Chapter 1
Umalis ako ng bahay kinabukasan nang hindi sila hinaharap. Ayokong maabutan silang nag-aaway sa hapag kaya naman hindi na ako nagpaalam na papasok na ako ng school. Kapag kase sumabay pa ako sa kanila sa pagkain, maririnig ko nanaman ang sasabihin ni mama kay papa. Nasasaktan ako.
“Xae! “ nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Allessa. Hindi ko siya napansin dahil sa iniisip.
“Sa susunod wag kang magtataka kapag bigla kitang nasampal” Nakahawak pa ako sa dibdib dahil sa pagkagulat.
Tinawanan lang niya ang sinabi ko “Sorry ha, hindi mo kase ako pinapansin. Kanina pa kita tinatawag”
Napanguso ako “Basta huwag mo ‘yon gagawin sa iba. Baka makita ka nalang namin na may pasa sa mukha”
“Sa’yo ko lang naman ‘yon ginagawa” she cling on me while we’re on way to our class.
Hindi pa namin nadatnan ang mga lalaki kaya siguradong papunta palang ang mga ‘yon. Nagtabi muna kami ni Alless para magkwentuhan ng kung anu-ano habang naghihintay ng teacher. Mahilig kaming manood ng anime parehas kaya ‘yon madalas ang napag-uusapan namin.
Maya-maya pa ay narinig narin namin ang ingay ng mga lalaking kadarating lang. May mga pinag-uusapan ang mga ito na kung ano pero hindi nalang namin tinanong kung ano dahil busy rin kami sa pinag-uusapan.
“Sa tingin nyo, babalikan tayo ng mga ‘yon?” tanong ni Wilmer na narinig ko dahil papalapit sila sa amin.
“Hindi ko alam. Pero mukhang hindi sila basta-bastang grupo” komento naman ni Richard.
“Sa angas nilang tumingin, sigurado akong tinandaan tayo ng mga ‘yon” sabi naman ni Razon.
Bigla akong nacurious sa sinasabi nila kaya naman nilingon ko na sila. Nasa likod namin sila kaya naman malamang ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan.
“Hoy ano ba ‘yang pinag-uusapan nyo?” tanong ko.
“Habang papasok kami kanina, may nakita kaming grupo. Nagkakainitan sila nung isang grupo na nakamotor, kaya kami natagalan dahil nakaharang sila sa daan. Kaya pinagsabihan namin na padaanin muna kami” si Razon ang sumagot.
“Oh tapos? Bakit kayo babalikan?”
“Si Lucky ang kumausap sa kanila. Hindi ata nila naintindihan ang tabi kaya nanghamon agad” sagot naman ni Wilmer.
“Sa itsura nila, mukhang matakaw sa gulo e. Buti nalang at hindi na pinatulan ni Lucky, isa pa man din ‘tong mainitin ang ulo” sabi ni Razon.
“Buti hindi mo pinatulan?” baling ko kay Lucky na nakamasid lang sa amin.
“May pasok pa e…. “ seryoso niyang sagot na inirapan ko nalang. Hindi rin matino kausap e.
“Ang sama ng tingin nila sa amin nung umalis kami. Kaya pakiramdam ko tindandaan ang mukha namin non” si Razon.
“Iwasan nyo nalang kapag nakita nyo ulit” komento ni Allessa.
“Hindi naman namin papatulan ang mga ‘yon. Mababait kaya kami”
“Ay buti hindi ka nila napagkamalang kagrupo?” pang-aasar ni Allessa kay Razon.
“Buti nga. Dahil ang gwapo ko para makasama sila” patol naman ng huli.
Nauwi naman agad sa maingay na kwentuhan ang grupo hanggang sa makarating ang teacher namin sa unang subject namin para sa araw na ‘yon. Siya rin ang adviser namin at napag-usapan namin ang mangyayaring Valentine’s ball para sa mga grade 9 at 10. Napag-usapan na maaari kaming mamili ng partner sa Grade 9 o kahit sa kabatch namin para sa gabing ‘yon na alam kong ikinatuwa ng marami.
BINABASA MO ANG
Spring at Summer
RomanceWe all came from Youth. Marami sa atin ang nakaranas ng masayang kabataan kung saan neenjoy pa natin ang kalayaan na dala natin. May mga kaibigan tayo sa ating kabataan na nakakasama natin sa kasiyahan at dinadamayan tayo sa mga problema. Pero nang...