23( gunshot)

270 8 0
                                    

Chapter 23

Lianne pov

"STOP MONICA!!" Napahinto si monica dahil sa sigaw na yun at ako rin ay napatingin. Zion?!.

"Z-zion dumating ka alam mo bang matagal kitang inantay?" Masayang sabi nito.

"Please pakawalan mo na si Lianne wla syang kasalanan" pagmamakawa ni Zion

"LIANNE!! LIANNE!!!puro na lang lianne!!!" Parang baliw na sigaw ni monica at ginulo pa ang buhok nya.

Dahan-dahan namang lumapit sakin si Zion at kinalagan ako sa pagkagapos wla naman kaseng ibang tao dito kaming tatlo lang.

"Monica ayusin natin to magagawan pa to ng paraan" mahinang sabi ni Zion.

"No.wla ng magagawa pang paraan ikaw lang naman gusto ko eh!..masaya naman tayo noon diba?!" Mangiyak ngiyak na sabi ni monica.

"Pero niloko moko monica!" Sigaw pabalik ni Zion.

"Eh kase palagi ka nung wla at naboboringan ako!" Sabi ni monica

"Pero hindi sapat na dahilan para lokohin moko" sigaw ni Zion

"Im sorry okay!!pinagsisihan ko na yun!! Kaya balik ka na sakin please!" Pagmamakaawa nito.

"Nababaliw kana monica...mas mabuting umuwi ka na at kalimutan ang nangyari para hindi na lumaki ang gulo." Mahinahong sabi ni Zion.

"Ayoko!! Gusto kung patayin ang babaeng yan!......"

"Nangdahil sa kanya nabaliw ako...!"

"Nangdahil sa kanya! Nawasak tayo!.."

"Nangdahil sa kanya! Nawala sakin lahat!.."

"Please tumigil kana!."sigaw ni Zion.

"Dadating na ang mga pulis monica huhulihin ka nila pag dika tumigil!" Ani Zion.

"M-monica tumigil ka na" sabi ko

"Tumahimik ka ng dahil sayo nangyari laaht to!!" Sabi nya sakin sabay totok ng baril.

Weweweweeeee!!!.

Biglang pagdating ng mga pulis.

"Hindi!hindi maari!!!"bulyaw ni monica na nag pa-panic na.

"Kailangan kitang patayin ngayun Lianne Sanchez!!" Sigaw nya pa at kinuha ulit ang baril at akmang ipuputok na ng bigla itong sinanggaban ni zion.

Nag aagawan sila ng baril ngayun ang kinatatakutan ko ay kung pumutok ito at sa kanila ang mawawalan ng buhay.

BOGSSHHHHH!!.

"Zion!!!!" Sigaw ko at nilapitan si Zion na ngayun ay naliligo ng sariling dugo.

"Please gumising ka....wag kang pipikit..."pagmamaka awa ko sinilyapan ko si monica na ngayun ay hinuhuli na ng mga pulis.

Narinig ko ang tunog ng ambulansya at kinuha nila si zion sumama ako hanggang sa maka rating kami sa hospital.

"Z-zion wag kang pipikit ha....mabubuhay ka pa....."pag mamak awa ko at hinawakan sya sa kamay at hinalikan ito.

"Ma'am hanggang dyan lang po kayo" sabi nung nurse  panay ang dasal ko doon pati ang kamay ko ay puno din ng dugo ni Zion.

Dumating na rin ang mga magulang ko at magulang ni Zion.

"M-ma huhuhu!" Agad ko namang niyakap si mommy.

"I-iha asan ang anak ko" tanong ng mama ni zion.

"N-nandon po sa loob" bigla naman akong niyakap ng mama ni Zion.

"Kakayanin ng anak ko yun alam kung makakaya nya." Sabi ng mama nya.

Sana nga kayanin nya.

Sana nga.

Lord please buhayin nyo sya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.

Love Me Like You DoWhere stories live. Discover now