulat din akong tumingin Kay mama, di talaga Kasi nakapagsalita si attorney dahil pinutol ni Tita Amanda tsaka kanina binabalewala ko lang Naman Kasi akala ko para lang sa allowance ko.
"Ma, di mo na kailangang magtrabaho ha, tsaka dito ka nalang sa bahay mag-tayo ka nalang nang sariling business mo ma." Naiiyak na niyakap ko si Mama. Yun agad Ang sumagi sa isip ko Kasi alam Kong hirap na hirap na si mama sa pagtatrabaho niya bilang secretary sa isang politiko.
Niyakap din ako ni mama pabalik at tumango ito. Nag iyakan muna kami ni mama at kumain pagkatapos ay nag shower muna ako at binagsak Ang katawan sa kama.
"Huy!! Lalaki!! Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nakatalikod sakin.
"Kahapon nandito ka Rin? Anong ginagawa mo dito?" Umupo ako ngayon sa swing at Siya Naman ay sa bench.
"Alam mo pangit mo!" Natatawang sabi ko. Akala niya nakakagwapo Ang pagiging masungit. Tsk.
"I have a name miss. So don't call me HUY! Second I don't care about if I'm ugly or not." Supladong sagot niya.
"Di ko Kase alam pangalan mo, tsaka pwede bang humarap ka." Kasi nakatalikod ito.
"No, I don't want to." Suplado talaga
"Talaga? Di mo Makikita tong kagandahan ko." I teased him. HAHAHA sarap asarin.
"Once you'll see my face you'll never see me again." Sabi niya tsaka tumalikod ito.
"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"It's a curse Shaja!" Mariing sabi nito.
"Wait, you know me?" Namutla ako
"Yes Shaja, the key that you found under the tree. I'm looking for it." Sabi nito.
Nakatalikod ito na naka tayo at ako Naman ay nakikita lang Ang likod niya. Dali-daling hinagilap Ng kamay ko Ang susi na keychain sa sa bag ko.
Natulala akong nakakatitig sa likod niya. He's back was so sexy, he's tall and has a broad bicep. His hair was messy. I breath heavily. Gosh! Likod palang yun ha! Pano na Kaya Kung Makita ko na Ang face niya. Ano nalang mangyayari sakin mapapaluhod dahil sa panlalambot Ng tuhod ko.
"Sha gising! Sha!!" Nagising ako dahil sa inalog alog ako ni mama.
I breath heavily, I sweat badly. Napabangon ako at nakita Kong nanginginig Ang kamay ko. Hinawakan ko Ang isang kamay ko para pa kalmahin ito.
"Was it a nightmare?" Nag aalangalang tanong ni mama.
"Hindi po ma." I said tried to calm myself.
"Baka Kung anong horror movie Naman yang pinapanoud mo Kaya ka nagkakaganyan." Sabay abot ni mama Ng tubig sakin.
"Hindi po ma." Paniguradong sagot ko Kay mama at sinabihan akong bumaba na para kumain dahil ma late ako sa paaralan.
Naligo ako at nag ayos tsaka bumaba sa kitchen para mag breakfast. Pagkababa ko ay Wala na si mama. Nakita ko na may sticky note itong nilagay lamesa na nagpapaalam dahil may emergency meeting daw Ang kanyang boss. Pinapaalala din sakin na kainin Ang breakfast ko. Tinapos ko na Ang pagkain Ng breakfast at nagsipilyo na ako tsaka nag lakad pa labas nh subdivision dahil mahirap magbantay Ng taxi sa loob.
"Huy! Sha!" Naglalakad ako ngayon palabas Kaya napalingon ako Kung saan galing Ang boses.
"Ralns?" Nagulat ako dahil si Ralns iyon nagmamaneho Ng kotse. Siguro ay okay na sa parents niyang mag drive dahil malapit lang Naman Yung subdivision nila school. Teka! Bakit nandito ito.
"Good morning, Pangit! Sakay na." Hindi ko alam Kung okay pa ba Ang Umaga ko sa kanya.
"Good morning Pangit!" Sabay pasok ko sa front seat.
"Ayos ba?" Sabay kindat sakin
"Huy! Anong ayos Ha? Baka di ka nagpaalam sa parents mo." Pangaral ko sa kanya. Kinakabahan ako baka mabangga kami.
"Hindi ah, ninakaw ko lang ang susi." Proud na sabi nito.
"Kung sampalin Kaya Kita Ng magising ka sa katotohanan, ha!" Nanggigil na tanong ko. Baka Kasi mabangga kami at huli na natanaw ko na palabas na kami Ng subdivision.
"Joke lang! bago ko Gawin yun. Hahanap muna ako Ng lilipatan." Natatawang sagot niya.
"Basta Dahan- Dahan lang Ralns baka mabangga tayo." Paalala ko at nag salute ito sakin.
Nakatulala ako sa bintana dahil naalala ko naman Ang panaginip ko. Bakit ganun yun? Parang totoo Kasi eh. Nanginginig na Naman Ang kamay ko Kaya hinawakan ko ito para pakalmahin.
Nakarating kami Ng school at grabe Ang pasalamat ko na ligtas kami.
"Ralns Mauna na ako ha, late na tayo eh." Paalam ko tsaka nag pasalamat sa kanya.
"Sige pakiabot nalang Ng assignment ko sa English ha, may practice kami eh sa basketball eh." Kaya pala dala yung kotse Kasi may practice game.
Naglakad na ako sa building namin na parang nakalutang sa ere dahil sa panaginip ko. Kinakabahan ako pero gusto ko Siyang Makita ulit. Weird.
"Huy!! Sha!" Sigaw ni Kate sakin.
Di ko Namalayan na nakapasok na ako Ng room at nakaupo na sa upoan ko.
"Kung sino ka man!! Ibalik mo si Sha Ang kaibigan namin, Ang crush ni Ralns Dati DAW??" Hagulhol ni Hyi.
Takte na nga babae to. Ang oa di pba pwedeng lutang lang?
"Ano ba? Tumahimik ka nga Hyi." Saway ko sa kanya.
"Te, 11 minutes ka nang nakaupo simula Ng dumating ka tapos nakatulala na parang may sariling Mundo." Disappointed na sabi ni Kate.
"Jinja?? SORRY!!" Nataranta ako sa sinabi ni Kate.
"Mayora, Kung may problema ka andito Naman kami na pwede mong mapagsabihan Diba." Malumanay na sabi ni Hyi.
Ngumiti nalang ako sa kanya at niyakap ko sila.
Hindi ko alam Kung paano ko sisimulan Ang storya sa Kanila Kaya wag muna ngayon baka Kasi guni-guni ko lang yun. Mabuti nalang at siguradohin ko muna bago ko sabihin sa Kanila.
Ps. Please vote and share my story 🥺 thank you!! ♥️
YOU ARE READING
IN HER DREAMS
RandomShaja Limenez a simple 16 years old girl. Hindi man sila ganun kayaman pero sadyang maswerte Siya sa kanyang pamilya na kahit papaano ay natutugunan Ang kanyang pangangailangan. Alam niyang ikalawang pamilya lang sila ng kanyang ina. Kung kaya't mal...