Chapter Two

108K 2.9K 940
                                    

"Rius... kailan ka ulit aalis?" I asked while playing with his soft hair.

Pirius moaned and hugged me tighter. I just giggled when he suddenly nuzzled on my neck. Naramdaman ko pang inamoy amoy n'ya 'yon saka hinahalik-halikan.

"Hindi ko pa natitingnan. For now, let's just spend time together," he muttered as his hand went on my boob and gently squeezed it.

I faced him and pouted. Pirius distanced his face on my neck and stared at me. Bahagyang natawa na lang siya saka dinampian ng halik ang nakanguso kong labi habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. Hindi pala kami nakapagbihis pareho pagkatapos ng buong gabi naming pagse-sex.

We missed each other so much kaya nilubos talaga namin nang todo. Palagi kasi siyang naalis dahil sa trabaho n'ya. May mga pagkakataon pa na ilang buwan siyang wala rito. Kaya pag nandito siya nilulubos talaga namin nang sobra.

"But I still have to work pa rin. Okay lang ba sa 'yo na mag-wait? And, oh, diba need mo pa ring asikasuhin ang ASC?" tanong ko pa.

"I can take care of it later. I want to spend time with you. Kahit panoorin na lang kita habang nagtatrabaho ka," anas n'ya saka dinampian ng halik ang pisngi ko habang hinahawak-hawakan pa rin ang boobs ko... Walang hiya talaga.

"Sabi mo 'yan, ah. But if you want, pwede naman dalhin mo na lang din papers mo sa office ko and doon mo na lang din gawin. If you're just gonna stare at me, we'll just end up making love again." My eyes narrowed.

Pirius let out a sexy chuckle and caressed my hair gently. "Well, you're not wrong... But okay, I'll just bring some of my paper works at your office. Mas maganda kung maaga kang matatapos para makapag-date pa tayo." Kinuha n'ya ang kamay ko saka marahang dinampian ng halik 'yon.

Agad na kaming kumilos. We took a shower first and of course we had a quickie. After that I wore one of my design, a cream-colored satin puff sleeve belted blazer dress and I paired it with beige pumps. Si Pirius naman ay white shirt at pants lang ang isinuot na paborito n'yang style kapag simpleng lakad lang ang pinupuntahan.

Kung gaano ako ka-fashionista, ganoon naman kasimple manamit si Pirius. Pero gwapo pa rin naman siya sa paningin ko kahit na ano pang isuot n'ya... lalo na kung wala siyang damit.

"How's my outfit for today, Rius? I designed it myself," sabi ko saka rumampa pa sa harapan n'ya.

Pirius held his chin while staring at me. "It looks really good on you, wife. You're always improving in your field... and I love that you really look confident wearing that... as you should, because it's beautiful and you're the one who created it," he said then smiled at me.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka umupo sa kandungan n'ya. Palagi naman n'ya akong pinupuri sa halos sampung taon naming magkarelasyon pero ganoon pa rin ang epekto n'ya sa 'kin. Palagi n'ya pa rin akong napapakilig. Isa pa sa minahal ko sa kan'ya ay ang buong pagsuporta n'ya sa bagay na nagpapasaya sa akin. He's always supportive, he's always lifting my spiris, and he's one of the reasons why I'm so confident with myself and my creations. He's happy when I'm happy and I love him so much because of that.

"Pirius, bili na lang tayo ng food sa labas, ha? Mamayang gabi na lang ako babawi. Ipagluluto kita ng dinner." I hugged his nape.

He smiled at me and gave me a soft kiss on my forehead. "It's alright. Wala na rin namang time para magluto ka ng breakfast... Let's go na?" he asked and stared at me.

"Let's go!"

Agad na kaming umalis ng mansyon. Pinaalala ko pa sa kan'ya na dalhin ang laptop n'ya dahil nakalimutan n'ya. Malilimutin talaga si Pirius kaya madalas kong pinapaalala sa kan'ya ang mga need n'ya dalhin o gawin kung minsan... Sa totoo lang marami talagang hindi nagagawa si Pirius kapag wala ako sa tabi n'ya. Minsan para na 'kong nanay n'ya.

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon