Airishuu
(Irish Paoline Jurinario)
Nagbunga iyon sa isang joke.
Isang joke na pinanghugutan ko for almost seven years up till now. Dahil sa joke na 'yon narealize kong espesyal na pala ang nararamdaman ko sa kanya.
"Cyan hindi ka ba aattend sa kasal ni Jara?"
"Ma. Napag-usapan na natin 'to. May business proposal ako sa araw na iyon. Hindi ako makakapunta."
"Okay. Chill. Nagtatanong lang naman, anak. Ang init agad ng ulo mo."
"Tss."
We were on the same year pero magkaibang section. Napansin ko lang siya noong 3rd year na kami ng highschool. Nag-iiba kasi ang sections every year at naging magkaklase kami.
I don't know what it was that pulled us together pero noong magtama ang mga mata naming dalawa, ewan ko, pero parang may pumitik dito sa puso ko.
"Did you just fall for me?" pabiro kong sabi nang magtitigan kami ng matagal for the first time.
"Don't be conceited, dumbass!" sabi niya na medyo namumula ang pisngi.
That was our first conversation. Kami ang numero uno pagdating sa kulitan sa classroom. Kahit adviser namin ay pinapagalitan kami. Palaging maingay, palaging nagsisigawan, palaging nagbabangayan. Ganyan kami noon ni Jara.
"Dude kung pipili ka ng magiging asawa mo sa mga classmates natin, sinong pipiliin mo?"
"'Wag mo akong idamay sa kabulastugan mo Jet. Matino ako."
"Come on. Wala namang masama. Bakit sinabi ko bang magpropose ka sa isa sa kanila? Hindi naman ah."
Napahinga ako ng malalim noon. Ang totoo niyan isa lang naman ang nasa isip ko noong mga oras na 'yon. Sino pa nga ba? Wala naman akong ibang ka-close na babae kong kaklase kung hindi siya lang.
"Okay. Hmm..." nagkunwari akong nag-iisip. "Then I'll pick.."
"Pick me! Pick me!" napalingon ako kay Jara na kakapasok lang ng classroom at nakataas ang kamay na akala mo'y nagsasabi ng 'present' sa teacher.
"Pick you?" buong pagtatakang tanong ko.
"For your wife!" she blurted out suddenly at tiningnan kami ng mga classmates namin.
"Huh?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Joke lang!" Tapos tumawa silang lahat at ako naiwang nakaawang ang bibig. Hindi ako sigurado kung magugulat ako o madidismaya sa sinabi niya. Pero masakit ang dalang salitang binitiwan niya. Joke lang...
Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat noon kay Jara. Time stole my opportunity. Mabilis na dumaan ang mga araw ng kulitan at bangayan namin.
I promised myself that I would take three steps forward, but instead I keep falling two steps behind. Hindi ko namalayang graduation na pala.
Nag-iba ang mga landas namin. Nag-aral ako ng Business Management gaya ng gusto ng mga magulang ko. Isinubsob ko ang sarili sa pag-aaral, hoping na kapag maging successful ako, I'll be rewarded and maybe God would let me meet her again.
But I was wrong. Instead, winasak ng balitang natanggap ko ang pag-asang 'yon. It was a year ago nang matanggap ko ang wedding invitation ni Jara at ng magiging asawa niya. Kakagraduate ko lang noon at maswerteng nakahanap agad ako ng trabaho.
Hindi ako umattend ng kasal. Sabi nila parang reunion daw iyon dahil nandoon lahat ng classmates namin noong highschool. Ako lang daw ang kulang.
Paano naman ako pupunta roon? Hindi ko siya kayang makitang nakasuot ng wedding gown para sa ibang lalaki. Ayoko kong tingnan. Hindi ko kayang tanggapin
"Alam mo na bang divorce na ang CEO natin at ang asawa niya?"
"You're kidding?"
"Hindi ba't two months ago pa 'yan?"
"E bakit daw?"
"Nasakal ata ang asawa niya. Sobrang higpit kasi ni sir. Palaging binabantayan ang asawa. Kahit daw mag-mall lang e hindi pa pinapayagan kapag hindi siya kasama. Maganda kasi. Natatakot yata nab aka may umagaw."
Another romance ended in a tragedy, naibulong ko na lang sa sarili nang marinig ang mga officemates kong nagchichismisan.
Lunch time.
Pumanhik muna ako sa ground floor para kumain. Nag-order ako ng usual meal ko at pumili ng mauupuan. Didiretso na sana ako sa bakanteng table nang may mahagilap ang mata ko sa dulong parte ng restaurant. Doon sa pinakasulok ay nakaupo si..
Jara? Tanong ko sa sarili.
Kinusot ko ang mga mata ko at baka namamalikmata lang ako. Pero hindi. Si Jara nga talaga iyon.
Tahimik akong umupo sa bakanteng table na nasa likod nila. May kasama kasi siya, babae, officemate ko rin pero hindi ko nga lang kilala. Nakatalikod sa akin ngayon si Jara.
"Napagod na ako kakaintindi Carms. Sawa na ako kaya ako nakipag-divorce. Nilalagyan niya ako ng kadena sa leeg e."
"Calm down, okay? It was two months ago. Wala na 'yon. Ano na nga ba ang plano mo ngayon?"
"I don't know. Maybe find another man?"
"Hindi mo na ba nakita ang sinasabi mong first love mo noon? 'Yong sinabi mong classmate mo?"
"Ha! Ni hindi nga siya lumitaw noong kasal ko. Lahat ng kaklase naming nandoon, siya lang ang wala." Muntik ko ng mailuwa ang stake na kinakain ko. Tama ba 'tong naririnig ko? First love niya? Sino? Ako?!
"Kung bibigyan kita ng pagkakataong pumili ngayon. Who would you pick? Si Edward? Si Jacob? Si Augustus? You know naman na may gusto iyong tatlong 'yon sa 'yo, 'di ba?"
"Hmmm..Siguro si—"
"Pick me!" naibuga ni Jara ang iniinom niyang juice ng lumingon siya at nakita ang mukha ko.
"C-Cyan?! What are you doing here?!"
"Pick me Jara."
Kumunot ang noo niya pero hindi maipagkakaila ang pamumula ng kanyang mga tainga. "Pick you for what?"
I gathered all my guts at humingang malalim. Ito ang continuation ng love story namin. Ayokong palampasin 'to.
"..for your husband."
Jara smiled.
fin
BINABASA MO ANG
Pick Me! | ✔
RomanceLife doesn't always give you second chances, so take the first one. __ Tagalog ▪ English Published 2014