BINIBINING MAHINHIN

22 5 7
                                    

"BINIBINING MAHINHIN"
Galawang hindi makabasang banga,
Ang siyang taglay nitong dalagita.

Ngiti mong mapang-akit,
Ang siyang nagpatahan sa pusong may hinanakit.

Palakaibiga't masiyahin,
'Yan ang taglay nitong marikit na bituin.

Puso'y hindi mapagkunwari,
Laman ng tunay na damdamin ang siyang minumutawi .

Tunay at walang kapantay na pagkakaibigan,
Aking naranasan ng siya'y aking matagpuan.

Tiwala'y binigay ng buong-buo,
Pagkat aking nasisiguro,
Na ako'y hindi mabibigo,
Sa desisyong pinili ko.

Mithiin ko'y maakap ka ng kay higpit,
At sa kanlungan ko'y ipiit.

Pagkakaibigang nabuo,
Sana'y manatiling matibay hanggang dulo.


@MAJJING_MJ

SPOKEN WORDS AND POEMSWhere stories live. Discover now