Presentation

4 0 0
                                        

“Oh. Ms. Sorry. Ikaw pala yan.” Sabi niya sakin ng parang nangaasar na nagulat.

Hindi ko alam yung gagawin ko. Ano bang mukha ang ihaharap ko dito?  😒

-_- Sorry Kuya. Pagalitan mo na ako ngayon na please. Tumawag ka na sakin ngayon na. Patay na talaga.

Tinitigan nya ko mula ulo hanggang paa.

Anong problema aber? -_-

“So why are you late Ms. ?”

Teka. Sakristan to diba?! Bakit sya nandito?


"Why are you asking? And who the hell are you? Ikaw ba si Mr. Avellanoza and staff?”  naiirita kong tanong.

Papatayin ako ni Kuya ditooooo.

“Nope. But I’m his son Ms.-- Sorry” mabilis nyang sagot.

Ang isang Avellanoza? Mag sa-Sakristan?!

What a Blue moon -_-

Parang never hah?

Mas mayaman pa kaya sila sa amin -_- Bulataw din to.

Ako nga tamad magsimba Y__Y Napilitan lang ako kahapon tapos ganun pa yung mangyayari.

Isinuot na nya yung salamin niya.

“Nevermind. Let’s start.” Sabi ko nalang. Tahimik na eh. May dumaang anghel.

Inilapag ko yung sumbrero ko sa ibabaw ng projector.

“May gana kang sumagot sa akin ng ganyan pagkatapos ng nangyari satin kahapon?” sabi niya.


HA-HA-HA

Bakit ba naalala pa nya yun?  O___-“

“Bat ba big deal sayo yun? First kiss mo ba ko?!” naiinis kong sabi.

Namula sya. Inalis nya ulit yung salamin nya

“YES! A very Big YES Ms. Acosta. And you stole it?!” sabi niya ng sumisigaw.

Galit sya?!

Labo naman nito!

Parang hindi lalaki.

First kiss lang yon?!-_-

“Oh?! So its my fault? Its my fault to stole that fucking first kiss Mr. Whatever Kung sino kaman.” Sabi ko.

Ano bang ikinagagalit nya?!

Kasalanan ko ba yon?

Bat di niya sisihin sila Allison -_- Hindi naman ako yung may kasalanan don eh.


“Yes. And you leave without a sincere sorry for what you did.” Sabi niya habang tumatayo sa kinauupuan niya.

“Ah. Yan ba yung ikinagagalit mo? Oh anong gusto mong gawin ko? Mag ala Chichay na mag so –Sorry po with bow effect?! Okay. Okay. Mr. Sakristan Avellanoza, Sorry? Ok? Sorry? I’m very very sorry to stole your first kiss yesterday. Kung pwede lang wag mo nalang ituring na first kiss yon? Ok kalimutan mo na? Ok na? Pwede na tayong magsimula?” Sabi ko sakanya.

Ngumisi sya at unti unting lumapit sakin.

Sakristan pa naman to?! Ganito ugali?!
Nag iinit dugo ko.

“Eh kung ayoko? Paano kung Ayokong kalimutan yon Ms. Acosta?” tanong nya habang papalapit.

Nanghahamon na toh ah?! Naiinis na ako.


“Edi wag. Problema ba yun?” sabi ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.

Napipikon nako grabe -_-

Gusto ko ng tawagan sila Jet para resbakan tong pangit na  na to!

“Ah. Okay. Sige kalimutan natin yun. Then simulan natin ngayon?” sabi niya habang nakangiti.

Ano daw sisimulan? Yung presentation?

Abay sige. Nang makaalis na ako.


“Osige. Bumalik ka na dun.” Sabi ko sabay yuko kasi itatali ko yung sintas ng sapatos ko, natanggal kanina nung tumatakbo ako.

Hinawakan nya ko sa balikat kaya napabalik ako sa pagtayo.

“Ano?” sabi ko.


Tok tok tok.

“Mr. Christian Avellanoza, your dad on the phone po.” Sabi sa may pintuan.

Itinali ko na lang yung sintas ko.

Ang kulit nyang kausap -_-

CHRISTIAN’s POV


Hahalikan ko na sana kaya lang biglang umepal tong nasa pintuan.

No. Thats not my first kiss. Gusto ko lang humingi sya ng tawad ng maayos sakin sa nagawa nya kahapon.
Yes, hindi nya kasalanan. Pero parang walang nangyari kahapon nung nag sorry sya?! Diba? Nabasa niyo naman?!

Hustisya naman dun. Ako na nga nahalikan ng hindi ko kilala eh.

Malay niyo may HIV yang babaeng yan?!

Ako pa maagrabyado.

Maganda na sana eh. Kaya lang mukhang dudugyuting babae. Natutulog ba naman kahapon sa simbahan?! AT nakanganga pa sya. Hindi marunong mahiya.

Yung mga kasama naman nya akala mo ang gaganda. Nakakainis.

After that.

Lumabas na ko. Ayokong makinig sa kanya.


“Mr. Whatever. San ka pupunta?” habol nya.

Hinarap ko sya.

“Christian Avellanoza.” Sabi ko sakanya sabay lahad ng kamay.

Tinignan naman niya yung kamay ko.

Ang arte naman nito. Tatanggihan pa nya yung kamay ng isang gwapo?

Nagulat ako ng nilahad nya din yung kamay niya at naki pag shake hands.

Nginitian ko naman sabay hatak sa kanya.

Masarap syang asarin eh.

Halatang nagulat sya.

Kasi inakap ko sya.

May dinukot ako sa likuran ng damit nya.


“HOY! ANO BANG GINAGAWA MO?! SAKRISTAN NA MANYAK!” sabi nya.


Ayos tong babaeng to. Kahit ano atang gawin sa kanya hindi nilalagyan ng malisya.

Nakita ko na may tag price yung suot nya.


“487 php.” Sabi ko sakanya.

Humarap na ako sa kanya.

“Akin na nga yan!” sabi nya sabay hablot nung tag price na inalis ko sa damit nya.

“Buti nalang sa akin inutos ni Daddy yung presentation ng mga Acosta, kung hindi, lagot ka kay Daddy.” Sabi ko sa kanya habang inilalapit ko yung mukha ko sa kanya.

Inilayo naman nya.

“Next time nalang Ms. Sorry. May pupuntahan pa ako.” Sabi ko sa kanya sabay talikod.

Baka kasi pag tinitigan ko pa sya, mainlove ako—este sya sakin. Wag na. YAK.


Amoy bago pa yung damit nya. Dugyot talaga. Like what? Kayo ba nagsusuot ng bago? -___- Ako never. Mamaya isinukat yun tapos may putok yung nagsukat at ibinalik dun sa hangeran ng shop -___- Nakakadiri.

Tumawag sakin si Dad na i-cancel yung presentation at puntahan si Akie sa  school.

May ginawa nanamang kapalpakan.










Sa ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon