CHAPTER 1
AZIEL'S POV
"aziel!!!"
"kyaaaaahhhh!!"
"I love you,aziel!"
"gosh!you're so perfect!"
"my future husband!"
Ilan lang naman yan sa mga narinig kong hiyawan nang bumaba ako sa eroplano. Binalot na ata ang airport ng tilian at hiyawan ng mga fans ko. Wala naman akong ginawa kung hindi ang tumingin lang sa daan ko dahil wala naman akong pakialam kahit mahimatay pa sila sa kilig makita lang ako. Hindi na rin bago sakin ang mga sinasabi nila,kung baga nasanay na ako.
Pagkagaling airport ay nagstay kami ng personal assistant sa restaurant kung saan naghiyawan rin ang mga custumers. Pero dahil gusto ko ng katahimikan ay kinausap ko ang isa sa mga crew na patahimikin ang mga tao. Pero hindi sila paawat dahil nagbulungan pa sila na abot pa rin sa tenga ko kaya lumabas na kami. Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot ng airport para doon hintayin ang sundo naming nagkaroon pa ng aberya. At habang nasa daan,may nakabangga akong babae.
"ano ba!"sigaw ko na pinapagpagan ang coat ko
"ang lawak lawak kasi ng daan e!"sigaw rin niya habng patuloy sa pagpulot ng kung anong mga bitbit niya
At siya pa galit?!
"ikaw pa galit?!eh ikaw nga tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo!"singhal ko pa sa kanya,doon niya lang ako tiningala,nanlilisik ang mata.
Pinulot niya pa ang natira at tsaka tumayo na kala mo naman malaki pa sakin e abot hanggang dibdib lang naman.
"hoy,wag mo kong masigaw-sigawan hah"duro niya pa sa muka ko
"kilala mo ba kung sino ako?"maangas na tanong
"required ba na kilala dapat kita?"
"alam mo bang lahat ng kababaihan ay halos mahimatay na sa tili tapos sinisigawan mo lang ako?!"
"wala akong pakialam at wala akong pakialam!"sigaw niya na ikinagulat ko pa"pwede ba?nagmamadali ako kaya lumayas ka sa harap ko!"
Itinulak niya ako patabi sa gilid at naglakad papalayo. Nakangiwi pa akong sinundan siya ng tingin na pakembot-kembot sa daan.
Makasigaw sakin e hindi naman kagandahan ng mga babaeng nagkakandarapa makita lang ako!lakas din ng saltik e!
"s-sir,nandun na daw po ang sundo natin sa parking lot"singit ng personal assistant ko
Kaya nagpatuloy na lang kami sa paglakad papunta sa parking lot. At doon nga naghihintay ang van na susundo sa amin. Inihatid kami nito sa HYMUNE Entertainment kung saan naroon ang office ng manager ko at maging ang office ko. Nang pumasok kami ay puro batian ang naganap. Bati dito,bati dun hanggang sa marating namin ang office ng manager ko. Si Nimbus Cohen. Kilala siya sa tawag na Mr. Nim. Parang ikalawang tatay ko na rin siya dahil siya lagi ang nagdidisiplina sakin,nagpapaalala,gumagabay,dahil siya rin ang madalas kong kasama.
"Aziel"bati niya
Tumayo siya sa upuan niya pero sumalampak lang ako sa couch na nasa gilid ng table niya at harap ng TV.
"kamusta ang byahe niyo?"
"ang byahe sa eroplano ang okay,pero pagkababa ay masyadong maingay"