"Rhea,gumising ka na!"Ang saad ni Aling Maria habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Rhea
"5 minutes pa nay"Ang sagot naman ng dalaga at nagtalukbong ng kumot
"Anong 5 minutes? Malalate ka nang bata ka!"Ang naiiling na sabi ni Aling Maria "Tsaka kanina ka pa hinihintay nila Genise!"Ang dugtong pa na saad ni Aling Maria
"Ano?"Agad namang napabangon si Rhea sa narinig na sabi ng kanyang nanay at tumakbo papuntang banyo.
Agad na naligo ang dalaga at nagbihis habang binubutunis ni Rhea ang uniform nya ay nakasalubong nya ang kanyang tatay na takang- taka na nakatingin sa kanya.
"Magandang umaga ho itay!"Ang saad ni Rhea sabay mano rito
"Magandang umaga din sa iyo anak, Kay aga mo yatang magising!"Ang sagot naman ni Mang Carlos
"Ho? Ngunit sabi ni nanay late na raw ako."Ang naguguluhang sabi ng dalaga
Natawa naman si Mang Carlos at sinabi sa dalaga kung anong oras na"6:00 A.M pa lang anak tsaka 8 A.M pa yung pasok mo!"
"NANAYYYYY!"Ang sigaw ng dalaga habang tumatakbo papuntang kusina
"Ohh? bat ka ba sumisigaw?"Ang takang sabi ni Aling Maria habang inihahain ang pagkain ng dalaga pati ang pananghalian nito.
"Sabi mo late na ako? 6 A.M palang po ehhh!"Ang nagmamaktol na sabi ni Rhea at umupo sa hapag-kainan
"Ayaw mo kasing gumising kaya sinabi ko yun."Ang natatawang saad ni Aling Maria
Napailing nalang ang dalaga at nag-umpisang kumain.Habang kumakain ang dalaga ay narinig nito na tumunog ang cellphone nya na nakacharge sa kanilang sala
"Mukhang may nagtext sa cellphone mo nak."Ang saad ni Mang Carlos habang papasok sa kusina
"Hayaan mo na yun tay baka si Genise lang yung nagtext"Ang nailing na sagot ni Rhea
Di na nga nagtagal ay pumasok si Aling Maria kasama si Genise na nakabusangot.
"Rhea,bat di mo nirereplyan yung text ko?"Ang tanong ni Genise na nakasunod kay Aling Maria
"Kumakain pa ako ehh!"Ang sagot naman ni Rhea na tinatapos na ang pagkain
"Kahit manlang basahin mo yung text ko!"Ang nakabusangot na saad ni Genise
"Nasa sala yung cellphone ko nakacharge tsaka alam mo namang hindi ako nagce-cellphone pag kumakain."Ang sagot ni Rhea at umirap
"Oh sya,taposin mo na yang pagkain mo Rhea,baka mamaya malate pa kayo!"Ang pag aawat ni Aling Maria kay Rhea at Genise
Agad na tinapos ni Rhea ang pagkain nya at nilagay sa lababo yung pinagkainan nya.Kinuha ng dalaga yung baon nya na inihanda ni Aling Maria para sa kanyang pananghalian.
"Nga pala Rhea,nasagutan mo na ba yung mga assignments mo?"Ang tanong ni Genise kay Rhea
"Oo naman kahit na nahirapan ako sa math."Ang sagot ni Rhea habang inaayos ang mga gamit nya sa bag
"Andali lang kaya ng Math!"Ang natatawang sabi ni Genise
"Oo para sayo,Alam mo namang mahina ako sa math!"Ang naiiling na sagot ni Rhea at sinuot na ang bag nya at kinuha yung mga libro nya "Tara na baka malate pa tayo!"Ang dugtong pa na sabi ni Rhea
"Ang Oa mo naman ang lapit-lapit ng school sa bahay mo!"Ang sabat ni Genise
"Kahit na!"Ang saad ni Rhea at lumabas na ng bahay
Nailing naman na sumunod si Genise kay Rhea.Alam kasi ni Genise na kahit malapit lang ang paaralan sa bahay ng kaibigan ay ayaw nitong nalalate.
"Nay,Tay alis na po kami!"Ang sabay na saad ng dalawang dalaga
"Sige mag-iingat kayong dalawa!"Ang nakangiting sagot ni Aling Maria
"Oh Rhea ito yung baon mo na pera."Ang sagot ni Mang Carlos sabay abot ng 200 pesos kay Rhea
"Nako tay wag na sayo na lang po to!"Ang pagtanggi ng dalaga
"Ano ka ba minsan lang to kaya kunin mo na!"Ang pagpupumilit ni Mang Carlos at nilagay ang pera sa kamay ng dalaga "Ayan sige na pumasok na kayo." Ang dugtong pa na sabi ni Mang Carlos
Napangiti na lang ang dalaga at umalis na kasama ang kaibigan nya.Habang naglalakad papalayo ay hindi maiwasan ni Rhea na mapatingin sa pera na hawak nya
"Mabuti ka pa Rhea 200 yung baon samantalang ako 100 lang!"Ang nakabusangot na saad ni Genise
"Malaki na yung baon mo bat nakabusangot ka parin?"Ang takang tanong ng dalaga kay Genise
"Kulang pato para sakin ano ka ba"Ang sagot ni Genise kay Rhea
"Nako nako,matuto kang makuntento kung anong meron ka,Tsaka marami ka ng mabibili sa 100 no!"Ang naiiling na saad ng dalaga "Tsaka di ko namang ibibili lahat tong pera ko itatago ko yung 100 para maidagdag ko sa iniipon kong pera."Ang dugtong pa ni Rhea
"May point ka bes,kaya simula ngayon hindi na ako magdedemand kila mama at papa ng malaking baon!"Ang pagsang-ayon ni Genise sa sinabi ni Rhea
Napatawa na lang si Rhea at binuksan ang cellphone nya.
"Nako kanina pa pala tayo hinihintay nila Rhaine sa gate ng School"Ang sabi ni Rhea sabay pakita kay Genise ng text
"Shit siguradong magrereklamo na naman sila!"Naiiling na saad ni Genise habang binabasa yung text
"Sigurado kaya daliaan na natin"Ang saad ni Rhea
Pagkatapos na sabihin ni Rhea yun ay agad syang tumakbo kaya agad din syang sinundan ni Genise.
"Hintayin mo ko Rhea!"Ang sigaw ni Genise habang tumatakbo
"Daliaan mo ayokong makinig sa mahabang lintaya nila Rhaine."Ang sagot ni Rhea habang dari-daretso parin ang takbo
Wala ng nagawa si Genise kundi bilisan ang takbo nya dahil ayaw rin nyang makining sa sermon nila Rhaine.Ang ikinagulat lang ng dalaga ay ang bilis ng takbo ni Rhea alam kasi nya na hindi nakakatagal si Rhea sa takbuhan dahil madali itong mapagod.Kaya palagi itong nasa gilid pagP.E na nila.
"Genise dalian mo!"Ang sigaw ni Rhea sa di kalayuan
"Wait lang ang bilis mo kasing tumakbo!"Ang sigaw ni Genise pabalik kay Rhea habang tumatakbo parin
"Ang bagal mo kasing tumakbo"Ang naiiling na saad ni Rhea habang hinihintay ang dalaga
Nang makarating na sila Genise sa Gate ay hingal na hingal na sila at basang basa na ng pawis.Doon na rin sila sinalubong ng kanilang mga kaibigan at sabay sabay na silang naglakad patungo sa kani-kanilang classroom at school building.
~~~~~~~~~~~~~~'~~~~~~~~~~~~~~~~~
1045 words
YOU ARE READING
I Fell Inlove In Rpw √On going√
Romance"Nagmahal lang naman ako,bat ako pa yung niloko?"Ang umiiyak na tanong ni Rhea "Nagmahal ka nga ngunit sa Peking mundo naman!"Ang saad naman ni Genise "Kalimutan mo na yung lalaki na yun Rhea."Ang sagot naman ni Luciana Ano nga ba ang mangyayari sa...