Betrayal

5 1 0
                                    

Its been a month since we break up, masyado pang maaga kaya hanggang ngayon nangangapa parin ako, pilit pa ring nag aadjust sa kung ano yung nag iba mula nung nawala tayo.

May mga bagay naman na akong nakasanayan, hindi ko na hinihintay yung goodmorning hanggang goodnight mo, nasasanay na rin ako na walang nag uupdate  sakin. Walang nangungumusta pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw.

Kumusta kana kaya? Nasa healing process ka din ba?

I look at the window at tulad ng kahapon maulan pa rin, nakakatawa nga na parang nakikisabay sa nararamdaman ko yung panahon.

Yea im still working on it, im still in the middle of the rain, pero I always tell myself na itong ulan na to, titila din to, unti unti tong magiging ambon hanggang sa tumigil na nang tuluyan at masasaksihan ko na yung bahaghari na simbolo na nalagpasan ko yung matinding bagyo.

Sa ngayon tiis na muna kasi balang araw maghihilom din itong sugat na dala nang nakaraan. Sugat na dadalhin kong memorya nang masaya at mapait nating karanasan.

Ill forgive but never forget kasi gusto ko icherish yung good memories natin together, kahit sa memories nalang siya mag stay okay na ako dun.

Its already 9 in the morning at wala naman akong class ngayon kaya naisipan ko nalang na pumunta sa malapit na coffee shop sa condo ko.

I want to refresh and get some coffee dahil bagay din naman sa maulan na panahon.

When I was on my way I saw a familiar red car, I smiled bitterly, hanggang dito ba naman ikaw parin maaalala ko.

I just ignored it at tuluyan nang pumasok sa shop, I ordered one hot espresso and a slice of black forest, then I sat beside the window, mesmerizing the view.

When I was about to sip my coffee the girl infront of me waves behind my back and out of curiosity I look at the direction on where she is waving at.

Suddenly I regretted that I turned around to see whom she was waving at, my hand began to tremble and my heartbeat quickened when I saw him.

Wala pa ring pinagbago yung kislap ng mga mata niya, yung ngiti niya na walang kasing tamis, yung mabango niyang presensya na kahit sa malayuan ay humahalimuyak.

Walang nagbago maliban na lamang sa mga dahilan nito. Yung mga kislap sa mata niya, yung mga halakhak at tawa niya, yung walang kasing tamis niyang ngiti, hindi na ako ang dahilan ng mga yun, yun ang nagbago. Meron na siyang bago.

My eyes became teary, gusto ko nalang biglang maglaho sa kinauupuan ko ngayon, Eto na yung oras na ikinatatakot ko, hindi yung makasalamuha ka, kundi yung makita kang may kasama ng iba.

"Hi babe!  Sorry natagalan, I just bought some flowers for you" bungad mo sakanya habang papaupo sa lamesa, you enjoy talking to her without even noticing me, it just a proof that im no longer your priority, hindi kana sakin naka focus, mukhang masaya ka na nga.

My heart aches so much to the point that i wanted to shout out loud but I cant.

It was just unfair..

It was so unfair..

How can you peacefully sleep at night while I was mourning and crying my eyes out due to so much pain you've caused me...

How can you smile that way  while I was begging myself to stop from crying...

How can you date someone when im still building up myself again after you destroy me..

Why are you being like this? why are you so unfair?

Lumabas na ako sapagkat hindi ko na kaya ang mga pangyayaring nasasaksihan ng dalawa kong mata, bawat ngiti sa iyong labi ay tila ba kutsilyo na unti unting bumabaon sa puso ko.

Am i selfish kung sasabihin ko na ayaw kitang makitang ganun kasaya?

Cause all this time ako naman yung parating nasasaktan pero ikaw pa rin yung unang nakahanap ng bagong kaligayahan, look how unfair it was?

Ill just be happy for you, ang sakit lang talaga..

I just feel betrayed, because while i was still on the healing process, youre opening a new door with someone else.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inventado por la mente traviesa (likha ng makulit na isip)Where stories live. Discover now