Aphrodite Point of view :
Nagising ako sa ingay sa labas. Mukhang may pinagkakaguluhan ang pamilya ko. Ano naman kaya iyon. Kahit na gustuhin kong lumabas ay di ko magawa dahil sa antok pa ako. Ang hirap magising nang tatlong oras lang ang tulog.
Matutulog na sana ulit ako nang biglang may kumalabog sa pintuan nang kwarto ko. Nagulat pa akong bahagya dahil doon, hindi ko na sana papansinin nang maulit iyon.
"Ateee, gising na, nandito yung boss mo." boses ni Kisha yun, ang lakas lakas para bang isang bingi ang ginigising niya.
"Oo, saglit lang." Sagot ko din sa kanya, pero patuloy pa rin siya sa pagkatok. Bingi na atah siya.
"Walang saglit saglit, ano ba ateee!" Juice'miyu marimar naman itong batang ito oh. Hindi makapaghintay, inaantok pa nga ako eh.
Pinilit ko na lang bumangon kahit na antok pa ako. Iniligpit ko muna ang higaan ko katulad nang parati kong ginagawa.
Humikab muna ako bago mag unat. Pero bigla akong nadapa dahil sobrang lakas na nang pagkalabog sa pintuan. Lintek na bata iyan, hindi makapag hintay.
Pumunta muna ako sa cabinet ko sa kwarto at pumili nang susuotin para sa trabaho. Nang makapili ay inilagay ko iyon sa kama. Ngunit napatigil ako nang mapansing may kulang sa kinuha ko.
Nanlaki agad ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi ako nakakuha nang panty ko. May bra nga akong nakuha at sando. Pero walang panty! Mamuntikan pa akong pumasok nang trabaho na walang suot na panty pangtakip sa ibaba maliban sa pencil skirt kong hapit.
Ang hirap talaga kapag ka-antok ka pa. Binilisan ko na ang pagligo ko dahil hindi na matigil ang pagkalabog sa pintuan ko. Nakakainis ka na talaga Kisha, talagang hindi makapaghintay.
Nang makaligo ay dali dali na akong nagbihis, pagkatapos ay naglagay na lang ako nang konting foundation at liptint na pula.
Inayos ko na din ang buhok ko. Hay naku, nakakainis talaga.
Pero nang natapos ko na ang pag-aayos ay nagulat ako nang makitang nag-aaway away sila don at sa harap pa talaga nang BOSS ko!
Grabe naman talaga itong mga ito!
Tanging ang bunsong kapatid ko lang na lalake at si Athena ang hindi nakikipag away sa mga kapatid namin.
Nang tignan ko ang pinag-aagawan nila, isa pala iyong libro. Limited edition lang kasi iyon at mabuti na lang nakahabol ako kaya nakabili pa.
“Ano ba naman kayo, nasa harap na kayo't lahat lahat nang boss ko hindi man lang ba kayo nahihiya? Naku naman oh.”
Tumingin muna sila sa akin bago mag-away-away ulit.
Anak nang teteng...
“Good Morning po Mister Rivera, pasensya na po ganyan po kasi talaga sila. Ahh, nga po pala, bakit po kayo napapunta dito?”
Kataka-taka naman kasi na pupunta dito ang boss ko nang walang problema o kaya naman nang trip trip lang. Hindi siya ganoong uri nang tao. Pero mabait naman siya.
“Oh, it's just i'm so worried about you, hija. You know, your not replying to my texts so i think that some things bad happened to you. Luckily, nothing bad happened. And i don't mind, actually i more like your younger sisters. You know, my unica hijo was that talkative too but unfortunately he's not here at our country. He was on trip with his cousins. I just miss my son, so i don't mind them. Oh, and next month my son will gonna arrive and you've need to accompany him. He's growing up, hindi naman pwedeng pagbubulakbol lang ang alam niya. So is it okay to you?”
YOU ARE READING
Rivera Cousin's Series #1 :Austrien Troy Lexiere Rivera
RomanceBeing a child of a business man, Austrien Troy Rivera know that one day, he'll step on his father's company. Approachable, silly, green eye man, attractive and talkative himself, he met his father's secretary, LA Aphrodite Banting.