Confessions (One Shot)

21 3 0
                                    

Matapos ang ilang oras na seremonya at nagsihagisan na ng mga kanya-kanyang toga cap ang mga bagong graduates ay nakita ko siya na lumabas ng auditorium. Hindi na ako nagdalawang isip na sundan siya. Halos hindi na ako makatakbo dahil sa napakataas na takong ng aking sapatos pero ininda ko ang sakit ng paa para maabutan siya.

Nang makalabas ako ay nakita ko siyang papasok sa men’s room. Pero bago niya pa pinihit ang doorknob nito ay agad ko na siyang tinawag.

“Patrick!” Hinihingal na tawag ko.

Hindi pa siya lumilingon sa akin ay kumunot na ang kanyang noo. Iritado niya akong binalingan.

“C-can I talk to you for a sec?” Dinig na dinig sa boses ko ang kaba. Pinagpapawisan ako hindi lang dahil sa pagtakbo ko kanina kundi pati na rin sa kaba na nararamdaman ko. I swear, I’m going to pass out.

Humugot siya ng malalim na hininga bago ako nilapitan. Mabuti na lang at wala pang masyadong tao na lumalabas sa venue. Siguro dahil nagpi-picturan pa sila o kaya naman nag-iiyakan ang mga bagong graduates kasama ang mga magulang o mga kaibigan.

Alam kong magtatampo sina Nika sa akin dahil hindi nila ako makita na siguro sa mga oras na ito ay nagda-dramahan na sila. Mamaya pagkatapos nito babawi talaga ako sa kanila. Ang mga kaibigan ko, kahit na magkakahiwalay na kami ay alam kong hindi na kami maaalis sa buhay ng isa’t-isa ngunit itong si Patrick kapag pinalagpas ko pa ang huling pagkakataon na ito ay alam kong wala ng tiyansa na maging parte ako ng buhay niya.

“What is it?” Tinignan niya ako ng mataman na parang kahit kaluluwa ko ay nakikita niya. Nakakatunaw. Ang mga malalalim na kulay brown niyang mga mata ang nagpapahuramentado sa sistema ko kaya alam kong ilang segundo na lang ay mapapa-upo na ako sa sahig dahil nanlalambot na parang jelly ace ang mga tuhod ko. 

 Hindi ko maintindihan ang expression niya. Naiinis na nalulungkot.

“I… I… l-like…” Ano ba naman yan! Hindi ko matuloy ang aking sinasabi. Bumabaluktok ang dila ko kasabay ng pagbaliktad ng sikmura ko.

Kakayanin ko kaya ito?

“You know what, dapat hindi ka lumabas ng audi. It’s the most important day of your life as a student. So go back now and I’m sure hinahanap ka na ng parents mo at mas lalo ng mga kaibigan mo. Don’t waste your time in here talking to me.” Marahan na sambit niya.

Kahit na sa maayos na paraan niya sinabi iyon ay sobra pa rin akong nasaktan. Dinaig ko pa ang isang broken hearted na hiniwalayan ng boyfriend.

“B-but I need to tell you something important.” Gustong-gusto nang lumabas ng aking mga luha. Konting tiis na lang mga luha, mamaya hahayaan ko na kayong lumabas, wag lang sana ngayon. Mukha na akong tanga dito kaya sana pagbigyan niyo ako.

“Ano ba yang hindi mo masabi-sabi na importante para iwanan mo yung mga nasa loob?” Awkward siyang humalakhak.

I love you. I love you for years. I love you. Yan ang gusto kong sabihin, pero paano? 

Noon, lagi akong naiinis sa mga palabas sa TV o sinehan kapag masyadong nagpapakatanga ang lead sa isang taong gusto niya. Yung ayaw na nga sa kanila ay pinipilit pa nila ang kanilang sarili. So damn pathetic.

Pero nung naranasan kong magmahal, kinain ko lahat ang aking mga sinabi. Kapag nagmahal ka pala mawawalan ka na ng pakialam sa kung ano mang ginagawa o itsura mo, ang alam mo na lang ay gusto mong ipaglaban ang iyong nararamdaman.

Binuka ko ang aking bibig pero hangin lang ang lumabas rito at minabuting isara pero hindi pwede, kailangan kong sabihin ito. Sinubukan kong ibuka ulit ito pero wala pa rin.

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon