Dear#01

670 36 2
                                    

Dear EX,

Sweetest word you said: But I love you
Painful word you said: I love you but

Ikaw ang first boyfriend ko na gusto ko maging last. Ikaw yung sobra kong minahal. Ikaw yun, pero nganga ako ngayon dahil isa ka pa lang gag*!

Nung nahuli kitang may kasamang babae, napatawad ko pa dahil sabi mo pinsan mo.

Nung nahuli ulit kitang may kaholding hands na ibang babae, pinatawad pa din kita dahil sabi mo, masakit lang paa nya kaya inalalayan mo.

Nung pinakilala mo ako sa parents mo bilang kaibigan mo at hindi bilang girlfriend, napatawad pa din kita dahil sabi mo bawal ka pang maggirlfriend.

Nung time na pinahiram kita ng pera dahil sabi mo kailangan mo para sa project tapos nakita kitang nanlilibre sa mga barkada mo, napatawad kita.

Nung halos tatlong oras akong naghintay sa mall kasi sabi mo may date tayo, pero dika nakarating kasi sabi mo may emergency sa family mo, naintindihan ko.

Lahat inintindi ko at binaliwala ko. Sobra kitang minahal, at nung iniwan mo ko narealize ko na ganun pala ako katanga!

Your Ex,

Dennisse^^

NBSB Diary (NoBoyfriendSinceBreakup)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon