Chapter One - Friends
Natapos ang klase na napapasulyap lang ako sa kanya. Sa buong oras ng klase ay nakatutok s'ya sa harapan, kung hindi naman sa harapan ay sa notebook n'ya.
Ngayon ay isinusukbit ko na ang bag sa balikat ko para makakain na d'yan sa malapit na kinakainan kong karinderia. Binibigyan ako lagi ni Aling Elenita ng libreng sabaw kaya bumibili na lamang ako ng kanin. Mas tipid 'yon kaya nagpapasalamat ako kay Aling Elenita. Sinubukan ko na rin na mag-apply sa karinderia ngunit puno na ang mga empleyado n'ya at saka may lima s'yang anak na tumutulong din sa kanya.
Naging close ako kay Aling Elenita dahil lagi akong kumakain do'n ng hapunan kaya naging suki na din ako sa karinderia n'ya. Umoorder naman ako ng ulam paminsan-minsan kapag malaki-laki ang suweldo ko, at saka nakakahiya na lagi na lang akong kumukuha ng libreng sabaw. Close din ako maging sa anak n'yang babae na si Elena, dahil paminsan-minsan n'ya akong sinasabayan sa pagkain ng hapunan kaya ayun. Mabait din s'ya at nasa senior high school na.
Pagkababa ay agad akong pumunta sa locker para makuha ang long sleeves ko. Mamaya ko na lang siguro susuotin 'to pagkatapos kumain para 'di madumihan.
"Are you going home na?" napatalon ako ng kaunti dahil sa gulat. Napasulyap ako at kumabog muli ang dibdib ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?" malapit ko ng sapakin ang ulo ko. Anong klaseng tanong 'yon? Anong ginagawa mo dito?! S'yempre may mga locker dito ano pa ba, Ramuel?!
"Paalis na sana ako but I saw you that's why I'm asking if you're going home na kasi gustong kong sumabay sa'yo. If that's okay with you..." sabay ngiti n'ya sa akin ng napakatamis na s'yang mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Hindi din ako makatingin sa kanya ng diretso.
"H-Hindi pa. Kakain pa a-ako d'yan sa malapit na karinderia-"
"Oh? Can I join with you? I'm hungry na din eh," sabay himas sa t'yan n'ya at tumawa ng mahina.
Isinarado ko muna ang locker at nakuha ko naman na ang long sleeves. Pagka-lock ko ng locker ay agad n'yang kinuha ang braso ko at hinila.
"Let's go!" napatingin ako sa hawak-hawak n'yang braso ko at sa nakasulyap n'yang napakagandang mukha habang nakangiti.
Hanggang sa nahila n'ya na ako palabas ng campus.
Nagpalinga-linga s'ya at tumingin sa akin na s'yang 'di ko naman masuklian dahil hindi ko din alam. Kumakabog ang dibdib ko sa t'wing napapatingin s'ya sa akin. Malala na 'to, ayoko pa namang pumunta ng hospital para lang magpacheck-up at magastos.
"You lead the way, Ramuel," sabi n'ya ng may ngiti ulit. Ang hilig n'yang ngumiti, okay lang mas maganda naman talaga s'ya 'pag ngumingiti. At saka, tinawag n'ya ako sa pangalan ko...
"H-Ha? Sure ka bang do'n ka talaga kakain?" tanong ko. Baka kasi 'di s'ya sanay sa mga ganoong kainan at mas gugustuhin sa mga magagarang restaurant.
Tumango s'ya, "Of course! Hindi naman ako maarte, kaya let's go!" muli n'yang kinuha ang braso ko at pinilit na ilakad ang mga paa ko.
"S-Sige," sagot ko. Wala ka na bang matinong gagawin, Ramuel?! Lagi ka na lang nauutal.
Nauna akong maglakad pero kalaunan ay sumabay s'ya sa akin.
"Are you going home after eating dinner?" bigla n'yang tanong.
Sumulyap ako at muling ibinalik ang tingin sa dinaraanan, "Hindi pa. M-May pupuntahan pa ako."
"You're always stuttering, are you okay?" pigil n'ya sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
'Di ko s'ya matignan ng diretso sa mata at iniwas ang tingin.
BINABASA MO ANG
Butterfly Kisses
Teen FictionButterfly is my sign of hope, yet, it became my sign of hopelessness. Started: October 13, 2021 Finished: