Chapter 1- The Past

1.1K 22 19
                                    

CHAPTER 1

''SHIN!'' sigaw ng bestfriend ko, si Angelo Anderson na humihingal na tumatakbo papalapit sakin.

'' CONFIRMED! May bagong season sa favorite anime natin!'' sabi niya.

Si Angelo ay mahilig sa anime, pareho kami. Parang otaku na kami, pero hindi ganun ka hardcore na obsessed. Ang ka-ibahan samin sa mga obsessed otaku, alam namin ang limitation. Marunong kaming makipag-socialize.

At ang kaibahan naming ni Angelo ay siya ay anime lover lang, ako part time anime lover, at part time cosplayer. Sikat ako, sure na sure yun. Akalain mo? Kasali ako sa TOP 10 COSPLAYER IN MALE CATEGORY sa Pilipinas? O diba? Sure na yun.

'' Ah!!! Ang HOT talaga ni Shin Mizawa! Crush na crush ko siya! Aww,'' '' MARRY ME!'' ''I LOVE YOU SHIN!'' sigaw ng mga babae sakin nung nag co cosplay ako. But, I ain't famous for just like that.

I'm not satisfied with just only 1 career. Versatile kaya ako. I'm good at sports, I'm good at academics, and some singing, dance, sketching, and etc. But my favorite of all is cosplaying, that's my real masterpiece, and guess what. I chose the right thing. Ang pagiging cosplayer ang nag bago sa buhay ko.

Friday night, nag log in ako sa Facebook. Tinignan ko yung chart sa mga TOP COSPLAYER last month, kasali ako sa male category sa TOP 10. 2nd place parin but I'm still satisfied of 2nd.

So while surfing, na-isipan kong tignan ang mga top sa mga girls. Maraming mga maganda, ''Beautiful! Hmm... let's see. Maganda to lahat pero hindi ko type.. hmm.. Top 5, uh- uh. Top 4, Top 3, Top 2, WOAAH! TOP 1 sure is have the beauty. Ganda nito ah.'' Yan yung nasabi ko. Tulala ako.

Ashley Connors. Ang TOP 1 sa female category. Maganda siya, mayaman, matalino sa paningin ko. At maganda ang loob.

Pero may anxious feeling ako eh, parang nakita ko na siya noon? Parang nagkakilala kami noon pa? Parang ganun eh. Di ko maintindihan.

May halong kaba, may halong natatawa, may halong nasasaktan. Di ko alam. Sabi ko sa sarili ko guni-guni ko lang yun. Yun lang ang nasagot ko sa sarili ko.

Para bang ako na ang nagbibigay sagot sa mga katanungan ko. Pero bahala na nga. Maya maya lang, may pumasok sa pintuan ko na hindi ko namamalayan, at hinawakan niya ako sa balikat ko at sumigaw '' BRO! ''

Ang ate ko pala. Si Jhane Mizawa, college na siya ngayon. Sophomore student, since ako 1st year college pa, medjo ma alaga-in siya sakin at sa bunso naming kapatid na babae.

Si Mizuki Mizawa. May pagka Loli type siya kung anime. Medjo loving, at caring na kapatid. Tawag niya sakin at kay Ate '' Onii-chan at Onee-san '' . Kasi yan ang tawag sa Japan sa Kuya at Ate. Dahil Half Japanese kami, marunong kaming mag Japanese.

Ang Father rin naming writer at animator na si Kazuto Mizawa ang nagturo samin mas mag Japanese kasi dito na kami lumaki sa Pilipinas. 5 years old pa lang kami, lumipat na sa Pilipinas.

At ang nagturo samin mag tagalog ang Mom namin na si Hina Mizawa na isang CEO sa isang publishing company .na nakatira sa Pilipinas noon.

'' So girlfriend mo na yan no? Shin? Umamin ka! '' sabi ni Ate na may teasing face. '' Kaasar ka ate. G inulat mo pa ako at nang-huhusga ka na agad. TOP 1 lang to sa GIRLS CATEGORY ng mga cosplayer. It's not like I like her or anything right? '' sagot ko sa kanya.

At maya-maya lang, biglang tumahimik si Ate. Nagtataka ako kung bakit, wala naman akong na sabing masama o nagawa. '' Ate? Are you alright? Hmm?'' ''Yeah! I'm fine hahaha! '' sagot niya ng may nerbyosong boses. '' Oh right, baba muna ako. At kakain na pala, tara! '' '' Sige susunod lang ako. '' sagot ko. At pag-baba ko nakita kong nag-uusap sina Mama at si Ate. Pero tahimik. Sobrang taka ko kung bakit.

''What's up Mom? Ate? '' tanong ko. '' Wala ! Nag-uusap lang kami sa grades ng Ate mo. '' sagot ni Mama. '' Ah. Ok.'' Sagot ko. Pero nag tataka parin ako eh. Parang may mali. Parang may nangyari . Di ko alam. Ang gulo..

Love Through Internet (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon