A

8 0 0
                                    

Chloe’s Point of View

 

Kanina pa ako nakaupo dito sa harap ng bahay, nag-aabang ng biyaya mula sa kapit-bahay. Joke lang. Hinihintay ko si Melanie na lumabas ng bahay nila.

Pupunta kami ngayon sa Star Mall para mamili, tutal malapit lang naman samin. Isang sakay lang ng jeep.

“Chloe!” napalingon ako sa likuran ko. Todo ayus sya. Ang taray.

“Bakit nakaganyan ka?” lumapit ako sakanya tsaka tinuro yung mata nya. “Bakit naka-eye-shadow ka?”taas kilay kong tanong.

“Ano ka ba! Hindi mo ba nabalitaan? May Mall Show si Ethan Smith!” may halong kilig kilig pa syang aksyon habang sinasabi sakin.

“Paki-alam ko dun!” tapos tumalikod na ako at nagsimulang lumabas.

“Uy... Bitter. Palibhasa kasi sinungitan ka nya nung Fan Signing” biro nya sakin.

Yes, totoo yun. Dati kong Idol si Ethan Smith since First Year College. Lahat ng Albums nya meron ako at kung anu-ano pang stuff. Pero nung time na nagpa-sign ako, sinungitan ako. Bakit daw lukot na yung papapirmahan ko. Malamang. Sa dami ba naman ng tao tapos siksikan pa, sinong tao ang mapapanatiling mukhang bago yung hawak nilang poster. Nagwala ako ng dahil sa kaartihan nya. Pagkatapos ng pangyayaring yun, tinapon ko lahat ng poster nya sa kwarto ko. Yung mga Albums, hiningi ni Melanie.

“Tara na nga! Kailangan nating pumunta ng maaga, para dun tayo sa unahan.”

Hinatak nya ako papunta sa sakayan ng jeep – sa kanto lang namin.

Pagsakay namin sa jeep, kinalabit ako ni Melanie.

“Oh? Problema mo?” tanong ko.

Ngumuso sya sa harapan namin at nung humarap ako dun, nakita ko ang isang lalaking nakahawak sa bakal tapos yung ulo nya nakasandal dun. Natutulog si kuya, na nakanganga at may nagbabalak nang tumulong laway.

“Kadiri” bulong sakin ni Melanie.

Hindi ko na pinansin yung binulong nya. Sumilip ako sa bintana at natatanaw ko na yung Star Mall.

Pagbaba namin, hinatak agad ako ni Melanie papunta sa entrance. Wala pang ganong tao pero pagpasok namin sa loob, medyo marami na. May mga nag-aayos ng stage tsaka ibang fans.

“Dun na tayo sa unahan!” sigaw nya habang kinakaladkad na ako papunta dun.

Mga ilang sandali lang, nagdagsaan na yung mga fans at nagsimula na rin ang Show.

Nang lumabas si Ethan Smith, nagsigawan na lahat. Habang ako, steady lang. Bitter ako e. Kumanta’t sumayaw sya. Nang magtagpo ang tingin namin, bigla ba namang sumimangot tapos ako inikutan lang sya ng mata.

“Chloe! Bitter rin si Ethan sayo!”sigaw ni Melanie.

A Girlfriend For Ten WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon