3 ~

16 1 0
                                    

Rogin's POV

Andito to na ko sa sasakyan pagkatapos nila akong muntik na narape sa labas papunta dito. Kung sinu sinong pa ngang humahawak sakin kanina. May isa pa ngang humawak sa pwet ko eh . Grabe . Tch. Pogi abuse yun.

Buti nalang nakaaalis na agad ako. Kung hindi, baka makuha nila ang virginity ko. Tch.

Now I believe what my manager said," fans can be deadly sometimes". Tama sya dapat pala nakikinig ako sakanya.

Kung wala nga akong bodyguards kanina edi siguro napatay na nila ko o kaya narape. Grabe sila.

Oh baka naiingit na kayo sakin , sorry pero para malaman nyo , di madaling maging sikat lalo na ang maging Rogin Garcia.

Kala nyo siguro madali lang maging celebrity noh ? Well.. NO, hindi madaling maging celebrity. Lalong lalo pag sikat na sikat na sikat na, like me.

Bukod kasi sa mga deadly fans meron ding mga gossips and rumors tungkol sakin, idagdag rin natin ung mga haters na walang magawa kaya ako ang napagtripan.

Tapos lagi rin akong busy kaya hindi ko na nakakabonding ung mga taong mahal ko at malapit sakin.

Hirap talaga pero wala eh ganun talaga.

Tsaka Pangarap ko to noon pa man. Ung maging singer ah . Di ung magkaroon ng mga deadly fans ah o kaya maging pogi kasi di ko na kenakailangan pangarapin na maging pogi , pinanganak na kong pogi.ako pa ?

Nakaka appreciate rin naman kasi ung mga fans kahit ganon sila kaya di ko maiwan-iwanan to. Ramdam ko rin na talagang mahal nila ako at dahil rin naman sa kanila wala akong career kaya dapat lang akong magpasalamat sakanila.

Oo aaminin ko nawalan na rin ako ng taong mahal dahil dito pero di ko na ulit hahayaan mangyayari un. Mawala na ung babaeng mahal ko dahil dito kaya ayoko na ulit mangyayari un. Di ko na Hihintayin na mawala pa lahat ng taong mahal ko bago pa ko matuto.

Dapat ko ibalanse ang oras ng trabaho at oras sa mga taong mahal ko. Mahirap yun pero kakayanin ko. Para sa mga taong mahal ko.

Well bago ko kayo kwentuhan ng kung ano-ano pa , magpapakilala muna ko. Required yun sabi ni author.

Ako nga pala si Nathaniel Rogin Garcia. Isa akong sikat na singer, di lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa. Pogi ako, magaling kumanta, sikat, masayahin at syempre pogi.Haha

Bago pa man ako maging singer naging artista muna ako. Un kasi ang gusto ng management kasi daw pogi ako pero unti-unti na discover ung boses ko at mas lalo akong naging sikat dahil pagkanta kaya pagkanta ang talagang pina prioritize ko ngayon.

May mga nagawa narin akong movies na naging sikat. Meron ding international movies na kasali ako. Pero mas gusto ko parin maging singer.

Rogin Garcia ang stage name ko. Oh diba ang layo sa tunay na pangalan ko. Haha

Parents ko? Patay na sila. Matagal na. Ayoko muna ikwento kung anong nangyari sakanila.

Meron din akong tatlong kapatid pero di kami laging magkakasama pero close kami.

Ung panganay samin, nagtatrabaho sa ibang bansa. Di sya OFW ah. May business sya sa ibang bansa. Sya ung parang tatay na namin. Seryoso syang tao pero nakakakulitan at harutan parin namin sya. Sya ung taong mahirap kalabanin dahil nagiging halimaw sya pag galit. Man of few words ang bansag sa kanya ng ibang tao.

Ung pangalawa nagtatrabaho din . Sya naman ung pinaka masayahin samin. Sya rin ung pinaka hambog. Chickboy din sya. Sikat rin sya kasi uhm .. kasi.. ewan basta sikat sya. Ung ibang tao naman kasi nagiging fan ng isang tao dahil lang pogi o maganda sya.

Ako ung pangatlo . Sikat ako at pogi. Ako ung pinaka sikat samin at pinaka gwapo.

Ung bunso namin, babae nag aaral pa.siya ung Prinsesa namin. Sya lang kasi babae samin. Girly sya at childish. Mahal na mahal namin sya kahit di halata.

..

Nasa sa sasakyan parin ako pero ngayon malapit na ko sa condo ko at natakasan na ko na ung mga press na sinundan ako kanina.

Ung mga asungot..este ung mga bodyguards ko , umalis na, nagkanya kanya na. Kasama ko lang naman sila kapag may concert ako o pag may mga events na pag kakaguluhan ako.

Kring! Kring ! Wag ka nga , ringtone ko yan xD . Nilabas ko ung mamahalin kong Iphone sa bulsa ko. Di rin ako mayabang no? Sa bagay sikat na sikat lang naman ako at mayaman lang. Idagdag pa ung sobrang pogi ko at maganda kong boses,tch di talaga ako mayabang.

" hello? " sagot ko dun sa tumawag. Di ko tinignan kung sino.

" hello beb . Asan ka na ? Ba't ang tagal mo ? " naiinis na sabi nya. Girlfriend ko nga pala ung tumawag.

" bakit , namimiss mo na agad ako ? Parang di tayo nagkita kanina ah. Tsk tsk nagiging possesive na ka na ha " pabirong sabi ko sa babaeng mahal ko.

" hindi ako possesive noh . Masama bang mamiss kita ?" sabi nya.

" hahaha . Ikaw talaga di ka mabiro . Di ka possesive alam ko un . Mahal mo lang talaga ng sobra-sobra" natatawang sabi ko.

" ewan ko sayo" sagot nya.

" galit ka na naman . Sorry na " sabi ko.

" oo na nga . Asan ka na ba kasi ? Baka mamaya nasa ibang babae ka na ha. Baka nakalimutan mo nang girlfriend mo ko. Akin ka lang" sabi nya . Di talaga sya possesive.

"beb, Ikaw lang ang mahal ko kaya wag kang magisip ng kung ano-ano. Malapit na ko . Hintay ka lang dyan. " sagot ko saknya.

" oo na. Bilisan mo na . Sige na may gagawin pa ko. I love you bye " sabi nya.

" Sige, I love you too bye " binaba ko na ung Iphone sa tenga ko.

Sya ung girlfriend ko. Sya si Nicole Ramos. Maganda sya , mabait, maasikaso, mahal ako, medyo mainitin ang ulo at possesive minsan. Simpleng babae sya pero para sakin napaka special nya and I love her.She's perfect for me.

Una kaming nagkita sa isang coffee shop. Di nga kami magkasundo nun eh pero naging kami. Ung unang araw na nagkita kami, di ko talaga inaasahan na magugustuhan ko sya.

Kahit mahal na mahal ko sya , di sya ang nauna dito sa puso ko. Pero wala na

May naunang iba. Ung first love ko. Pero kahit na . Kung meron first love , meron ding true love. At sya ung true love ko. Kahit pa sabihin nila na first never dies. Pssh

Yeah, first love never dies but true love can bury it alive.

..

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon