TEASER

50 5 0
                                    

Why can I just forget her . Tama! Kakalimutan  ko  sya. Magmomove on nalang ako.Madali lang yun diba ?

Aalisin ko lang sya sa isip ko, Kakalimutan ko ung mga nangyari samin tapos makakahanap ako ng iba . Magiging masaya rin.... Aisshh! Ano bang pinag iisip ko ? Mahal ko sya, I should fight for her .

Pero ayokong na siyang  guluhin ...  aaaaaarrrgg! Ano bang gagawin ko. Magpasagasa kaya ako para magka amnesia ako at makalimut? Aissh! Ayoko baka mamatay pa ko .

Kayo? Ano sa tingin nyo ang dapat kong gawin.dapat ko ba syang balikan at mahalin ulit o kalimutan sya at mag - move on ? Text your answer to 7469...

"sir iinumin nyo po ba yan ? " nagulat ako ng may biglang nagsalita na babaeng hindi ko kilala.

" huh ? " naguguluhang tanong ko.

"Yung kape po" sabay turo sa kape ko. "Iinumin nyo po ba ?"

Ano daw?? Ayy Oo nga pala, nasa coffee shop pala ko. "Pake mo ba ? " sino ba sya para pakialaman ang kape ko. Baka gusto nya rin ? " gusto mo rin ba ng kape ? " sabi ko sakanya

" hindi po pero malamig na po yung kape, baka po hindi nyo na po iinumin" sabi nya with feelings.

Oo nga kanina pa to. Hindi na sya mainit. " eh kung gusto ko ng malamig na kape? Why do you care ? Sino ka ba? " Kalmadong sabi ko sakanya. Baka kasi mainlove sya sakin pag nginitian ko sya.

"Sir, nagtatrabaho po ako dito. Halata naman po oh? Sabi nya sabay umurong sya unti at tinuro nya ung suot nyang damit.

Oo nga. Sorry naman , di ko napansin eh. " nagtatrabaho ka pala eh. Ba't mo ba ko kelangan pakialaman? " cool pagkakasabi  ko sakanya.

"Sir , madami na pong tao dito na kanina pa naghihintay na may maupuan" sabay tumingin sya sa paligid. " at kung balak nyo lang pong tumunganga, sana po sa labas nalang . " sabi nya na halatang naiinis. Mahigit isang oras na rin kasi ako nandito.

"weh ? Yun ba talaga ang dahilan o may gusto ka lang sakin kaya mo ko tinanong. Kung yun ang dahilan, sorry but I'm taken " sabi ko sakanya.  Oo, taken na ang puso ko.

" Hindi ah ! Napaka feeler mo naman! Hindi ka naman gwapo " sigaw nya. Anong hindi  gwapo?  Ang gwapo ko kaya. Pakipot pa sya eh.

"Sus ! Alam ko naman na kanina mo pa ko tinitigan at hindi talaga gwapo .. sobrang gwapo" nakangiting sabi ko sa kanya.

Natahimik sya at tinitigan ako. Pshh pinagnanasaan ata ako nito.aalis na ko, baka mamaya I-rape nya pa ko."ano tapos ka na bang pagnasaan ako?"

"Ano?! Pshh alam mo kung.." may sasabihin pa sana sya kaso lumapit na ko at tinakpan ang madaldal nyang bibig . Kelangan na nyang manahimik at kelangan ko umalis baka may makakilala pa sakin.

"Kung ayaw mong manahimik, tatawagin ko yung manager nyo at ipapasesante kita" at binitawan ko na ang bibig nyang maingay

"Makaka alis ka na ^_^"  nakangiting sabi ko.natahimik sya saglit at...

" pshh! Bwisit! " sabi nya habang umaalis na sa harap ko. Aish. Dapat lang syang umalis . Buti nalang pala talaga naka disguise ako kundi nakilala na nya ko hayyst .. hirap maging sikat.

..

Pagkatapos ko nagmuni-muni dito umalis na rin ako at iniwanan ang nilalamig kong kape. Lilibutin ko nalang itong buong mall at pag iisipan kung dapat ko ba syang hanapin at balikan.

Dapat ko ba syang balikan at mahalin ulit? Aissh ang hirap naman. Eh kung tanungin ko nalang si tata lino?

Hayy! Ang hirap ng life .

Sobrang miss ko na sya . Nasan na kaya sya ? Ano kayang ginagawa nya ngayon ? Naaalala  nya parin ba ko ?

I miss her so much. Namimiss ko na ung mga mata nya , ung magaganda nyang ngiti , ung mahaba nyang buhok.. sobrang ganda nya ^¤^

Kahit anong suotin nya, bagay sakanya. Kahit pa ata basahan maganda sakanya.Alam mo ung kahit naka simpleng t-shirt at jeans lang sya at unting make-up lang , sobrang ganda na nya habang naglalakad sya papunta sa isang restaurant. Hayyst tapos maraming lalakeng napapatingi.. HA??! Siya.. siya un diba !?

Hindi na ko nagdalawang isip at tumakbo papunta sakanya na parang asong nakakita ng pusa.

"Angel!" Sigaw ko ng paulit ulit sakanya  habang tumatakbo pero di nya ata ako naririnig.

Naabutan ko rin sya. Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya sa paglalakad pero bigla nyang nilayo ang kamay nya

Magsasalita  sana ako pero hingal na hingal pa ko kaya sya na ang nagsalita " uhm hello ?  Sino ka ? Anong kelangan mo ?" sabi nya na ipinagtaka ko. A..ano?

Ahh siguro kasi naka disguise ako kaya di nya ko nakilala .

"Hahaha" pilit kong tawa " nagbibiro ka na naman" nagbabasakali kong sabi. Tinanggal ko ang wig at shades ko para makilala nya ko. " ako toh oh ? Di mo ba ko namiss?" At binigyan ko sya ng alanganin na ngiti.

"Sorry di kita kilala " sabi nya. My  heart suddenly stopped beating. "Sige, alis na ko" naiilang na sabi nya at lumayo sya at iniwan akong nakatanga.

"P..p.pero .. teka .. sandali .. " di ko alam ang sasabihin ko. Di ko to inaasahan.

Sorry di kita kilala

Sorry di kita kilala

Sorry di kita kilala

A..ano ? Di nya ko kilala ? Hindi .. di nya ko kayang kalimutan .. alam ko . . N..nagbibiro lang s..sya diba?

Lalapitan ko na sana sya kaso.. bigla nalang tumulo ang luha kong hindi inaasahan sa nakita ko.. lumapit sya isang lalake habang nakangiti and.. he kissed her..

ako ? Naiwan akong nakatanga habang pinagtitinginan ng maraming tao. T_T

I.. I don't know to say..  di nya ko kilala ?  Nakalimutan na nya ko ? H..how? T_T

..

We used to be so happy together,  so close but now it feels  like we're close as strangers. 

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon