CHAPTER 1

19 2 0
                                    

"Ella ! Bumangon ka na dyan at mahuhuli ka na sa graduation ninyo!" Sigaw nang aking mommy irene na tiyak galit na galit na naman.

Dahan dahan akong bumangon at inayos ang aking kama, Medyo inaantok pa'ko kaya hindi ko pa masiyadong naintindihan si mommy.

"Mabuti naman at bumangon ka na," salubong saakin ni mommy, naka krus ang mga braso nito habang nakatitig saakin.

"Dalian mo nang kumain at mahuhuli ka na sa graduation nyo, " dagdag pa ni mommy.

Nang marinig ko iyon bigla akong natauhan, Nanlaki ang mga mata ko "Graduation nga pala namin ngayon! " Bulalas ko.

Dali-dali akong tumakbo sa aking kwarto pagkatapos kumain upang maghanda para sa graduation at binilisan ko na rin ang ligo ko.

"Ella! Hindi ka pa ba tapos? Dalian mo at nakahanda na ang lola lily mo, " sigaw nanaman ni mommy.

"Andyan na po! " Sagot ko naman sakanya.

Pagkatapos kong mag ayos ay tumakbo na ako pababa at agad naman akong napansin ni lola lily.

"Aba apo kay laki mo na, kolehiyo ka na kaya dapat marunong ka nang mag ayos sa sarili mo," sabi ni lola.

"Opo lola, " matipid kong sagot pabalik.

Tumawag si mommy ng tricycle at sumakay na kami para magpunta sa eskuwelahan ko.

Pagkarating namin sa school ay naupo kaagad sila mommy at lola sa mga silya na nakahanda para sa mga magulang, nagpaalam muna ako sa kanila bago ko hanapin si hazel, ang best friend ko.

"Asan na naman kaya yun nagsususuot," ang sabi ko sa sarili ko.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko din siya at natawa ako dahil punong-puno nanaman ang mga kamay niya ng mga pagkain.

"Oh Ella dumating ka na pala," bati saakin ni hazel.

"Nako hazel ang dami mo nanamang kinakain, tataba ka talaga nyan, " biro ko sakanya.

Bata palang kasi kami ni hazel ay matakaw na talaga siya, naalala ko nga isang beses napagalitan si hazel dahil kinagat ba naman niya yung tanim na bulaklak ni aling koring at sa sobrang galit ni aling koring ay pinabaranggay niya sila hazel, mabuti nalang at nagkataong nasa bahay si ate Clarisse.

Abogado kasi si ate Clarisse kaya ayun nagkaintindihan din sila at naayos ang problema, mamahalin daw kase yung bulaklak dahil galing amerika raw.

"Ella ano ka ba okay lang yan," sagot naman ni hazel sabay kinagat ang turon na bitbit nya.

"Ella oh kumain ka din," sabi saakin ni hazel, inabot niya saakin ang isang stick ng kwek kwek.

"Salamat" sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa upuan para sa mga estudyante.

Nakaramdam kami ng pagkaburyo ni hazel dahil sa kakahintay na magsimula ang programa kaya nag kwentuhan nalang kami bilang pampalipas oras.

"Alam mo ba, ang dinig ko sa mga taga kabilang section ay malaki raw yung papasukan nating university," kwento ni hazel.

"Talaga? Sana may swimming pool!" Sabik kong sagot.

"Oo nga eh pero nakakakaba rin kasi baka mahirapan na tayo sa college," dagdag naman ni hazel.

"Syempre mahihirapan tayo pero ang sabi ni mommy i-enjoy lang daw ang school life," sagot ko naman sakanya.

"Mga mayayaman lang daw ang nag-aaral sa unibersidad na iyon kaya may kalakihan, masuwerte nga tayo dahil may kakilala si ate Clarisse kaya naka-apply tayo ng scholarship" Saad ni Hazel.

Nabulabog ang kwentuhan namin nang biglang tumunog ang mic.

"Magandang araw mga magulang at estudyante! Sigurado akong nasasabik na kayo sa inyong pagtatapos sa highschool..."

At nagsimula na ang programa, isa isa kaming tinawag para sa aming mga karangan at nang malapit na ako ay tila tatalon ang puso ko palabas ng aking dibdib at basang basa ng pawis ang aking mga kamay na para bang inilubog ko ang mga ito sa tubig.

"Ang Parangal na ito ay inihahandog kay Elise Santos mula sa Grade 12 seksiyon Amethyst"

Marahan kong inabot ang sertipiko mula sa mayor at isinabit saakin ni mommy ang medalya ko, Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay hazel at dumiretso kami nila lola at
mommy sa mall! Pero hindi rin kami nagtagal dahil pagod na si lola at gusto nang magpahinga.

Matagal-tagal pa naman ang pasukan, mga limang buwan pa pero ang sabi ni mommy ay sa susunod na linggo raw ay bibili na kami ng mga kailangan ko dahil mahirap daw kapag last minute na raw bibili.

Pagkatapos kong maligo ay humiga na ako sa aking kama nang biglang tumunog ang phone ko.

May chat si hazel, kaagad kong binuksan ito.

"Bakit kaya hindi nakaattend si inggo ng graduation?" Tanong ni hazel.

"Siguro nagkasakit sya, madalang ko na rin siya makita" sagot ko.

"Hindi na rin siya pumapasok nitong mga nakakaraang linggo eh," sagot saakin ni Hazel.

Pero nakapagtataka nga, bakit kaya hindi pumapasok si inggo ?

Si inggo ay kababata namin ni hazel, doon sila nakatira sa taas ng bakery dahil sila ang may ari noon.

Tinignan ko kung nakaonline si inggo sa messenger pero offline sya, chinat ko pa rin siya para makasigurado.

"Dom bakit hindi ka nakakapasok nitong mga nakakaraang linggo? May problema ba?"

Ayaw niya kasing tinatawag na inggo sa school. Kahit sa chat ay mas gusto niyang dom ang tawag sakaniya kesa inggo, nakakahiya daw kasi. Ang totoong pangalan talaga niya ay dominic kaya mas gusto niya ang dom.

"Ella apo pwede bang bumili ka diyan sa bakery ng tinapay na memeryendahin natin," utos saakin ni lola.

"Sige po lola" magalang kong sagot.

"Ayos! Masisilip ko din si inggo kung kamusta siya, " sabi ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa bakery ay saktong si inggo ang nagbabantay.

" Uy inggo! " Bati ko sakanya.

"Uy Ella kamusta? Masaya ba ang graduation?" sabi niya.

"Oo pero sayang hindi ka nakasama, " matamlay kong sagot.

"Ako kasi ang nagbabantay ng bakery dahil wala sila nanay, nasa probinsya sila" sabi niya sabay kamot ng ulo.

"Ah ganon ba? paki-kamusta nalang ako kay aling Cinthia pagkadating niya, " sabi ko.

"Oo sige" sagot naman ni inggo habang inaabot saakin ang tinapay na binili ko.

"Wala naman pala kaming dapat ipag alala" ang sabi ko sa sarili ko.

Kaagad akong umuwi saamin at nagtimpla ng juice para saamin nila mommy, matapos naming kumain ay umakyat na ako para ibalita kay hazel ang sagot ni inggo.

"Wala pala diyan sila aling cinthia kaya si inggo ang nagbabantay ng bakery nila," ang sabi ko.

"Ganoon ba? kaya siguro hindi siya nakakapasok sayang naman," sagot ni hazel.

"Oo nga eh pero sana sa pasukan kaklase natin siya," Sagot ko sakaniya.

"Malabo mangyari yan! HAHAHAHA magkakaiba tayo ng strand na kukunin di'ba?" Sagot saakin ni hazel.

Everyone Leaves a markTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon