CHAPTER 54

107 19 8
                                    


"Mahal..." bulong ng kung sino mula sa likuran ko. Naramdaman kong may pumulupot na mga kamay sa bewang ko. May yumakap sakin mula sa likuran ko at nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Napapikit ako nang halikan niya ko sa pisngi at agad din akong napadilat nang marealize ko kung bakit ako nasa kama ngayon.




Napabalikwas ako ng bangon. "What the fuck?!" agad kong sigaw at niyakap ko agad ang sarili ko. Kinuha ko ang makapal na kumot at binalot ko ito sa katawan ko. Kinapa ko ang sarili ko kung may suot paba ko at mabuti nalang ganoon pa rin ang suot ko. "Xyke?!" bulalas ko at natatawa naman siya. "Anong nakakatawa?!" naiiritang sabi ko. "Bakit..." nilibot ko ang tingin ko at pansin kong hindi ko 'to condo! Condo 'to ni Xyke! "Bakit mo ko dinala dito? Anong ginawa mo?" kinakabahang tanong ko kahit alam ko namang hindi niya kayang gawin sakin 'yun.




"Bigla ka nalang umalis nung sinabi mo na-"




"Okay! I remember that! Ano na bang nangyari pagkatapos nun?" I asked. Tinanggal ko na ang kumot na nakapulupot sa katawan ko.




"Sinundan ka namin ni Kelvin, nagulat kami nung nahimatay ka. Kaya dinala kita dito..." he explained.




"Ha? Pwede namang si Kelvin nalang kasi... magkatapat lang naman 'yung condo unit namin." I said.




"Ayun sana ang sasabihin ko sa kanya kaso sabi niya ako nalang daw... tsaka sabi niya dalhin nalang daw kita sa condo ko..." mukhang alam ko na kung bakit ako binubugaw ni Kelvin.




"O-Okay..." nauutal na sabi ko at nilibot ko ulit ang tingin ko sa kwarto niya.




"What do you want to eat? I'll cook." aniya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa ko makapaniwala sa sinabi niya. Siya magluluto?




"You already know how to cook?"




He nodded while smiling. "Yeah, simula noong nawala sila Dad... tinuruan ko na ang sarili ko sa lahat ng bagay..." ngumiti siya na halata namang pilit. "Eina? I'm sorry dun sa ginawa ni Leana... she said... titigilan na niya ko pero hindi ko akalaing gaganunin ka niya-"




"It's okay, Xy. Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan kung maraming nagkakagusto sayo." bahagya akong tumawa at napangisi naman siya. Bigla ko tuloy naalala 'yung sinabi ko kanina! Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yun... pero nung sinabi kong akin lang siya... akin lang dapat siya...

Operation: Break The Rules (ECPU Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon