SA GITNA ng luntiang kagubatan, kung saan ang mga puno ay nagtataasan at ang mga sanga ay naglalakihang nagkakabit-kabit, naroon ang isang bata na nagngangalang Eretria. Ang kanyang kagandahan ay tulad ng pamumulaklak ng mga bulaklak sa tagsibol, ang kanyang mga mata ay kumikinang na parang dalawang bituin sa kalangitan. Ngunit ang kanyang ngiti ay naglaho nang siya ay naligaw sa kagubatan, bunga ng isang larong ginawa nila ng kanyang matalik na kaibigan.
Si Wross, ang matalik niyang kaibigan. Ang kanyang mga mata ay palaging sumusunod sa kaibigan, at ang kanyang puso ay nagwawala sa tuwing nakikita niya ang ngiti nito. Nang hindi nakabalik ang kababata pagkatapos ng ilang minuto, nagsimula siyang maghanap. Ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala at pag-asa, at ang kanyang mga paa ay nagmamadaling tumakbo sa kagubatan.
Sinuri nila ang bawat sulok ng kagubatan, ngunit wala silang makitang bakas ni Eretria. Ang araw ay papalubog na, at ang dilim ay nagsimulang mag-abot sa kagubatan. Ang pag-asa ng binatilyo ay unti-unting nawawala, at ang kanyang puso ay nagsimulang mabalot ng takot.
Samantala, si Eretria ay patuloy sa pagtakbo, ang kanyang dating kulay puting bistida ay nabahiran ng putik at dugo mula sa kanyang pagkadapa sa mga ugat ng kagubatan. Ang bawat hakbang ay puno ng takot at pangamba. Sa gitna nito, natagpuan niya ang isang maliit na kubo na nakatago sa pagitan ng mga puno. Ang kubo ay tila luma at misteryoso, isang kanlungan mula sa mga panganib ng dilim.
Pagpasok niya sa loob, ang kanyang mga mata ay nahulog sa isang maningning na bulaklak. Ang mga kulay nito ay tila nagniningning sa dilim, parang bituin na nahulog mula sa langit. Ang kagandahan ng bulaklak ay nagbigay sa kanya ng pag-asa, kaya't nilapitan niya ito at hinawakan. Ngunit sa sandaling mahawakan niya ito, nagdulot ito ng matinding liwanag at ingay.
Dahil sa labis na pagkabigla at pagod, ang bata ay nawalan ng malay. Nagising siya dahil sa hindi mawaring binibigkas ng isang bulong, nang nasanay na ang kanyang mata sa dilim nakita niya ang isang anino na papalayo ngunit ang bulong ay mas lumalakas. Dahil dito tumaas ang kanyang balahibo sa takot. Ngunit bago pa siya makasigaw at makatakbo, ang paligid ay biglang nandilim, at nagising na lamang siya sa kanyang silid.
Sa kanyang harapan, nakita niya ang punong-puno ng pag-aalalang mukha ng kanyang mga magulang at ng kanyang kababatang kaibigan. Ang kanyang puso ay pumipintig nang mabilis, at ang mga tanong ay nag-uumapaw sa kanyang isipan. Ang lahat ay parang isang masamang panaginip, ngunit ang sakit at benda sa kanyang katawan ay nagpapaalala sa kanya ng katotohanan.
Ang kubo, ang bulaklak, at ang aninong bumubulong—lahat ng ito ay tila isang misteryo na kailangan niyang lutasin. Ano ang nangyari sa kanya sa kagubatan? Bakit tila mayroon siyang hindi natapos na kwento na nagkukulong sa kanyang isipan? Sa kabila ng lahat, nagpasya siyang hanapin ang mga sagot sa mga katanungang hindi mapapawi.

BINABASA MO ANG
WHISPERS IN THE WILD
PertualanganTATlong araw pagkatapos ng ikalabing walong taong kaarawan ni Eretria ay dumating sa kanilang baryo ang isang misterysong lalaki. Mula noon ay sunod sunod na ang mga pangyayaring nagpapatotoo na malapit nang maganap ang prediksiyon ng yumaong abuela...