"DILAG NG KAGANDAHAN"
Ngiting umuukit sa 'yong mapulang mga labi,
Ang nais kong pagmasdan sa araw at gabi.
Iyong mga mata'y nangungusap sa ganda,
Na kahit sinong sumila'y hindi magkikisap mata.Mala-Venus na kagandahan ang iyong taglay,
Pagiging Binibining marikit sayo'y nanalaytay.Wangis na hinulma ng banal na kamay,
Siyang natatangi't walang kapantay.Kabusilakan ng puso ang siyang pinapakita,
Tunay ang pakikisama't hindi doble kara.
Kasiyahan niya't kakulitan,
Ang nagbibigay tuwa sa aming sangkatauhan.Sa personal ika'y nais masilayan,
Upang maipagpunyagi ang iyong KAGANDAHAN.@MAJJING_MJ