PROLOGUE

0 0 0
                                    


"Tatawagan mo ba siya?"

Katatapos namin mag rounds at habang nag fi-fill up ako ng charts ng mga pasyente, biglang sumulpot si Nathaniel sa tabi ko at kanina pa ako kinukulit at tinatanong ng kung ano ano.

"No. Why would I?" dedma kong sagot habang nagta-type pa din.

"Sige naaa, tour him around New Jersey tapos mag New York na din kayo." pagpilit niya sa akin.

Tinigil ko pagta-type ko para tumingin sa kanya at sabay sabing, "Hindi siya turista Nat. Busy ako."

Tapos nagpuppy eyes amp.

"Huwag mo nga akong ginaganyan, kung gusto mo talagang may mag tour sa kanya, edi ikaw nalang makipagkita dun." Inis na sabi ko sa kanya at bumalik sa pagfi-fill up.

"I did," sagot niya.

Bigla akong natigilan sa ginagawa ko at napatingin agad sa kanya, tapos umiwas siya agad ng tingin. Nagkita na sila? Bakit hindi ko alam? Okay na pala sila?

"Nag usap kami tapos simpleng dinner at inuman lang sa resto kagabi," tuloy niyang sabi.

"Cool," pa-simple kong sabi.

Pero sa totoo lang, ang dami kong gustong itanong. Ano pinagusapan niyo? Kamusta na siya? Is he in business still? Ano na ganap sa buhay niya? Did he mention me? Is he married?

Curious lang naman, hindi for personal gain.

"All I'm saying is, we're not young anymore Ambs. I'm not forcing you, pero if you decide to talk to him, he's currently staying at Teaneck Marriott at Glenpointe. Aalis na siya bukas ng gabi," sabi niya at umalis na dahil may nag-page sa kanya.

If he is staying at a luxurious hotel like that, ibig sabihin, natupad na niya mga pangarap niya.

Huminga ako ng malalim at tinapos na yung mga charts, pagkatapos ay umuwi na ako dahil tapos na ang shift ko. I've been here since 4 in the morning, I need a nap, I can't think straight right now.

Habang nagda-drive ako ay napapaisip tuloy ako, matagal ko na siyang hindi nakita.

I didn't even realize, nasa tapat na ako ng Teaneck Marriott Hotel. I parked across the street and did some thinking. Ang dami kong tanong sa kanya, I want to hear his side of the story, but I never bothered to contact him after we broke up kasi who in the right mind would?

A part of me wanted him to show up at the hotel's entrance so I can catch a glimpse of him and what he looks like now.

It's stupid. What am I even doing here.

Huminga nalang ako ng malalim and decided to get dinner, go home, and sleep.

Habang nagpa-parallel park ako para sana bumili ng take-out food. Hindi ko namalayan na nabangga ko na ang nasa harapan ko kakaisip sa ng kung ano-ano.

I got out para tignan yung damage habang minimura ko ang sarili dahil sa katangahan, "Fucking shit Amber, what is wrong with you, don't get fucking distracted just because that stupid moron is-

"Here?"

Kinabahan ako sa boses na narinig ko, kaya agad agad akong pumasok ulit ng kotse ko. Alam na alam ko yung boses na yun. Hinigpitan ko ang hawak ko sa manibela, feeling ko inaatake ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok.

Shit. Bakit ngayon pa kung kailan ang haggard at pangit ko, baka isipin niya hindi pa ako nakapag move on.

May kumatok bigla sa bintana ko kaya tinago ko ang mukha ko sa manibela. I was hearing muffled noises of his voice and somewhere in the lines of "Garcia, get out of the car."

Worth Falling ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon