PROLOGUE

9 2 0
                                    


May mga taong bigla bigla na lang talagang dumadating sa buhay natin.

May mga taong bigla na lang natin makikilala at magkakaroon ng malaking parte sa buhay natin.

Pero paano kung sa kanila mo maramdaman na hindi mo pa pala ganun kakilala ang sarili mo? Handa ka bang harapin ang pagbabago, o tatakbuhan mo na lang ito.

It's all started with one accident.
Then suddenly, I'm a Heiress.




MARILEIGH'S POV

"SO ANO na nga, bes? Did you confess to him already?" I sighed when Ark asked me again. Kanina pa sya kulit ng kulit tungkol sa plano naming confession na sinabi ko sa kanyang nagugustuhan ko.

Ayaw ko talagang ituloy ang napagplanuhan namin dahil katangahan ang umamin sa taong hindi naman ako kilala.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break time. 2 hours break ang binibigay sa mga empleyado ng company kung saan ako nagtatrabaho. Mas pinili naming tumambay sa cafeteria kesa sa field dahil dagsaan ang tao dun ng gantong oras.

"Pwede bang tantanan mo ko."
Inis na sabi ko sa kanya at inabala ang sarili ko sa pagkain na nasa harapan ko.

"Ikaw ang unfair mo, alam mo ba yun? Pagkatapos kong planuhin ang confession mo, hindi mo ko papansinin?" Parang batang reklamo ni Ark at tinusok tusok na lang ang pagkain sa harapan nya.

Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. I sighed and rolled my eyes. Badtrip naman oh.

"Okay. Okay." Dahil sa sinabi kong yun, napatingin sakin si ark na may nagniningning na mata sabay ngiti. "Hindi ko sinabi sa kanya." Dagdag ko pa dito.

"O! W-wait? What?" Tila nagugulat na reaksyon nito sa sinabi ko. "But why?"

"Kasi, babae ako. At ang umamin ang isang babae ay hindi magandang tignan." Pagdadahilan ko dito. Magsasalita pa sana sya ng isinubo ko na sa kanya ang cake na kanina ko pa hiniwa. Ngumiti na lang ako at tahimik na kumain.

Totoo naman yung dahilan ko. Babae ako tapos ako pa aamin? At Paano ba ako aamin sa taong hindi ko naman kilala? Isa pa hindi naman yun ang gusto ko. Sadyang nung araw na na-corner ako sa laro ng company outing naming truth or dare hindi ko lang nakayanang umamin at naghanap na lang ng ibang pagbabalingan. Sakto namang nakita ko yung lalaki sa kabilang department na hindi sumali sa laro.
Kaya itong bestfriend ko pagkabalik ng manila, nagplano agad na umamin ako Pero to be honest, I'm inlove.


Secretly inlove with my bestfriend, Ark.





Habang nagiintay kami ng oras matapos ang break. Napagdesisyunan na lang namin maglakad lakad. Maya-maya ay nakasalubong namin ang head sa department namin.

"Ark. Marileigh. Pupunta ba kayo mamaya sa company's party? I heard there's a lot of fun there." Bungad nito samin.

"Uhmm, titignan ko. Parang hindi naman ako bagay sa mga party na yan."

"Ano kaba! Ayan ka na naman! Syempre imbitado lahat ng employee. Sumama kana ha?" He pouted and pleaded.

Natawa ako sa naging reaksyon nya pero alam nya san ako makukuha.

"Fine! Fine! Para sayo! Pero ano bang susuotin?"

"Ano ka ba namang bata ka! Wala ka talagang kagana gana sa mga party. Hala! Mag pantulog ka mamaya sa event." Singhal ng department head namin, sakin sabay alis.

Ganun na lang ang reaksyon nya marahil dahil alam nya na hindi ako minsan man umattend sa kahit na anong party sa company namin. Hindi ako nababagay sa mga mayayamang party. Yan ang lagi kong naiisip. Simple lang kasi ang buhay ko. Pinanganak akong salat man sa lahat ng bagay pero hindi naman sa pagmamahal ng magulang. Pero kahit ganun, kuntento na ko kung ano mang meron ako. At kung papipiliin ako, sila lang ang gusto kong maging magulang.

Suddenly, She's The HeiressWhere stories live. Discover now