Kabanata 20

33.7K 1K 272
                                    

Kabanata 20


APAT NA TAON. Ganoon katagal nang hindi nagkukrus ang landas nina Teissa at Armani, at sa apat na taong iyon, unti-unting nahulog ang loob ni Teissa sa asawang si Andres kahit pa sa tawag niya lamang ito nakakausap at minsan lamang sa isang buwan ito pumupuslit sa kanyang silid upang tumabi sa kanya sa pagtulog.

There was never a day that Andres wouldn't call her to check up on her and see how she's doing. He kept himself updated even he's busy with his business ventures with his friends. Dahil din sa madalas na pagbanggit ni Andres sa pag-aasikaso nito ng negosyo ay naisip ni Teissa na negosyante ang kanyang asawa.

Well it's not hard to believe anyway. He's pretty much knowledgeable with a lot of stuff. Iyon ngang sa kasal nila ay nailusot nito kahit hindi sila harapang nanumpa sa isa't isa kaya hindi na nakakapagtaka para kay Teissa na matalinong tao ang napangasawa niya.

Binangga ni Meg ang kanyang balikat nang mapansin nitong may nakasilip na namang ngiti sa kanyang mga labi habang nagtitipa siya sa kanyang cellphone. 

Pauwi na sila galing ng university para ipasa ang mga huling requirements para sa kanilang pagtatapos at ibinalita niya iyon sa kanyang asawang nangakong magpapakita na rin sa wakas oras na maisuot niya na ang kanyang toga.

"Mukhang masaya na naman tayo, ah?"

She smiled wider. "Masaya lang ako na nairaos na natin ang kolehiyo."

Meg smirked. "Tutal pa-graduate na tayo, baka pwede mo nang ibunyag sa'kin kung jowa mo na ba 'yang Andres na palagi mong ka-text? Ilang beses na kitang nahuling nakangiti tuwing 'yan ang kausap mo kaya imposibleng walang namamagitan sa inyo."

She sighed. "Uhm, meron pero . . . kumplikado."

Lumawak ang ngisi nito. "Nag-sex na ba kayo?"

Uminit ang pisngi ni Teissa. "Huy!"

Tumawa ito. "Ano ka ba, wala namang dapat ikahiya! Ako nga at si Ranz pumupuslit pa kami minsan sa CR ng Arts Department!"

Lalong namula si Teissa dahil sa rebelasyon ng kaibigan. Yes, she's aware that her friends are dating but she didn't expect them to be this wild!

Iniangkla ni Meg ang braso sa kanya. "Kung wala ka pang karanasan at gusto mong ma-impress si Andres sa unang beses n'yo, manood ka na ng educational videos kung paano paliligayahin ang partner mo. Gulatin mo dapat sa first night ninyo!"

Nalukot ang noo ni Teissa. "Educational videos?"

Kumagat ito sa kinakain. "Porn videos syempre."

Nanlaki ang kanyang mga mata at bigla siyang napa-sign of the cross. "Ay Diyos ko kapag ako minulto ni lolo at ng mga magulang ko, Meg naku!"

Humagikgik ito. "Teissa, gano'n talaga. Basta, magsi-send ako sa'yo tapos panoorin mo kapag ready ka na. Hindi na tayo bata para hindi pa malaman ang mga ganitong bagay kaya huwag kang mahiya."

Luminga-linga siya sa paligid. "Huwag ka naman masyadong maingay. Nakakahiya."

"Fine, fine." Sumilip ito sa suot na mumurahing wrist watch. "Oh, sige i-send ko na lang mamaya, ha? Kita na lang tayo bukas sa chapel para sa mass."

Bumeso ito sa kanya saka na tumakbo para pumunta sa sakayan ng jeep. Siguradong makikipagkita pa ito sa nobyo kaya nagmamadaling umalis.

Teissa just sighed before she checked her phone again to see her husband's reply.

Andres: I'd love to see your graduation dress. Can you take photos for me later?

Napangiti siya saka muling nagreply.

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon