Prologue
Tunay na mamimiss mo ang kabataan kapag umabot ka na sa taon kung saan busy ka na sa trabaho. Yung wala kang ibang naiisip kung hindi ang makapagpasa ng projects, maggawa ng proposal at magbayad ng bills.
Naging busy tayo na hindi natin namamalayan na maraming oras na ang dumaan. Hindi mo namamalayang unti-unti kang nilalamon ng responsibilidad. At naiisip mo nalang na nakakamiss ang panahon ng kabataan.
“Xae… coffee?” inabot sa akin ni Claire ang isang cup na may lamang iced americano na palagi niyang binibili sa akin.
“Thank you” kinuha ko ang kape at nagbalik ulit sa ginagawa.
Nasa opisina kami at may mga inaayos akong gamit para sa hinahandang project namin na road widening sa Davao. Ilang araw na rin akong walang maayos na tulog dahil may mga kailangan akong pirmahan at may mga meetings kami na kailangan paghandaan para mapag-usapan ang nasabing projects. Magandang project din ito para sa akin para gumanda ang career ko. I’m an Engineer by the way.
“Hindi ka ba muna magpapahinga? Babiyahe na kayo sa isang araw pero wala ka pang maayos na pahinga ah” suway niya sa akin.
“Walang mangyayari sa pahinga ko” nginitian ko siya.
Naupo lang siya sa tapat ng office table ko at pinanood ako sa ginagawa. Ganito siya palagi kapag napapansin niyang nasosobrahan ako sa trabaho, she’s my secretary but I treat her as a friend.
“Lagi mo nalang sinasabi ‘yan. Paano kapag nagkasakit ka? Gusto mo bang magkaroon ng problema sa site kapag nagkasakit ka? Tandaan mo, ikaw ang responsible sa project na ‘to”
Napangiti ako sa sinabi niya. Alam kong kinokonsensiya niya lang ako para magpahinga ako. Nakatulog naman ako kagabi kaya lang ay maaga ding nagising para sa trabaho.
Sa mundo na ginagalawan ko, bihira lang may makilalang babae na Engineer. May mga nakikilala pero hindi maitatanggi na dominated ng mga lalaki ang career na ito, para bang kapag sinabing Engineer ay lalaki na agad ang naiisip. Kaya naman nang makapasa ako sa Board ay nagpursigi ako sa pagtatrabaho dahil ang goal ko ay magkaroon ng kilalang babaeng Engineer sa bansa.
“Huwag kang mag-alala… kaya ko pa”
Hindi niya narin ako kinausap dahil siguro alam niyang hindi niya ako mapipigilan.
Kanina pa may mga nagtetext sa akin pero wala akong sinasagot kahit isa man sa kanila. Karamihan doon ay tungkol sa High School Reunion na organized ng President namin noon sa section namin. Iniinvite nila akong pumunta pero hindi ko padin alam kung makakapunta ako dahil bukod sa busy ako sa project ko… hindi pa ako handang makita sila.
BINABASA MO ANG
Spring at Summer
RomanceWe all came from Youth. Marami sa atin ang nakaranas ng masayang kabataan kung saan neenjoy pa natin ang kalayaan na dala natin. May mga kaibigan tayo sa ating kabataan na nakakasama natin sa kasiyahan at dinadamayan tayo sa mga problema. Pero nang...