B

5 0 0
                                    

“I miss you, Baby” sabi nung matangkad na babaeng sumalubong ng yakap kay Ethan.

Halos hindi humihinga si Ethan. Kumalas ako sa pagkakahawak nya, at mukhang hindi napansin nung babae.

“You’re the new PA, right? Can you get us a drink?” sabi nya tsaka hinila si Ethan papasok sa loob at iniwan akong tulala sa labas.

Aba, aba. Ang sabi, ako ang girlfriend. Eh, bakit naging PA?

Pumasok ako sa loob. Nakita ko silang nag-uusap sa living room. Dumiretso ako sa CR. Feel na feel ko, no? Bahala sila.

Nakasarado yung toilet kaya umupo ako. Naghintay ako ng ilang sandali ng biglang nag-ring yung phone ko at si Melanie yung caller.

“Hello?”

“Nasan ka?” tanong nya.

“Lumipat na ako” sagot ko.

“Ano? Saan?”

“Sa Condo ni Ethan” pagkasabi ko nun.

“Okay. Pagbutihan mo, ha?” tsaka binaba yung phone. Gaga talaga sya.

“Hey. Ang tagal mo naman!” rinig kong maarteng sigaw nung babae sa labas.

Binuksan ko yung pintuan at sumalubong sakin ang salubong nyang kilay.

“Bakit ang tagal mo? Diba sabi ko sayo, ikuha mo kami ng drinks?” masungit nyang sermon.

Lumingon ako sa sala, nakita ko si Ethan na naka face palm. Siraulo sya. Bakit hindi nya sabihin na girlfriend nya ako. Kunin kunin nya ako tapos gaganituhin nya ako.

“Sorry. Pero, hindi ako PA dito. Girlfriend ako” tsaka ko sya nilagpasan para puntahan si Ethan pero hinawakan nya yung braso ko.

“Alam mo, hindi masamang mangarap. Ako ang girlfriend ni Ethan, so, wag kang feeler” maarte nyang sabi.

Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko tsaka pumunta sa harapan ni Ethan.

“Sabihin mo sakanya na hindi mo ako PA, dahil girlfriend mo ako” matapang kong sabi sa harapan nya.

“Are you crazy? Kakasabi ko lang sayo na ako ang girlfriend!” sigaw nya mula sa kitchen. Umiinom kasi sya.

“Sabihin mo nga sakin. Kaya mo ba ako dinala dito para maging PA mo?” tanong ko sakanya.

Bigla syang tumayo tsaka ako hinila papunta sa kinalalagyan nung bruha.

“She’s right. She’s my girlfriend” sabi kay bruha. Ano ka ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Girlfriend For Ten WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon