Hmm. Hi there! Sana po ay suportahan nyo ang story ko na ito (FICTION) :)
Enjoy reading and God Bless ;)
~~~~~~
Prologue
2005......
Mag-isa akong naka-upo dito sa isang bench ng playground, umiiyak. Narinig ko kasi ang usapan nina Mommy at Daddy kanina, aalis na raw kami ng Pilipinas at maninirahan na sa New York.
Kasalukuyan kong pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko ng may bigla akong maramdaman na may umupo sa tabi ko. "Bakit ka umiiyak? Magmumukha kang gurang nyan eh" sambit ng isang batang lalake.
Tumigil ako sa pag-iyak at tinignan sya, "Sino ka ba?" Tanong ko.
He smiled, "Ako si Vince"
Sinuri kong mabuti ang pananamit nya, naka-suot sya ng puting damit na sa sobrang luma na eh nag kulay uling na at tagpi-tagping shorts. Bigla kong tinakpan ang ilong ko, "Ang baho mo naman!"
"Haha!" Tumawa sya "Ikaw ano pangalan mo?" He asked seriously.
BINABASA MO ANG
The Loom Bands Love Story
Teen FictionMag-kaibigang nagka-layo, maipag-kikita kaya ng mga loombands nila?