Sa-Christian
George’s POV
Ang ingay ingay naman nitong mga to -_- Kanina ko pa gusto umidlip.
“Hoy Georgia Rose! Wag kang matulog dito!” bulong ni Alisson habang sinusundot sundot naman yung tagiliran ko.
Tngna. Eh pano nga akong makakatulog kung kwentuhan sila ng kwentuhan diba?!
Kahit nakaupo kaya ko kayang matulog.
Nakakapagod kaya -_-
“George.” Sabi ni Kenneth sakin.
“Ooooh?!” irita kong sagot habang nakapikit.
“Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat .....” pagdilat ko nakatayo na pala sila.
Kaunting tiis nalang matatapos na din tong misa nato -_-
Tumayo ako ng tamad na tamad.
Nasa simbahan kasi kaming magkakaibigan. AT nasa pangatlong lane pa kami >__<” Ang kakapal ng mukha nilang pumwesto dito!
Nag aya silang mag simba tapos ang ingay ingay naman garod nila.
Tyaka duuuh?! May hangover pa ata ako kagabi Y___Y Tapos ang aga aga nilang nanggising at nambulabog sa bahay kanina -___________-
Pag mulat ko ng mata ko nakita ko kaagad ang mala-anghel na mukha ng isang batang pari.
Sa Kristan ba tawag dun? Hindi pala bata, kasi parang ka edad ko lang at nakatingin sya sakin?!
At hindi lang basta tingin hah?!
Masamang tingin!
Inaano ko ba sya? Ngayon ko nga lang sya nakita!
Alagad pa naman ng pari tapos ganun makatingin. Wateber.
Hinayaan ko nalang kasi ang alam ko ngayon ay antok na antok na ako!
Idinilat ko yung mga mata ko ng dilat na dilat para magising na ako.
Lumingon ako kila Allison, nagtatawanan pa din sila. Tapos nagbubulungan na ewan -_- Mga baliw.
Nagtutulakan pa nga sila eh tapos natutulak tulak pa ko U________U”
Nakatingin sa amin yung mga nagsisimba.
Wateber -___- Mamatay na may pake.
Pipila na dun sa kakain ng ostya.
Nauna ako kasi ako yung una sa lane namin.
Hanggang sa pila ba naman nagtutulakan parin sila?!
“Ang gulo gulo nio naman!” saway ko sa kanila.
Tumigil sila tapos.
IPINAGPATULOY PADIN! >__<
Naaninag ko sa unahan ng pila, yung sakristan na nakatingin sakin yung isa sa mga may hawak ng gold na platito.
Kulay gold, rather.
Bwisit to. Wag nyang sabihing gwapo lang sya kaya ganun sya?!
Hayy. Kung tutuusin yung ibang mga teenager hindi naman talaga nagsisimba tuwing Linggo para magdasal o magpasalamat eh. Kadalasan nagsisimba sila para tignan yung mga gwapong sakristan ng simbahan -_-
Hanggang sa simbahan dinadala yung kaharutan Y___Y
Paano ko nalaman?! Yung mga babae sa harap ko, pinagkukuwentuhan nila yung salbaheng sakristan.

BINABASA MO ANG
Sa Christian
HumorThis story is about a sakristan and a girl who will meet inside the church with an unexpected scenario. Find out how they will meet 💜