Bago natin simulan may sasabihin muna ako, oo sinabi ko na pag-iisipan ko muna ngunit matagal na ako na may gusto kay Lean pero ganda tayo e kailangan pakipot tayo.
Nanligaw saakin si Lean tumagal ito ng dalawang taon ang panliligaw nito saakin. Bakit tumagal? kasi pinangako ko sa aking ama na mag tatapos muna ako bago ako pumasok sa relasyon.
Si Lean ay sobrang maalaga saakin ewan ko ba bakit hindi ito nag sasawa saakin e pero ako ay nag papasalamat doon.
Ngunit lumipas ang ilang buwan nag bago ang ugali ni Lean. Hindi ko iyon pinansin because i know my Lean will never do that to me it may sound so clingy pero ganon talaga pag mahal mo.
Makalipas ang isang linggo
Ako ay nag sulat para kay Lean na sinasagot ko na siya, ito ay pinaabot ko kay Gabe.
"Beh hindi pumasok si Lean" nalungkot naman ako doon "Alam mo bang sabi sabi nila nag balikan daw sila ni Joana?" "Sabi sabi lang Gabe wag mag paniwala" pero masakit yun ah.
kinabukasan
Naging palaisipan saakin yung sinabi saakin ni Gabe kahapon, sila na nga ba ulit? bakit? paano? ano? yang mga yan iniisip ko parin
"Ang aga mo ngayon and ano nakain mo?" pag bati ng isa ko pang kaklase "Bawal na? hindi kasi ako makatulog kaya inagahan ko nalang pumasok tutal hindi naman ako natulog" at naupo na ako tumunganga sa bintana.
Pumanik ako pababa kasi wala akong magawa isang oras pa bago mag klase. "Babe pumasok kana" napatingin naman ako kung saan banda iyon "Oo miss na kita" "lUh parang sira ito" nandiri ako bahagya doon ngunit pamilyar saakin yung boses ng lalake.
Hinayaan ko nalang iyon at nag patuloy mag lakad kung saan saan. Nabangga ko si Gabe "Lia wow aga ah ano meron?" natawa naman ako sakanya "Hindi ako makatulog" simpleng pag tugon ko sakanya "Ay may iniisip ito, ano yan spill the tea" "Sila ba talaga?" napahinto naman si Gabe sa pag lalakad "Sa totoo lang Lia kaibigan kita pero kailangan mo ito malaman, Oo sila na ulit pasensya na beh" "Okay lang" nag patuloy ako sa pag lalakad "tara panik na tayo"
Buong araw ako tahimik at hindi makausap ng maayos. nang matapos ang klase tahimik parin ako kumain na kami ni Gabe sa labas, sa kasamaang palad biglang may pumasok hulaan niyo sino? aha tama, sila yung pumasok nag tama ang mga mata namin ni Lean ngunit lumingon ito agad.
"Gabe una na ako busog na ako" tumayo na ako agad "Hah? hindi mo pa ubos kinakain mo" "Busog na ako mauna na ako hintayin nalang kita sa room" umalis na ako at nag madali lumabas.
Bago ako makatawid may humila saakin "Lia teka lang" lumingon ako "Bakit?" napakamot ito sa ulo niya "sorry" "sorry? yun lang sasabihin mo saakin Lean" sinubukan ko hindi maluha pero masakit.
"Lean 2 years itatapon mo yun? i know you waited for me but Lean i am so sorry for making you wait. Alam mo Lean kahapon sasagutin na sana kita I was ready to risk everything just to be with you kaso hindi ka pumasok. Wala ka tapos may mga naririnig pa ako na nagbalikan daw kayo ni Joana, namamagasa ako na mali yung mga naririnig ko kahapon pero nung ako na mismo nakasaksi na magkasama kayo, Lean ang sakit sakit." humahagulgul na ako ng sobra "Lia tao din ako naiinip at napapagod, 2 years is too long for me, Joana was there nung mga buwan na tinatanong ko ang sarili ko kung may patutunguhan pa ba ito? ipagpapatuloy ko paba? Lia i waited for you pero bakit ang tagal?" hindi ko na kaya at umalis nalang ako at sinabi ito sakanya "Thank you sa 2 years, para sayo".
lumipas ang siyam na buwan
"Omg last month nalang ng s.y natin" masayang pag sabi ni Gabe "Kaya nga e, saan ka mag babakasyon?" tanong ko sakanya "Ewan ko din malay ko kila mama, ikaw ba?" "Siguro sa tarlac always naman doon walang bago beh"
Nag lalakad kami ni Gabe papunta playground "Good old days, i miss this place" sabay pag sakay ko sa swing "Yung place nga ba or yung kasama mo dito sa place?" napatingin ako sakanya at ngumiti "Parehas".
"Alam mo ba binigay ko kay Lean yung sinulat ko" napatingin saakin bigla si Gabe "hah? kailan?" natawa ako "Yung araw na bigla akong umalis kasi busog na ako habang kumakain tayo hinabol niya ako that time pero sorry lang sabi e napagod daw siya kakaantay" napaupo naman sa ituktuk ng slide si Gabe "Ano naman sagot mo?" tumingin ako sakanya at bracelet ko "Thank you sa dalawang taon yun lang sabay bigay nung letter at umalis na ako"
"Tara kain nakakapagod mag laro kahit dalawa lang tayo" pag aanyaya ko sakanya "Oo din tara saan mo ba gusto?" "Kahit saan"
Nag punta kami sa Jollibee baka nag tataka kayo bakit kami nakakalabas well its the last month we can enjoy this month we are free to do whatever we want.
"Ay shala nag mcdo nalang sana tayo beh masisira ata panlasa ko dito" natawa naman ako sakanya "Ikaw ba niloko? parang mas affected kapa saakin ah" inirapan ako nito "Tara na nga dami mo ebas"
Nag tatawanan lang kami ni Gabe habang kumakain nang bigla may nakiupo "Pwede join kami?" tumingin si Gabe sakanila "Ayoko nga" "Sapaw? hindi naman ikaw sadya namin dito" natawa naman ako sa sagog niya kay Gabe at tuloy sa pag kain "Upo na kayo"
"So Lia, kamusta?" "Ayos naman para namang hindi mo ako kaklase Ethan" tumawa naman ito " im just making sure kung okay lang future girlfriend ko"
hephep hinto muna dyan, Oo manliligaw ko si Ethan 2 months ago pa at masaya ako with him.
"Wow naman iba ka din no Ethan maharot" pang iinis ni Gabe sakanya "Inggit ka lang, Ayan oh si Micah single baka siya na yung for you" "Manginig ka naman Ethan sa mga sinasabi mo" natawa naman ako sa kanilang dalawa.
Habang nag babangayan yung dalawa napatingin naman ako sa table nila Lean nakita ko na nakatingin siya saamin nginitian ko nalang siya ng mag tama ang mata namin.
"Ano pati ikaw ba naman Ethan"