I don't want to overthink. Pilit ko na lang iniisip na baka si Cad ang nagsisinungaling. Si Pirius ang nakasama ko nang matagal, si Pirius ang nakasama ko halos buong buhay ko. Sa kan'ya dapat ako magtiwala. Hindi ganoong kababaw ang pagmamahal ko sa kan'ya.
"Pirius... anong oras ka uuwi?"
I hugged my pillow while staring at him. Nagsusuot siya ng damit, simpleng t-shirt lang at pants. Tumingin siya sa akin saka hinawi ang buhok n'ya. Bahagya siyang ngumiti saka nagsuot ng sapatos.
"Maybe 1 or 2 am," tipid na sagot n'ya saka tumingin sa salamin at inayos ang buhok n'ya.
Sa trabaho lang naman siya pupunta? Bakit masyado naman yata siyang nag-aayos? Hindi naman siya gan'yan dati, palagi siyang walang pakialam sa hitsura n'ya.
I just shook my head and gently slapped my face. Here I go again, overthinking about these trivial things again. Kung nababasa lang ni Pirius ang mga iniisip ko, siguradong madi-disappoint siya sa akin. I know he trusts me so much, I should do the same. Sa kan'ya ako dapat mas magtiwala dahil siya ang nakasama ko nang matagal... at alam kong kilalang kilala ko siya.
"I'll wait for you, Rius. Two hours mahigit ka lang pala aalis, e. Gusto kong makipagkwentuhan sa 'yo," mahinang usal ko saka mas hinigpitan ang yakap sa unan ko.
Pirius sighed and looked at me again. "Don't wait for me. Siguradong pagod din naman ako pag-uwi ko. Magpahinga ka na rin, may bukas pa naman," sabi na lang n'ya.
He was about to go out of our room but I immediately called him... "Pirius!"
"Hmm?" he asked and looked at me.
"Let's have a date tomorrow. I missed you so much. Mag-bonding tayo bukas, hmm?"
Hindi kaagad siya nakasagot. Pero tumango na lang din siya at tipid na ngumiti. "Okay. I'll go ahead now. Matulog ka na."
Pagkasabi n'ya no'n ay agad siyang lumabas ng silid namin. Ni hindi siya yumakap o humalik sa akin... ni wala man lang 'I love you'.
I just took a deep breath and shook my head. Maybe he's just really tired. Kagagaling n'ya lang sa trabaho tapos magtatrabaho na naman siya. Kung minsan gano'n naman talaga siya, nawawala rin sa mood.
Yes, Faith. Convince yourself more.
I just sighed and shook my head. I laid my back on the soft bed and stared at the ceiling. Alam kong hindi rin naman ako makakatulog kakaisip ng kung ano-ano, hihintayin ko na lang si Pirius. It's 11 pm right now, within 2-3 hours, uuwi na rin siya. May mga designs pa rin naman ako na kailangang ayusin.
I stood up and immediately took my sketch pad. Nagtungo ako saglit sa kusina para magtimpla ng kape saka agad ding bumalik sa kwarto. Umupo ako sa couch saka nagsimulang mag-isip ng susunod na design.
Sinubukan kong mag-focus sa ginagawa ko pero hindi ko mapigilang hindi isipin si Rius. Pakiramdam ko gusto ko na kaagad na lumipas ang dalawa hanggang tatlong oras para makauwi na siya... Kahit hindi na kami magkwentuhan, gusto ko lang siya yakapin. Pakiramdam ko matatahimik nang kaunti ang isip ko kapag nayakap ko man lang siya.
"Focus, Mary Faith," I muttered and tried to focus on my design again.
Inabot na nga ako ng ilang oras sa design na ginagawa ko pero palagi ko lang inuulit. These past few weeks, I'm always not satisfied with my works. Parang palaging may kulang sa mga ginagawa ko. Hindi naman ako ganito noon. Oo nga at dumadaan ako sa phase na hindi ako inspired gumawa ng design, pero nalalagpasan ko rin agad 'yon. Hindi umaabot ng ilang buwan.
Malaki talaga ang epekto sa akin ni Pirius. Kayang kaya n'ya akong i-angat, pero kayang kaya n'ya rin akong ibaba... Noong sinabi ko na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya, alam ko sa sarili ko na totoo 'yon... Hindi ko kayang mabuhay nang masaya kung mawawala sa akin si Pirius. Yes, I will continue to live, literally. But I know I won't be able to live with happiness and with purpose without him.
BINABASA MO ANG
Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)
Romance(COMPLETED) Mary Faith Relleve and Pirius Alfero have been in a relationship for years. They knew each other's pasts and secrets. They truly love each other despite their dark pasts and helped each other grow and heal. Everything about their relatio...