Makalipas ang ilang oras ay pumasok si Meilin sa opisina ni Lily, abala sa pagbabasa si Lily ng mga papeles na binigay sa kanya ng mga NGOs para sa gagawin niyang bagong project para sa mga kababaihan.
"Ma, hindi ka pa po ba tired?"alalang tanong ni Carlo dahil pagdating ng kanyang ina sa opisina ay puro trabaho ang inatupag nito.
Tumingin si Lily sa kanyang anak at ngumiti, ang kanyang mata ay pagod na at handang matulog. Ang kanyang kamay ay pagod kakapirma.
"No, pero gusto ko na matulog." Sabay niyang inalis ang reading glasses niya at nilagay ito sa mesa.
"Ma, don't get too tired, you'll get sick ha" paalala ni Carlo.
"Yes, you're right. Uwi na tayo, gutom na ako." Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag.
Nauna pumunta sa kotse si Carlo habang si Lily at Meilin naman ay naglalakad sa hallway.
"Madam, may Good news ako sayo" nakangiting sabi ni Meilin.
"Ano yun?" Lily.
"Isa lang meeting mo bukas"
"Talaga?" Nakangiting sabi ni Lily, tumango naman si Meilin.
"Maganda yun, pupunta kami bukas ni Carlo sa school, sabi kasi sa akin nung principal na pumunta kami sa school para itour si Carlo sa buong school, para kapag First day of school hindi siya maligaw, by the way na enroll ko na si Carlo last week." Dagdag ni lily
"Dito na siya mag-aaral?"
"Yes, ayoko nang hiwalay kami ng anak ko. Gusto ko lagi akong nasa tabi niya."
"Lily." Tawag ng lalaki mula sa likod.
"Mauna na kami umuwi ni Carlo Madam." Sabay alis ni Meilin.
"Ingat kayo" sabay siyang tumingin sa likod at nakita niya muli si Oscar.
"Oh ninong, kamusta?" Nakangiting sabi ni Lily
"Anong sabi mo? Ninong?" Oscar.
"I mean, Mister President… kamusta?" She showed her awkward smile.
"You can take your time. Alam ko naman na madami kang gawin ngayon."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lily
"Ang ibig kong sabihin, pwede mo naman hindi agad sabihin kay Carlo na ako ang ama niya, alam ko naman na marami kang ginagawa"
"Ahh, okay"
"can I invite you..." Oscar
"Para kumain? Sure, may alam akong restaurant"
Kinamot ni oscar ang kanyang leeg at ngumisi, imbis na siya ang magtapos ng kanyang sasabihin inunahan siya ni Lily.
"Bagal ko talaga sobra." Aniya ni Oscar sa kanyang sarili.
"Let's go, nagugutom na ako" sabay umalis si Lily sa hallway, sinundan naman siya ni Oscar.
"Inunahan mo ako maglakad ha" aniya ni Oscar habang sabay silang papunta sa kotse.
"Ayoko ng matagal na tao Oscar" aniya ni Lily sabay pumasok sa passenger seat ng kotse at isinara ang pinto.
Pumasok si Oscar sa loob ng kotse at sinabi sa driver kung saan sila pupunta. Sa loob ng kotse habang nagmamaneho ang driver ay tahimik lamang na nakatingin si Lily sa bintana at tinitignan ang mga paligid sa labas.
"Lily, Kamusta ka na pala?" Tanong ni Oscar habang nakatingin Kay lily.
"Ayos naman ako, naghahanap ng asawa. Responsableng asawa." Aniya ni lily.