CHAPTER 37

101 19 1
                                    


"Xy..." pag-gising ko sa kanya at marahang hinaplos ang buhok niya. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at natutulog siya ngayon sa lap ko. Unti unti niyang minulat ang kayumanggi niyang mata at bahagyang ngumiti. Niyakap niya ang bewang ko at marahang hinalikan ang kamay ko.




"Dito muna ko..." he murmured like a baby. I smiled and ruffled his hair. "I don't wanna go home..." pabulong sabi niya at mas hinigpitan ang kapit niya sa aking bewang. "I... just wanna run away with you..." nagulat ako nang maramdaman ko muli ang luha niya na pumatak sa kamay ko dahil hawak niya ito at nakalagay rin ito sa pisngi niya. Hindi pa rin niya sinasabi kung bakit siya merong pasa sa gilid ng labi niya pero sa tuwing pinipilit ko siyang sabihin sakin ang dahilan, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil nahihirapan siyang sabihin sakin ang totoo. Para bang kapag sinabi niya sakin ang dahilan, parang sa tingin niya ay iiwan ko siya na kailanman hindi ko gagawin.




"Xy... anong problema?" mahinang tanong ko pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Alam kong karamihan sa mga lalaki ay hindi nila pinapakita ang kahinaan nila sa iba o hindi sila umiiyak sa harapan ng iba pero iba si Xyke. Kapag kasama niya ko, lahat ng emosyon niya ay nailalabas niya sakin. To be honest, Xyke has a lot of flaws. But I love everything about him, including his flaws. I love his flaws, especially him.




"I'm sorry..." usal niya na ipinagtaka ko. "I promise to you... na dapat tuwing makakasama mo ako... dapat saya lang ang mararamdaman mo... hindi lungkot," he said. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya pero hinawakan niya ang kamay ko. "I should be the one wiping your tears..." I smiled weakly.




"Xy, ano ka ba naman? Hindi naman pwedeng puro saya nalang ang mararamdaman natin... syempre may kasama ring lungkot... and it's okay to be lonely because I'm here to listen to you, to comfort you..." I sincerely said. Naiinis ako. Naiinis ako dahil simula nang mahalin ako ni Xyke, ako nalang palagi ang iniisip niya. Hindi na niya naiisip ang sarili niya. Kapag gusto ko, gusto na rin niya. Kapag hilig ko, hilig na rin niya. Kapag kakampi ko, kakampi na rin niya. Kapag kaaway ko, kaaway na rin niya. Para bang sakin nalang umiikot ang mundo niya. Gusto kong mahalin din ni Xyke ang sarili niya. Ayokong siya nalang parati ang nagpapasaya sakin, nagpapangiti. Gusto kong maramdaman ni Xyke na mahal ko siya... na kahit hindi ko sabihin sa kanya... atleast nararamdaman niya.




Tumingala siya sakin para makita ang mukha ko. Marahan siyang ngumiti at hinawakan ang mukha ko. "Kung hindi ikaw ang makakasama ko habang buhay... bakit? Bakit hindi ikaw?" aniya na nagpatulo ng luha ko. His words. Mga salita niya na nagpapaluha sakin. "Loves... tignan mo ko," at sinunod ko ang sinabi niya. "Promise me... na kahit paghiwalayin tayo... hindi mo gagawin ha? Wag mo kong sukuan ha? Na kahit ayaw sa atin ng buong mundo... hindi mo ako iiwan... promise me, loves." naguluhan ako sa sinabi niya. Para kasing may iba siyang ibig sabihin.




"Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?" naguguluhang tanong ko.

Operation: Break The Rules (ECPU Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon