Kabanata 5

39.4K 1.5K 221
                                    

Kabanata 5

Itinaktak ni Teissa ang alkansya niya sa kama hanggang sa wala na itong laman. Armani just left to go back to Manila but she promised to buy herself a phone as soon as possible.

"Marami 'to pero ayaw mo bang magpabili na lang? Ang ate Tammy mo nga, eh palaging bago ang cellphone?" suhestyon ni Maia habang tinutulungan siyang bilangin ang ipon niya.

"Hindi na. May pera naman akong naitabi. Ito na lang. Babawas na lang ako rito," sagot niya.

Teissa grabbed some paper bills and started unfolding them so she could stack them. She hasn't touched her piggy bank for years. Halos araw-araw rin siyang naghuhulog doon dahil hindi naman siya magastos. Hindi ganoon kalaki ang baon niya dahil ayaw niyang humingi nang malaki, pero kahit na ganoon ay nagagawa pa rin niyang mag-ipon.

She's actually saving it to pay-off the money that Armani used to save Islaw. Ngunit mukhang kailangan niya munang kumurot ngayon para makabili siya kahit iyong hindi naman kamahalang cellphone.

"Kailan kaya babalik ulit si Clode?" tanong ni Maia sa kalagitnaan ng pagbibilang nila.

"Hindi ko alam pero narinig ko sila ni Alta kanina na may pinag-uusapang clubhouse. Parang sasali yata sila sa brotherhood at magtatayo ng sarili nilang bakasyunan."

Kumunot ang noo ni Maia. "Hindi pa ba sila masaya rito sa hacienda tuwing nagbabakasyon? Sayang naman kung hindi ko siya masisilayan palagi."

"Hindi ko naman sigurado, Maia. Saka itatayo pa lang naman yata 'yong clubhouse, eh." Dinampot niya ang natirang pera at ipinatong sa nakasalansan na. "three hundred sixty four thousand lahat. Magkano 'yong maganda pero mura-mura lang?"

Napakamot ng ulo si Maia. "Tinitipid mo na naman ang sarili mo, eh kaya mo na ngang bumili ng pinaka-latest na iPhone dito, eh."

"Maia, para sa utang ko 'to kay kuya Armani. Kukurot lang ako ng pambili ng cellphone at idedeposito na ang iba sa bangko."

Bumuntonghininga ito. "Tingnan na lang natin sa bayan kung ano 'yong maganda na mura lang. Mga magkano ang handa mong ilaan na budget?"

"Pwede na ba 'yong sampung libo?" tanong niya.

"Sige, pwede na 'yon pero magpasobra ka ng kaunti."

Tumango siya. "Magbibihis lang ako sandali tapos tara na. Ikaw nang bahalang pumili, ha? Alam mo naman hindi naman ako marunong tumingin."

Nag-thumbs up ito sa kanya. "Ako ang bahala."

Nagpasalamat si Teissa sa kaibigan bago siya namili ng isusuot. They then put the money in a bag and left her room.

"Tito Melchor?" tawag niya sa tiyuhin nang makasalubong ito sa hagdan.

"May lakad ka ba, 'nak?" tanong nito.

Sandali silang nagkatinginan ni Maia bago siya tumango. "Tito, pupunta lang po ako ng bayan kasama ni Maia. Bibili po sana ako ng cellphone."

Napakunot ng noo ang kanyang tiyo. "Cellphone? Gusto mo na ng cellphone? Akala ko ayaw mo ng gadgets dahil masisira ang mga mata mo?"

"Opo." Kinakabahan siyang ngumiti. "G-Gusto ko pong s-subukan na sana. Hindi ko naman po madalas gagamitin."

Tila may naisip ang tito Melchor niya. "Do you wanna start using phones because of what happened last night, sweetheart?" he asked in a fatherly tone.

Lumunok siya. "T-That's . . . one of the reasons, Tito."

Lumamlam ang mga mata nito. "I'm really sorry if I wasn't able to protect you, Teissa. Mabuti na lang at sumunod kaagad sa inyo si Armani. Kung may nangyaring masama sa'yo, baka makapatay ako."

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon