Pagkatapos ng press conference sa palasyo ay madaming reporter ang naghihintay sa kanya para magtanong tungkol sa kanila ni Lily. Dati niyang nobya si Lily, hindi inaasahan ni Oscar na layuan siya ni lily, ayaw ng ina ni lily na mabuntis si lily kahit nasa legal na edad na ito. Hindi sinabi ni lily na may anak sila ni Oscar, handang panagutan ni Oscar ang bata pero ayaw ng magulang ni Lily.
Pagbaba ni Oscar entablado ay agad lumapit sa kanya ang mga reporter kung ano-ano ang mga tinatanong.
"Mister President, totoo po ba na may relasyon kayo dati ni Vice President Lily Ann Cortez?"
"Mister President, totoo po ba na may anak kayo?"
Dalawang tanong lamang ang tinanong ng mga reporters kay Oscar, huminga ng malalim si Oscar at sinimulang sagutin ang mga tanong.
"Oo, tama kayo. May relasyon kami dati ni madam vice, at totoo din na may anak kami."
"Mister President, kung sakaling makilala niyo ang anak niyo at makita. Ano po ang una niyong gagawin?" Tanong ng isang babae at pilit na nilalapit ang mikropono kay Oscar.
"Syempre yayakapin ko, ngingiti at magpapakilala sa kanya bilang ama niya" sabay ngumiti si Oscar.
"Mister President, ibaba niyo po ba ang dati niyong pagsasama? Mukhang maayos naman po kayo ni Vice President"
"Kung pwede. Oo, ibabalik ko iyon, pero hihintayin ko ang desisyon niya dahil hindi maganda kung pinipilit mo ang isang babae na mapasaiyo kahit ayaw niya na umibig ng isang katulad ko."
Sa likod ni Oscar ay nandoon si secretary Diana may hawa na itim na folder at itim na blazer. Sumingit si captain Salonga sa gilid ni Oscar habang patuloy na nagtatanong ang mga reporters.
"Mauna na tayo sa kanila captain Salonga." Aniya ni Oscar at sabay iniwan ang mga reporter sa loob ng conference room.
Pagdating nila sa opisina ay umupo si Oscar sa kanyang upuan at tumingin sa mesa, inilatag ni Diana ang folder na itim at binuksan ito.
"Ano iyan?" Tanong ni Oscar
"Tungkol sa anak niyo Mister President"
Tumingin siya kay Diana ng may pagtataka. "Paano ka nakakuha ng mga impormasyon tungkol sa kanya?" Tanong ni Oscar kasabay tinignan ang mukha ng anak niya sa folder.
"Sources, Mister President. Kasabwat ko si Meilin sa impormasyon na iyan."
"Si Meilin?"
"Personal secretary ni lily, Mister President"
"Paano mo siya naging kasabwat?"
"Long story Mister President" sabay ngiti ni Diana "Maiwan ko na po kayo Mister President" tumalikod siya at lumabas sa opisina ni Oscar.
"Carlo Leonardo Cortez" Bulong ni Oscar. Pinagmasdan ni Oscar mabuti ang mukha ng kanyang anak at ngumiti.
"Parang hindi ko naman anak ito ha" he wonders