CHAPTER ONE

1 1 0
                                    

MARILEIGH'S POV


"NINETY-ONE... Ninety-Two... Ninety-Three... Ninety-Four..." My breathing almost stopped at kahit ayaw ko man ay kaagad akong bumagsak sa sahig at naipikit ang mga mata ko.

"Damn, kaunti na lang! Bakit hindi mo pa pinaabot sa 100?" Reklamong tanong ni Maha sakin.

Mabilis akong tumingin sa kanya habang nagtataas-baba ang dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga.

"You need to workout more! You need to achieved it! Kailangan mong matutunan ang lahat ng bagay kung paano makipaglaban para madepensahan ang sarili mo, Young lady." Singit ng instructor na inilaan sakin.

Mariing naipikit ko ang mata at napahilamos ang kamay ko. Four hours na kong nagwo-work out! Wala pa dun yung mga depensang ituturo nya. Seryoso ba to?

Matapos ang dalawang minutong pagpikit ko ay kaagad akong naupo para uminom ng tubig.

Napagdesisyonan kong kunin ang phone ko na nasa table at lumapit sa balcony para magpahangin, I plugged my earphones to relax and feel the coldness of the fresh air.



"Paanong nangyari yun? Paanong hindi ko anak si marileigh?" Rinig ko ang Mahina pero mariing turan ni Soledad Johnson.

She's my Mom, ang mapagmahal at mabuting nanay para sakin.

"Hindi din gano'n kadali iyon para samin..." Mahinang turan ng isang boses din na babae.

"Baka nagkamali lang kayo! Baka nagkamali lang yung test na ginawa!" Turan  ng aking ina.

Naguguluhan man pero hinayaan kong pakinggan ang mga pinaguusapan nila.

"Ilang beses tayong nagpatest. Saksi kayo roon! Paanong nagkamali?" Aniya ng babaeng kausap ni nanay

"Hindi ko matatanggap ang gusto nyong mangyari! Hindi gano'n kadali yun!" Sigaw ng aking nanay.

"Then make it easier for you! Hayaan nyo kong maging magulang sa anak ko! You know I can't spend another day na hindi maging magulang sa anak ko." Ang linya na yun ang mas lalong nagpagulo sa akin. Sino ba ang anak nya? Tanong ko sa aking isipan.

Dinilat ko unti unti ang aking mata, at inilibot ang paligid. Nakita ko ang higit limang lalaking nakablack formal attire na nakatayo sa may pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Sa may sala naman ay nandoon si tatay at nanay na nakaharap sa isang babae at lalaki na kasing edad din nila. Ang pinagkaiba nga lang mayayaman ang postura nila.

"S-sino po ba ang anak ninyo?" Singit ko sa paguusap nila. Agad silang napatingin sakin kasama na ang limang black and men sa kwarto na yun.

"Anak!" Anang ni nanay. Kaagad nagsipagtakbuhan palapit sakin sila nanay at tatay pati ang dalawang tao na kausap nila.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko sa mga ito.

Nakita ko ang pagaalala sa mga mukha nila, "Call the doctor, now!" Sigaw ng isang lalaki na kausap ng mga magulang ko kanina. Agad namang sumunod ang isang balck and men dito.

Nanatili lang akong nakatitig sa lalaki at babaeng hindi ko kilala. His eyes. Bakit parehas kaming may grey eyes.

"Bakit parehas po tayong grey eyes?" Wala sa wisyong sabi ko.

Nakita ko pang napatingin ang nanay at tatay sa lalaking iyon, sabay tingin ulit sa akin. Ngunit ang lalaking ito naman sa harap ko ay ngiti lang ang isinagot.

"I know you get it from him." Nakangiting turan ng kasama nitong babae.

Hindi na ko nakasagot dahil dumating na ang doctor at sinabing ayos na ko at wala naman ng problema. Kailangan ko na lang magpahinga pa. Nalaman ko din na one week na pala akong natutulog sa kwarto na ito dahil sa hit and run na naganap sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly, She's The HeiressWhere stories live. Discover now