~*~ Can't Reach You ~*~
"Waaaaaaahhhhh!" Rinig kong sigawan ng mga kababaihan.
"Ang hoooottt mo Drakeeee!" Sigaw na naman ng ilan sa kanila.
"KYYYYYYAAAAHHHHH! IM GONNA DIE!! " sigaw muli ng iba.
Fame? Money? Meron ako niyan. Matalino, mabait, gwapo, mayaman at kung ano ano pa ang deskripsyon nila sakin. Kulang na lamang ay sambahin nila ako ey.
Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Kung tutuusin, as in lahat lahat. Maging ang mga babae na model at artista. Lahat pwede maliban sa kanya.
Mula noon, pinagmamasdan ko na sya mula sa malayo. Tinatanaw at nagbabakasakaling sulyapan ako pabalik. Bat kung sino pa yung gusto ko, sya pa yung di ko maabot? Siya na mahal ko. Noon pa.
Nandito ako ngayon sa taas ng building natin. At tinatanaw ang pangarap ko. Oo, ikaw yun. Yung mga ngiti mong nakakapagpatunaw sa puso ko. Masayang masaya ka kasama ang mga kaibigan mo. Ang sarap mong titigan. Kahit sa malayo lang. Napagtanto ko na lang na ngumingiti akong mag-isa dito. Iba talaga ang epekto mo sa akin.
--
Lumipas ang mga araw, at eto ako, tinatanaw ka pa rin mula sa malayo. Kailan mo ba ako titingnan pabalik?
Dumating ang araw ng intramurals natin. At isa ako sa mga maglalaro. Kaya naman sobrang saya ng mga kababaihan sa school natin. Maliban sayo.
"Go Drake! We love you!!! " sigaw nila habang nagdidribble ako ng bola.
" Anakan mo na ako Drake!" Rinig kong sigaw nung isa. Napangiti na lang ako, may pagkawild din ang mga fans ko.
Napatingin naman ako sayo. Isa ka sa mga myembro ng cheer dance.
"GO! GO! GO MARTHIANS!" sigaw nung mga cheer dancer. Isa ka sa kanila. Kaya napangiti ako. Kahit di para sakin, inisip ko na ako ang chinicheer mo nang araw na iyon.
At ang saya dahil kami ang nanalo. Ikaw ang naging inspirasyon ko nang mga oras na iyon. Sana'y maabot na kita.
--
Dumating ang araw ng foundation day. At isa ka sa mga magpeperform. Nakita naman kitang laging kasama ang kapartner mo na iyon. Ang saya mo pag andyan sya. Nasasaktan ako. Sobra.
"Tara na! Practice na tayo" sabi mo sa kanya.
"Ayoko nga! Kiss ko muna" sabi naman nya. Kinabahan ako. Di ko alam ang gagawin ko. Kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.
"Hay! Ayo---hoy! Bat ka nangnakaw ng halik! Waaahh! I hate you!" Sigaw mo sa kanya. Nasaktan ako.
"Eh! Sa cheeks lang naman ey! " sabi ng kapartner mo.
Naghabulan kayo. Nagkulitan. Lagi akong umiiwas ng tingin pag nakikita kong mapapagawi ang mata mo sa kinaroroonan ko. Di ko alam. Nasasaktan akong nakikitang masaya ka sa kanya. Wala na ba talagang pag asang maabot pa kita?
Sumayaw na kayo. Iba ang mga tingin mo sa kapartner mo. Kakaiba na dadating sa puntong nasasaktan na ako ng sobra. Isa lang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Talo na ako.
Unti unti akong tumalikod kasabay ng palakpakan sa inyo ng mga tao. Naramdaman ko na lang ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ganito pala ang pakiramdam. Nabuhay ako na laging nakukuha ang gusto ko, pero bat ikaw? Di lang naman kita gusto, mahal kita. Pero bat di kita makuha? Ang sakit lang.
Nakaramdam ako ng yabag. At pagpulupot ng mga kamay mula sa likuran. Napalingon ako at nagulat sa nakita ko. Niyakap mo ako mula sa likuran. Ikaw pala yun. Pero? Anong meron?
"Hindi pa nga nagsisimula ang love story natin, susuko ka na agad"
Naguluhan ako. Di ko alam ang irereact ko. Ano? Di ko maintindihan. Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Para kang bituin sa langit, kay sarap pag masdan ngunit napakahirap abutin. Matagal na kitang pinagmamasdan. Tuwing di ka nakatingin. Ayos lang sakin kung di mo mababalik ang nararamdaman ko pero naglakas loob na ako. Mahal kita Drake."
Mas ikinagulat ko ang sinabi mo. Pinagmamasdan mo ako mula sa malayo? Ngunit, pano nangyari? Hindi mapagsidlan ang tuwa ko ngayon. Napaharap ako sayo.
"Totoo ba yun? Mahal mo ko? Mahal mo ako? " hindi mapaniwalang tanong ko. Ang sarap ng feeling.
Tumango ka at dahil dun ay niyakap kita nang pagkahigpit higpit. Umiiyak ka na rin. Kasabay ng pag agos ng mga luha ko. Sobrang saya ko. Yung taong akala ko ay di ko maabot ay tinatanaw din ako mula sa malayo. At ngayon ay yakap yakap ko na sya.
"Mahal na mahal din kita Zandra"
~*~ End ~*~
*****
Yow! XD one shot! Hohoho ^^ read my another story. The rejection po ang title ^^ :)
Thanks guys. I love you all :*
-hughes :)